DOTS, fresh episodes na sa November; Kyline Alcantara, 20 days ang lock-in sa Bilangin Ang Bituin

by PEP Troika
Oct 23, 2020
Look: Behind-the-scenes sa taping ng Descendants of The Sun, na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Dingdong Dantes (left), at Bilangin Ang Butuin nina Kyline Alcantara at Nora Aunor (right).
PHOTO/S: GMA Network / @mercadojenny Instagram

JERRY OLEA:

Mapapanood na ang recap ng Descendants of the Sun sa Oktubre 26, Lunes sa GMA Telebabad.

Philippine adaptation ito ng hit Korean series na pinagbidahan nina Song Joong Ki at Song Hye Kyo noong 2016.

Bida sa internationally-acclaimed prime-time series sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Ultimate Star Jennylyn Mercado bilang sina Big Boss at Beauty, respectively.

Continue reading below ↓

Sa Nobyembre 5, Huwebes, fresh episodes na ng DOTS ang matutunghayan sa Kapuso Network.

Ten days lang ang recap? Ang nabalitaan natin noong una ay Nobyembre 9, Lunes, mapapanood ang fresh episodes ng DOTS.

PRIMA DONNAS & ANAK NI WARAY VS ANAK NI BIDAY

Noon pa nagre-recap na ang Prima Donnas, na nakatapos na ng first wave ng 21-day lock-in shoot.

Continue reading below ↓

Tuloy kaya sa Nobyembre 9 ang pagpapalabas ng fresh episodes ng Prima Donnas, o meron ding pagbabago?

Nabalitaan natin na Nobyembre 23, Lunes, nakatakdang umere ang recap ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday, at sa Enero 25, 2021 nakatakda ang start ng airing ng fresh episodes.

BILANGIN ANG BITUIN

Nitong Huwebes, Oktubre 22, balik-taping na ang Bilangin ang Bituin sa Langit sa San Mateo, Rizal.

Continue reading below ↓

Kinumpirma ito ni Yasser Marta sa kanyang Facebook account.

Si Yasser ang love interest ni Kyline Alcantara sa teleserye, kunsaan tampok din sina Mylene Dizon, Zoren Legaspi, Ina Feleo, Gabby Eigenmann, at Nora Aunor. Ang director nito ay si Laurice Guillen.

Pinadalhan tayo ng GMA-7 ng mga litrato upang ipakita ang ibayong pag-iingat nila sa set.

Continue reading below ↓

Naka-face mask at face shield ang mga artista at crew, at may divider pa sa puwesto ng monitor ni Direk Laurice.

LOVE OF MY LIFE, MAGKAAGAW, AGIMAT NG AGILA

Teka! Balik-taping na rin ba ang Love of My Life?

Isang buwan na ang nakalipas nang ikuwento ni Carla Abellana sa 24 Oras na handa na siya sa lock-in taping ng pinagbibidahan niyang prime-time series.

Continue reading below ↓

Ani Carla, "Kukulangin ata yung tatlo o apat na luggage. Sa box naman, yung mga kagamitan pa lang mismo, yung supplies pa lang, parang nakakaapat na ata ako na medyo malalaki.

"Kasi nga lock-in kami, bawal lumabas, bawal din na pumunta rin ang kahit sino."

E, ang Magkaagaw nina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Klea Pineda, at Jeric Gonzales?

Buti pa ang Agimat ng Agila nina Senator Bong Revilla at Sanya Lopez, may schedule na sa pagbabalik-taping.

NOEL FERRER:

Sa wakas, fresh episodes ng mga teleserye sa GMA-7 coming up!!!

At least, head-to-head na ang Descendants of the Son at ang FPJ’s Ang Probinsyano na nasa third cycle na ng kanilang taping ng fresh episodes.

Alin kaya ang makakatapat ng mas umiinit at inaabangan nating Ang Sa Iyo Ay Akin?

Kagabi nga nangyari ang hablutan ng perlas, at ang operative word ngayon ay "MINE!"

GORGY RULA:

Tuwang-tuwa ang mga taga-Bilangin Ang Butuin dahil nakabalik na sila sa taping na safe silang lahat.

Continue reading below ↓

Lahat sila, mula sa mga artista hanggang sa production staff, negative ang resulta ng swab test.

Kaya walang pinalitan o tinanggal sa kanila.

Kahit si Ate Guy na senior citizen ay may waiver pa na fit to work siya. Mala-lock-in daw sila sa taping for 20 days.

HOT STORIES


Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Look: Behind-the-scenes sa taping ng Descendants of The Sun, na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Dingdong Dantes (left), at Bilangin Ang Butuin nina Kyline Alcantara at Nora Aunor (right).
PHOTO/S: GMA Network / @mercadojenny Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results