Korina Sanchez, isinama sa Rated Korina ang ibang Kapamilyang nawalan ng trabaho

by PEP Troika
Oct 24, 2020
Korina Sanchez on chance to continue doing what she loves via Rated Korina on TV5: "This is a very good opportunity because through this show, I am able to help a lot of people who lost their jobs when ABS-CBN lost its franchise."
PHOTO/S: @korina Instagram

JERRY OLEA:

Nakakagulat. Nakakagigil. Nakakawindang. Nakakaloka! Solid ang buena mano ng Rated Korina ni Korina Sanchez ngayong Oktubre 24, United Nations Day, Sabado ng 4:00-5:00 p.m. sa TV5.

Ang Caviteñang si Lei, tinaguriang Spiderwoman. Tadtad ng tattoo ang buong katawan. Bawa’t tattoo, may kaakibat na istorya.

Hulaan ninyo kung ano ang ipina-tattoo ni Lei sa gilid ng kanyang tummy. Ano pa kundi Korina na may malaking “K” sa background?!

Ang nars na si Kim, natagpuan na ang kanyang forever. Kausap niya araw-araw, nahihingahan ng mga hinampo at problema, karamay sa lumbay, at ligaya. Ang kanyang best friend forever, ang manikang si Cameron. Nababaliw na ba si Kim?

Sa magkakalapit-bayan sa Cebu, hindi bababa sa 28 ang mga taong nakagapos ng kadena sa mga puno, o nakakulong sa hawla. Parang mga alagang hayop.

Isa sa mga ito si Alejandro, na halos 15 taon nang nakakadena sa puno. Doon siya umiihi at dumudumi. Paano pag umuulan?

Continue reading below ↓

Nakapanayam namin si Korina sa presscon noong Oktubre 20, Martes sa Auto Trend, Timog Avenue, Quezon City.

CREATING JOB OPPORTUNITIES

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na kabilang ang Rated K ang isa sa mga programa ng ABS-CBN News and Current Affairs na tinanggal sa ere noong Hulyo. Ito ay ibasura ng Kongreso ang franchise application ng Kapamilya network.

Happy si Korina dahil hindi lang siya kundi may mga dati siyang katrabaho sa Rated K ang nawalan ng trabaho, pero ngayon ay kasama niya uli sa Rated Korina sa TV5.

Pahayag ni Korina, "I am very excited to have a new home in TV5. Nagpaalam ako nang maayos sa ABS-CBN.

Lahad niya: "I feel blessed because, even before I started worrying, the offer to do this show was given to me.

"This is a very good opportunity because through this show, I am able to help a lot of people who lost their jobs when ABS-CBN lost its franchise.

Continue reading below ↓

"I’m glad to help them, kasi, meron diyang may babayarang renta, tuition fee ng mga anak nila. Andami kong natutulungan.

"Also, I’m really active in various platforms. I’m also on YouTube, Facebook, and Instagram. I maintain these platforms with a full production team to give jobs to more people."

GORGY RULA:

Aminado naman si Korina na naga-adjust siya sa kanyang posisyon bilang line producer bukod pa sa pagiging host ng show.

"Nakakaloka pala ang line producer, na pati ulam ng mga tao, pinuproblema ko," bulalas ni Korina nang nakatsikahan namin.

Dati raw kasi, ayaw niya sanang pakialaman iyun dahil mas gusto niya na haharap lang siya sa kamera.

Kaya ibang challenge ito sa kanya ngayong line producer na siya ng Rated Korina.

Hindi siya puwedeng magreklamo kahit mahirap ang responsibilidad na nakaatang sa kanya sa dami ng mga nawalan ng trabaho.

Thankful si Korina dahil may mga nabigyan siya ng trabaho sa mga nakuha niyang staff sa iba't ibang programa sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER:

Aabangan ko iyan this Saturday: Rated Korina versus Wish Ko Lang, na hino-host ni Vicky Morales sa GMA-7!

Parehong magtatanghal sa mga positibo at nakaka-inspire na mga kuwento ng ating mga kababayan.

Again, yes to fresh episodes! Yes to more work sa mga kababayan natin.

Yes sa pagbangon nating lahat mula sa pandemya. Basta, ingat-ingat lang at wala sanang magkakasakit habang nagtatrabaho!

Handa na ba kayo?

HOT STORIES


Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez on chance to continue doing what she loves via Rated Korina on TV5: "This is a very good opportunity because through this show, I am able to help a lot of people who lost their jobs when ABS-CBN lost its franchise."
PHOTO/S: @korina Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results