Ruffa Gutierrez, walang kaere-ere raw ang inaanak na si Daniel Padilla; Ano ang childhood memory ni Daniel kay Ruffa?

by PEP Troika
Oct 23, 2020
Ruffa Gutierrez, naka-bonding nang husto sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa digital series na The House Arrest of Us. Gaganap na mommy ni Kathryn si Ruffa sa serye.
PHOTO/S: @iloveruffag Instagram

GORGY RULA:

Si Daniel Padilla pala ang isa sa mga dahilan kaya tinanggap ni Ruffa Gutierrez ang mother role kay Kathryn Bernardo sa digital series ng Star Cinema na The House Arrest of Us.

Aware si Ruffa na replacement siya sa role na iyun, pero dahil sa KathNiel project ito, gusto raw niyang gawin.

Kuwento ng aktres nang nakapanayam namin sa isang virtual tsikahan noong Oktubre 22, Huwebes ng gabi,

"In-offer sa akin iyung role, let's say tonight, tomorrow daw, mag-swab na kami. Parang hindi pa ako ready.

"I knew that I was the replacement of someone, because nga the project was offered tonight and if I accepted it, tomorrow, swab na.

"So, you can imagine, wala pang 24 hours to pack my stuff to get ready? Buti na lang, kakukulay ko lang nun, nagpakabit na ako ng nails. So, hindi talaga ako prepared."


Continue reading below ↓

Siyempre, dahil nga project ito nina Kathryn at Daniel, parang hindi raw niya puwedeng tanggihan ang magandang proyektong ito ng napakasikat na love team.

"Tinawagan ko si Karla Estrada, who is my kumare. Sabi ko, 'Mare, in-offer sa akin iyung project na The House Arrest of Us.' Actually, hindi ko pa alam ang title nun.

"Sabi niya, 'Mare, tanggapin mo na. Huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano. Maganda iyan. It’s Star Cinema, award-winning writer, it’s DJ and Kathryn, I’m sure na alagaan ka,'" patuloy niyang kuwento.

DJ ang palayaw ni Daniel.

Puring-puri ni Ruffa sina Kathryn at Daniel na napaka-professional daw katrabaho.

"I really love working with Kathryn because, siyempre, it’s my first time to work with her.

"Although my kids are KathNiel fans and ilang beses na kami nag-meet ni Kathryn, and I must say na talagang napakabait na bata.

"Wala talaga silang ere sa pagiging superstar nila, wala silang ka-feel-feel na sikat sila.

Continue reading below ↓

"I had such a great time working with them and I hope to work with them in the future," dagdag niyang pahayag.

Nagulat pa raw siya nang ikinuwento sa kanya ni Daniel na hindi raw makalimutan ng aktor noong bata pa raw siya ay niregaluhan siya ni Ruffa ng pera.

At tuwang-tuwa raw si Daniel dahil nabili raw niya ang gustung-gusto niyang sapatos.

Kaya bakit daw tatanggihan ni Ruffa na maging nanay ng girlfriend ng inaanak niya?

NOEL FERRER:

Naalala ko iyung interview ni Tito Gorgy sa radyo na dapat talaga kay Carmi Martin ang role, pero nabalam siya dahil sa kanyang COVID-19 situation.

Nalaman noon ni Carmi na dinapuan siya ng virus matapos niyang magpa-swab test bago sumalang sa taping ng The House Arrest of Us.

Baka talagang hindi para kay Carmi ang role kundi kay Ruffa.

Balita natin, in-adjust ang role ng nanay para bumagay kay Ruffa.

In-exchange ang asawa niya sa programa, na instead of Dennis Padila ay si Herbert Bautista na.

Continue reading below ↓

We’ll see and we are excited how Ruffa will own her role sa The House Arrest Of Us.

JERRY OLEA:

First time ng 46-anyos na si Ruffa na tumanggap ng mother role. Edad 24 na si Kathryn, kaya ang dating ay 21-anyos si Ruffa nang mabuntis ang karakter niya.

"The only reason why I accepted the project is because of Kathryn and DJ. Siyempre, they’re superstars of this generation, and at the same time, Daniel is my inaanak," paliwanag ng maganda at matangkad na beauty queen-actress.

"And kami ni Karla nun ang magkakabarkada, and nabuntis siya while making bantay sa aming dalawa ni Robin."

Ang tinutukoy ni Karla ay ang panahong naging nobyo niya si Robin Padilla. Sina Robin at Ruffa ay nagtambal sa pelikulang Lab Kita... Bilib Ka noong 1994.

Si Karla raw ang chaperone nila noon.

Hanggang sa nagbunga raw ang pagmamahalan noon ni Karla at ng partner nito na si Rommel Padilla.

Continue reading below ↓

Patuloy na kuwento ni Ruffa tungkol sa friendship nila ni Karla: "So, ang nangyari, siya ang nabuntis, I remain wholesome.

"It’s weird naman na tatanggi ako na mommy ni Kathryn when she’s the girlfriend of Daniel na inaanak ko.

"So, I believe it’s okay, and I said they’re the superstars of this generation. So, hindi ako nag-isip twice na tanggapin iyung role.

"And also, maganda, kasi, from beginning to end, kasama iyung both families. So, it’s not like a dekorasyon na, 'Okay, mommy ka ni Kathryn, nandiyan ka lang, isa lang ang eksena mo sa pelikula.' We’re always there!"


Continue reading below ↓

Mapapanood ang digital movie series na The House Arrest of Us simula bukas, Oktubre 24, Sabado sa KTX.

Sa istorya, newly engaged sina Korics (Daniel Padilla) at Q (Kathryn Bernardo). Sa araw ng pamamanhikan ni Korics sa tahanan ng pamilya ni Q, hindi magiging maayos ang turingan ng bawat pamilya.

Maiinis ang nanay ni Korics na si Berna (Arlene Muhlach) sa ugali ng nanay at tatay ni Q na sina Zenaida (Ruffa Gutierrez) at Slyver (Herbert Bautista).

Tulad ni Berna, naasiwa sina Zenaida at Slyver lalo pa sa biglang pagdating ng tatay-tatayan ni Korics na si Papawan (Gardo Versoza).

Titindi ang away ng dalawang pamilya nang mapilitan silang magsama sa isang tahanan sa simula ng lockdown.

Kasama rin sa digital movie series sina Riva Quenery, Anthony Jennings, Alora Sasam, Dennis Padilla, Hyubs Azarcon, and Summer Ford.

Siyanga pala, may 5% discount ang tiket hanggang ngayon, Oktubre 23, Biyernes. Witness the pilot episode this Saturday (October 24), 2:00 p.m. until Sunday (October 25), 2:00 p.m.

Continue reading below ↓

Labin-tatlong episodes ang mapapanood ng fans sa halagang PHP499.

Maliban sa series, may tatlong sorpresang fan conference at behind-the-scenes feature na ihinanda ng cast, Star Cinema, at KTX.

Sinundan ng The House Arrest of Us ang mga naunang handog ng KTX na na New Normal ni Jed Madela, Tayo Hanggang Dulo ng JaMill, 20k20 ni K Brosas, Hello Stranger: Finale Fancon, at Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience.

HOT STORIES


Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez, naka-bonding nang husto sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa digital series na The House Arrest of Us. Gaganap na mommy ni Kathryn si Ruffa sa serye.
PHOTO/S: @iloveruffag Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results