MMFF 2020, inanunsiyo ang streaming partners para sa December festival

by PEP Troika
Oct 23, 2020
Ang first four entries ng MMFF 2020 (counterclockwise): Praybeyt Benjamin 3 ni Vice Ganda, Magikland ni Miggs Cuaderno, Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan ni Joshua Garcia, at The Exorcism of My Siszums nina Toni at Alex Gonzaga.
PHOTO/S: Vice Ganda / Black Sheep / Alex Gonzaga Instagram / Magikland

NOEL FERRER:

The Metro Manila Film Festival—the biggest, most popular and longest running local film fest in the country—pushes through despite the GCQ status in Metro Manila until the end of the year.

COVID-19 cannot dampen the Filipino Christmas spirit, and the MMFF Executive Committee has decided to bring this Holiday tradition to every Filipino home across the globe.

After careful and thorough deliberation on the five proposals for the online streaming partner, the MMDA and the MMFF Execom have engaged the services of GLOBE (G Movies, Gcash) and UPSTREAM as partners.

With this partnership, we shall expand the MMFF reach to include the Filipinos abroad who cannot go home for the holidays but can still have a Filipino Christmas complete by watching MMFF movies.

Si Metro Manila Development Authorit Chariman Danilo Lim ang diya ring chairman ng MMFF Executive Committee.

Ang sabi nga ni Chair Lim: "Tuloy ang Pasko at tuloy rin ang MMFF.

Continue reading below ↓

"We enjoin the public to be one with the entertainment industry and the other stakeholders including the MMFF beneficiaries who have been hardly hit by this pandemic to make this online MMFF 2020 a success."

GORGY RULA:

Sa virtual mediacon ng MMFF na ngayong Oktubre 23, Biyernes ng tanghali, binanggit na rin ni Chairman Danilo Lim na lahat ay online—ang awards ceremony pati ang inaabangang parade of stars.

Hindi ko pa ma-visualize kung paano ito ma-execute online.

Sasakay rin ba sila sa karosa at naka-background na lang ang iba’t ibang lugar na madalas na iniikutan ng parada? Meron pa rin bang award para sa best float?

Ibang-iba ito sa mga nakaraang taon. Pero ang mabuti, sinisikap pa ring matuloy para hindi lang maputol ang tradisyong inaabangan natin tuwing Pasko.

Sandali lang ang katatapos na mediacon, at magkakaroon pa raw ng kasunod. Maaring doon na sasagutin ang ilan pang isyung napapag-usapan tungkol sa apat na pelikulang napili.

Continue reading below ↓

Sa pagkakaalam ko, tapos na ang Magikland, at niyaya na kami ng dating Congressman Albee Benitez ng Brighlight Productions na panoorin ang full trailer nito.

Nasa post-production na rin ang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan ng Regal Entertainment. Sa direksyon ni Chito Roño, bida sa horror movie na ito sina Joshua Garcia at Angie Ferro.

Wala pa kaming balita sa The Exorcism of My Siszums ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, at sa Praybeyt Benjamin 3 ni Vice Ganda.

Ang latest kasing naulinigan namin ay baka aatras na raw itong entry ni Vice Ganda. Wala pa siyang ibinabalitang nagsimula na siyang mag-shoot nito.

Baka hindi na lang daw nila ito itutuloy. Gusto naming malaman kung ano ang magiging desisyon dito ng MMFF Executive Committee.

Hindi kaya ang A Hard Day ni Dingdong Dantes ang isasali ng Viva sakaling aatras na itong kay Vice Ganda?

JERRY OLEA:

PHP250 ang bayad sa panonood ng bawat pelikula sa 46th MMFF.

Continue reading below ↓

Gagamitin ang GCash at GMovies para magbayad, at katuwang ng Globe ang Upstream upang mapanood ang official entries.

Simula Nobyembre 14 ay puwede nang makapanood ng pelikula sa GMovies app, para masanay ang publiko sa paggamit nito pagsapit ng Pasko, Disyembre 25, na unang araw ng MMFF.

Pahayag ni MMDA Chairman Danilo Lim, na siya ring Chairman ng MMFF ExeComm:

"The film industry continues to grapple the effects of COVID-19, but it should not dampen the Filipinos’ spirit of watching Filipino movies during the Christmas season.

"This year, we are bringing the MMFF tradition in every Filipino home, not just here in the country but all over the world via digital screening for the first time...

"We are very excited about the annual film festival that will take place on a new platform.

"Filipinos abroad and those who cannot go home for the holidays can enjoy the MMFF tradition by watching MMFF movies on digital platform."

Continue reading below ↓

Dinedma ng moderator at co-host ang tanong namin sa virtual mediacon kung ang panonood ba ng bawat entry na PHP250 ang bayad ay minsanan lang.

Sana ay maging malinaw ang duration na dapat panoorin ang binayarang pelikula.

May bubuuing task force kontra sa mamimirata ng MMFF entries. Sisikapin ng organizers na i-take down ang websites na mamimirata.

Nawa’y maging masigasig ang organizers sa pagbabantay at pagsugpo sa mga pirata. Kailangan ang tulong ng publiko upang masawata sila.

HOT STORIES


Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang first four entries ng MMFF 2020 (counterclockwise): Praybeyt Benjamin 3 ni Vice Ganda, Magikland ni Miggs Cuaderno, Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan ni Joshua Garcia, at The Exorcism of My Siszums nina Toni at Alex Gonzaga.
PHOTO/S: Vice Ganda / Black Sheep / Alex Gonzaga Instagram / Magikland
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results