Kapamilya Channel, nasa Cignal TV na; Charo Santos, Boy Abunda mapapanood sa Kumu

by PEP Troika
Oct 23, 2020
Mapapanood ang (clockwise) FPJ's Ang Probinsyano, Walang Hanggang Paalam, Ang Sa Iyo Ay Akin, at It's Showtime sa Kapamilya Channel. ABS-CBN shows, kaya bang pabalikin ang dating lakas sa A2Z at cable channels?
PHOTO/S: FPJ's Ang Probinsyano / Walang Hanggang Paalam / Ang Sa Iyo Ay Akin / It's Showtime

JERRY OLEA:

"May KAPAMILYA CHANNEL na sa Cignal! O loko!" Tweet iyan ni Vice Ganda noong Oktubre 21, Miyerkules.

Agad nag-comment ang Cignal TV, "Yes, @vicegandako! All Cignal Postpaid Plans, Prepaid Loads and SatLite Loads will include Kapamilya Channel!

"Also available on all PLDT 3Play/Cignal over Fibr Plans, RED Plans, and Roku.

"Stay tuned for CPlay!"

Opo, mga ka-troiks! Magiging available na ang Kapamilya Channel sa Cignal satellite TV channel 22 kaya mas maraming Pilipino ang makakapanood ng ABS-CBN shows.

Simula ngayong weekend (Okture 24 at 25, Sabado at Linggo), masusubaybayan na sa Kapamilya Channel ang bagong episodes ng mystery music game show na I Can See Your Voice (hosted by Luis Manzano).

Kasama rin ang Paano Kita Mapasasalamatan (hosted by Judy Ann Santos), Iba ‘Yan (hosted by Angel Locsin), at ang pagbabalik ng Maalaala Mo Kaya (hosted by Charo Santos).

Dapat ding abangan ang pagsisimula ng teleseryeng Bagong Umaga sa Lunes (Oktubre 26).

Continue reading below ↓

Napapanood din sa Kapamilya Channel ang FPJ’s Ang Probinsyano, Ang Sa Iyo Ay Akin, at Walang Hanggang Paalam. Pati na ang live episodes ng It’s Showtime, ASAP Natin ‘To, Magandang Buhay, at TV Patrol.

Araw-araw ring umeere rito ang Kapamilya Daily Mass, educational programs, mga pelikula, at replay ng Kapamilya shows.

Bukod sa Cignal, available din ang Kapamilya Channel sa SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, GSAT Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association.

Samantala, napapanood din ang ABS-CBN shows sa A2Z channel 11 analog TV, Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel and Facebook page, pati sa iWant TFC.

Sa labas ng Philippines, maaaring tumutok sa The Filipino Channel sa cable o IPTV para sa mga gustong manood ng Kapamilya shows.

NOEL FERRER:

Sana, matumbasan pa ng mas maraming platforms ang pinaghihirapang trabaho ng ating mga kasamahan sa industriya.

Continue reading below ↓

Nakakalungkot lang na iyung iba ay kailangang gumastos ng extra para sa data plan para ma-access ang ibang palabas na dati’y nasa free TV.

Ngayon, iba na rin ang playing field—hindi na lang free TV, o cable, kundi pati online na!

GORGY RULA:

Wala pa akong ideya at hindi ko rin alam kung kayang pabalikin ang dating lakas sa mga manonood itong mga programa ng Kapamilya network sa A2Z channel.

Hindi ko pa rin kasi nakikita na magiging mahigpit na kalaban ito ng GMA-7.

Nandiyan pa ang TV5 na talagang todo rin ang paglunsad ng iba’t ibang programang kagigiliwan ng mga manonood.

Nakakatuwa lang na best effort ang Kapamilya network sa paggawa ng magagandang programa, at nagawan ng paraang mapanood ang mga ito sa iba’t ibang platform.

Nakakapanghinayang lang ang frequency nilang nawala, at pinag-iinteresan na ito ng ilang kumpanya.

Ngayong napag-usapan na sa Kongreso ang budget ng 2021, kakalkalin na kaya uli ng ilang kongresista ang isyu sa lupang kinatitirikan ng ABS-CBN building at kung kanino ia-award ang frequency nito?

Continue reading below ↓

Magdurugo kayang muli ang puso ng mga kapamilya? Pahirap nang pahirap na itong nangyayari sa atin.

JERRY OLEA:

Good news din para sa mga Kapamilya ang lumalakas na presence ng ABS-CBN sa Pinoy live streaming app na Kumu.

Oktubre 12, Lunes ng 12:00 n.n. nagbalik ang game show na Game KNB? sa Kumu at Jeepney TV, with Robi Domingo as host.

Nag-start ang auditions ng Pinoy Big Brother (PBB) Connect noong Oktubre 19, Lunes sa Kumu. Tatagal ito hanggang Nobyembre 11.

As of October 22, Thursday, 3:00 p.m., may 48,487 aspiring housemates na ang nag-audition.

Mag-uumpisa ang The Best Talk ni Boy Abunda sa Oktubre 24, Sabado ng 9:00 p.m. sa FYE (For Your Entertainment) Channel sa Kumu. Kasabay itong mapapanood sa Facebook page at YouTube channel ng Cinema One.

Tampok sa The Best Talk ang mga "unfiltered" na usapan ni Kuya Boy kasama ang mga maiinit na artista at sikat na personalidad.

Continue reading below ↓

Bibigyan din niya ng pagkakataon para mas makilala pa ang ilang Kumu live streamers sa pag-iimbita niya sa mga ito sa kanyang show.

Magsisimula naman ang Dear Charo ni Charo Santos sa Oktubre 26, Lunes ng 8:00 p.m. sa FYE Channel ng Kumu.

Panauhin sa pilot episode ng Dear Charo si Kim Chiu, at ang evangelical leader at Zoe Broadcasting Network founder na si Bro. Eddie Villanueva.

Ipapakita ni Ma’am Charo sa online show na ito ang kanyang lighter side.

Maghahatid siya ng masasayang kuwento sa bagong digital platform, with Robert Labayen as co-host.

Si Robert ang ABS-CBN Creative Communications Management head na nasa likod ng mga Christmas station ID ng Kapamilya network—tulad ng "Bro, Ikaw ang Star ng Pasko," "Thank You for the Love," at "Family is Love."

HOT STORIES


Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mapapanood ang (clockwise) FPJ's Ang Probinsyano, Walang Hanggang Paalam, Ang Sa Iyo Ay Akin, at It's Showtime sa Kapamilya Channel. ABS-CBN shows, kaya bang pabalikin ang dating lakas sa A2Z at cable channels?
PHOTO/S: FPJ's Ang Probinsyano / Walang Hanggang Paalam / Ang Sa Iyo Ay Akin / It's Showtime
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results