BrightWin, pakikiligin ang fans sa Manila virtual fanmeet

by PEP Troika
Oct 24, 2020
Thai stars na sina Bright Vachirawit at Win Metawin, makaka-bonding ang Pinoy fans isang virtual fanmeet sa December 5.
PHOTO/S: @bbrightvc Instagram

JERRY OLEA:

Gaganapin ang BrightWin Manila: The Virtual Fan Meet sa Disyembre 5, 2020, Sabado.

Maagang pamasko ito ng ABS-CBN sa fans ng 2gether stars na sina Bright Vachirawit at Win Metawin.

Available na ang tickets sa BrightWin Manila: The Virtual Fan Meet, na handog sa fans ng Dreamscape Entertainment, ABS-CBN Events, KTX, at Thai content company na GMMTV.

PHP699 ang regular tickets, at P1499 para sa VIP. May chance na makasama sa photo-op at makasali sa program ang may VIP tickets.

Mabibili ito simula October 30 sa ktx.ph.

Continue reading below ↓

Noong Hunyo, nakasama na rin ng Filipino fans ang sikat na Thai actors sa unang live interview nila sa Pilipinas.

Napapanood pa rin sa iWant TFC streaming service ang pinagbidahan nilang 2gether The Series at ang sequel nitong Still 2gether sa Tagalized version at orihinal na Thai version nila.

Of course, available din sa Netflix ang seryeng 2gether.

Makiki-bonding din kaya with Brightwin sa virtual meetup na ito ang fans ng mga Pinoy BL love teams?

Nariyan ang EliKoy/CaiReel (Gameboys), XavMi (Hello Stranger), ZaChristian (Sakristan), TauTep (In Between: Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam), AkiMi (My Day).

Mayroon ding PangPang (Gaya sa Pelikula), ShaKen (My Extraordinary), KeyChen (Boys’ Lockdown), TeeJer (Ben X Jim), KyoRoy (Quaranthings), at iba pang Pinoy BL series?

GORGY RULA:

Dahil sa pamamayagpag ng BL series, tiyak na pagkakaguluhan sila rito.

Parang sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez ng My Husband's Lover at Kokoy de Santos at Elijah Canlas ng Gameboys itong BrightWin tandem.

Continue reading below ↓

Kiniligan at minahal ang tambalang ito na pati sa nakaraang Miss Universe Thailand ay waging-wagi ang duet nila.

NOEL FERRER:

Wow! Love wins at tuluy-tuloy ang pagpapakilig ng mga BL series sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan.

Parang ibinukas talaga ng pandemya ang ating mga isipan sa kakaibang panoorin.

Buti naman, tanggap na ng lipunan (at least sa TV at pelikula) ang ganitong mga tambalan at pagsasama.

Sana, pati sa larangan ng ekonomiya (trabaho), batas, politika, at maging sa simbahan, di ba?

Kasi, laganap na talaga ang ganitong katotohanan at pagmamahalan!

HOT STORIES


Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thai stars na sina Bright Vachirawit at Win Metawin, makaka-bonding ang Pinoy fans isang virtual fanmeet sa December 5.
PHOTO/S: @bbrightvc Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results