Alex, Bayani, Wacky, pinalitan na sa I Can See Your Voice; The Clash, dalawang show ang makakabakbakan

by PEP Troika
Oct 23, 2020
Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, at Wacky Kiray, hindi na kinuhang SING-vestigators ng I Can See Your Voice. The Clash, makakatapat ang I Can See Your Voice at Masked Singer Pilipinas.
PHOTO/S: @cathygonzaga / @bayaniagbayani / @wackykiray Instagram

JERRY OLEA:

Nangunguna sa ratings ang musical competition na The Clash Season 3 tuwing Sabado ng 7:15 p.m. at Linggo ng 7:45 p.m. sa GMA-7.

Kesehodang labu-labo sina Clash Masters Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, Journey Hosts Rita Daniela at Ken Chan, at Clash Panel na sina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Aiai Delas Alas—you cannot argue with success, ikanga.

Dalawang bagong programa ang makikipagbakbakan sa The Clash, umpisa Oktubre 24, Sabado ng gabi.


Continue reading below ↓

Pilot telecast ng Masked Singer Pilipinas ngayong Sabado ng 7:00 p.m. sa TV5. Sasamahan tayo ng host na si Billy Crawford sa kantahan, kulitan, at who-laan.

Ang apat na judge detectives ay sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, Kim Molina, at Matteo Guidicelli.

Kabilang sa labin-dalawang (12) maskaradong mang-aawit sina 22B, Adarna, Aspin, Diwata, Mariposa, Pusaway, Sea Reyna, Syokoy, Tikboy, Valentino, at iba pa.

Sino kaya ang tatanghaling Ultimate Masked Singer?


Continue reading below ↓

Magbabalik ang mystery game show na I Can See Your Voice ngayong Sabado ng 7:45 p.m., at sa Linggo ng 7:15 p.m. sa A2Z Channel 11. Iho-host ito ni Luis Manzano.


Ka-join ang dating SING-vestigators na sina Angeline Quinto, Andrew E, at Kaladkaren.

Kasama rin bilang SING-vestigators sina Negi, Eric Nicolas at Long Mejia.

Continue reading below ↓

Waley sa line-up ang dating SING-vestigators na sina Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, at Wacky Kiray!

Sina Alex, Bayani, at Wacky ay napapanood sa bagong TV5 noontime show na Lunch Out Loud.

GORGY RULA:

Parang kampante na ang mga taga-The Clash dahil tila nakakuha na sila ng mga tagasubaybay, lalo na’t nagsisimula nang uminit ang labanan pagkatapos ay haharap sa Round 2 ang 20 clashers.

Samantala, naka-text ko na si Bayani Agbayani kahapon, October 22.

Nanghinayang din siya na hindi na sila makakasama nina Alex at Wacky Kiray sa sing-vestigators dahil hindi sila kinuha ng Kapamilya network. Nasa TV5 na raw kasi sila, kaya kailangan na silang palitan.

Pero nilinaw sa amin ng dating Negros Occidental Third District Representative Albee Benitez ng Brighlight Productions na okay lang daw sa kanila na kumuha ng trabaho sa ibang network ang mga artistang kinuha nila sa kanilang show dahil hindi sila exclusive sa TV5.

Continue reading below ↓

Kaya kung gustong mag-I Can See Your Voice sina Bayani, puwede raw.

Ang siste, hindi sila kinuha ng naturang programa kaya nasa TV5 na talaga sila.

Ang maganda lang dito, parehong may kinalaman sa pagkanta ang maglalaban-laban sa timeslot na ito sa weekend. Kaya ang saya lang!

NOEL FERRER:

Muli, masaya tayo dahil may fresh episodes ang TV shows ng iba-ibang network.

May trabaho ang mga artista at singers na involved sa The Clash, Masked Singer Pilipinas, at I Can See Your Voice.

Pero sana, kasabay nito ay strict pa rin ang pag-observe ng health at curfew protocols.

Nabalitaan kasi natin na naging gawi ng ibang shows na magbigay ng excuse letter kung uuwi ang mga trabahador ng production beyond the usual curfew hours.

While we strive to make new and quality content, kasabay niyon ang ibayong pag-iingat by observing rules and protocols consistently—and that goes out for everyone.

HOT STORIES


Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, at Wacky Kiray, hindi na kinuhang SING-vestigators ng I Can See Your Voice. The Clash, makakatapat ang I Can See Your Voice at Masked Singer Pilipinas.
PHOTO/S: @cathygonzaga / @bayaniagbayani / @wackykiray Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results