Staff ng GMA-7 shows, pinabulaanan ang bintang na lumalagpas sila sa working hours

by PEP Troika
Oct 24, 2020
May usap-usapang lumalabag diumano sa curfew hours ang pagtatrabaho sa dalawang shows ng GMA-7 na All-Out Sundays at The Clash, pero pinabulaanan naman ng mga staff ng dalawang programang ito na lumalagpas sila sa working hours.
PHOTO/S: GMA-7

NOEL FERRER

Shout out ng freelance filmmaker na si Bombi Plata nitong Oktubre 22, Huwebes ng umaga sa Facebook: “Nadadalas ang insidente ng mga Pa-Morningan Shoots.

“Just because They Can. Just because We Let Them.”

Bombi Plata Post

Napag-alaman ng PEP Troika na nangyayari na ito sa advertising, pero meron ding mga ganitong naitala nang kaso sa telebisyon.

Continue reading below ↓

Kaya ang nasabi ng alaga kong si Iza Calzado sa usaping ito, “Anong nangyayari? So sad to read this. Hindi pa ba tayo natuto?

“HEALTH IS OUR GREATEST WEALTH and proper sleep is vital to achieving good and optimal health. Wag na natin balikan ang dating nakagisnan please.

“P.S. So happy and proud to report that our set does not go beyond our 12 hour work day.

“P.P.S. Hindi ko po alam anong mga shoot ang tinutukoy dito ha.”

Sa higit na pagsisiyasat ng PEP Troika, napag-alaman natin mismo sa mga kasama sa taping na diumano'y may dalawang programa sa GMA-7 na lumalampas sa curfew.

Una ay ang The Clash na ang calltime ay 11:00 AM pero natatapos daw ng 1:30 AM beyond sa stipulated curfew.

Ikalawa, ang All-Out Sundays na medyo kalabisan ang calltime na 9:00 AM pero diumano'y natatapos ang taping nang 4:00 the next day para makatapos ng two or three episodes—na usually ginagawa ng ASAP nang dalawang magkasunod na taping days na strictly 12 hours.

Continue reading below ↓

Tulad ng tanong ng naunang nag-post, nangyayari ba ito dahil kaya naman o kinakaya, o dahil hinahayaan and we make it happen?

GORGY RULA

Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin sa ganitong isyu, lalo na’t kung wala namang nakakarating na reklamo.

Wala yata roon sa taping itong mga taong naglalabas ng ganitong kuwento.

Kaya hindi natin alam kung ano talaga ang totoong nagaganap sa taping o ano mang shoot ng isang project.

Kagaya nitong sa The Clash at All-Out Sundays, nagtanung-tanong ako sa ilang staff ng mga naturang programa, pinabulaanan nila ang lagpas na working hours.

Itong sa AOS daw, may naka-assign na writer at ilang staff ang bawat episode o segment.

Pagkatapos nila, puwede na silang umuwi at hindi raw umaabot nang 12 hours ang isang episode na hawak nila.

Kung napapansin ninyo sa ilang segment ng AOS, naka-zoom pa rin dahil work from home pa rin ang ilang artistang involved.

Continue reading below ↓

Pati ang cameramen ay shifting daw. Hindi lang ako sure sa iba pang staff.

Pero ang pagkakaalam ko pa, limitado lang ang mga staff na kasali sa bawat programa.

Ang sa The Clash naman, sa isang taping daw nila ay nakakabuo raw sila ng tatlong episodes, pero minsan ay mas gusto nilang tapusin na ang pang-apat dahil may oras pa.

Pero mahigpit daw na ibinibilin sa kanila na huwag lumagpas sa ipinapatupad na working hours.

Maaring ang nakababad talaga sa buong taping ay ang headwriter, executive producer, at kasama na minsan ang senior program manager.

Sabi naman ng iba, mas gusto na raw nilang nakatutok doon at tapusin na ang lahat na episodes para sa mga susunod na linggo ay pahinga na sila.

Bayad na ang mga susunod na episodes na nai-tape na, at nagpapahinga na sila sa kanilang tahanan.

Mas safe daw kasi ang ganoong sistema at bawas ang risk na magkasakit o magkahawaan dahil nai-tape na ang maraming episodes, at itotodo na nila sa pagpapahinga sa mga susunod na araw.

Continue reading below ↓

May isa pa kaming nakausap, bago raw sila pinabalik ng taping, talagang mahigpit daw na ibinilin sa kanila ng mga boss na dapat na sumunod sa ipinapatupad na safety protocols ng IATF (Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases) dahil iyon ay batas.

Siyempre, abugado ang GMA Network, Inc. Chairman and CEO na si Atty. Felipe Gozon at alam ko na lagi niyang ipinagdidiinan na sumunod sa batas.

Siguro, kung may maglalatag ng reklamo laban sa ganitong pamamalakad sa taping, at lalo na kung may magkasakit, saka natin sila kalampagin.

NOEL FERRER

May narinig din tayo tungkol sa mga artistang nagtatrabaho beyond the 12-hour work sked as guest sa isang show pero nanahimik na lang dahil baka ma-black list sa network at hindi na mabigyan ng trabaho.

Maganda ang sinabi ni Direk Joey Reyes sa isang post, “As long as these productions are not reported, then no official action or sanction can be done by the proper authorities. Ranting in social media leads to a lot of noise but no legal action.

Continue reading below ↓

“I understand the fear of being blacklisted by these producers BUT if one gets infected, do you think these exploiters will pay for your hospital bills & meds?

“STOP COMPLAINING! STAND UP FOR YOUR RIGHTS!”

Director Joey Reyes comments on the post of Director Bombi Plata.

JERRY OLEA

Meron ding shooting ng TV commercial na inabot daw ng 24 oras.

Continue reading below ↓

Simula noong nakaraang Linggo ay dalawa na ang kalaban ng All-Out Sundays ng GMA 7— ang Sunday Noontime Live ng TV5, at ASAP Natin ‘To ng A2Z Channel 11.

Umpisa ngayong Sabado ng gabi, dalawang bagong programa ang makikipagbakbakan sa The Clash ng GMA—ang Masked Singer Pilipinas ng TV5, at I Can See Your Voice ng A2Z.

Mas matindi ang kumpetisyon, kaya dapat pagbuhusan ng panahon at paghahanda ang bawat palabas.

Sakaling lampas sa itinakdang oras ang trabaho sa mga produksyong ito, meron bang nagreklamo sa mga mismong sangkot dito?

At any rate, lalong nagiging intense ang Round Two ng eliminations sa The Clash.

Last weekend, limang eliminated na Clashers ang nakabalik sa laban matapos nilang ipanalo ang all or nothing sing-off na “One More Clash!”

Kaya ngayong Sabado (October 24) at Linggo (October 25), mas matinding challenges ang haharapin ng Top 20.

Sinu-sino kaya sa kanila ang makaka-survive muli sa hatol ng Clash Panel na sina Christian Bautista, Ai Ai de las Alas, at guest judge na si Pops Fernandez?

Continue reading below ↓

May ire-reveal na bagong twist sa competition ang Clash Masters na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, kasama ang Journey Hosts na sina Rita Daniela at Ken Chan.

Kaabang-abang din ang concert-level performances at star-studded guests sa GMA musical variety show na All-Out Sundays.

As usual, may surpresa ang AOS barkada na pinangungunahan nina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Gabbi Garcia, at Alden Richards.

May all-male singing fest kasama sina Bugoy Drilon, Daryl Ong, Mark Bautista, at Christian Bautista.

Sasabak ang international singing sensation na si Marcelito Pomoy sa TikTok challenge na "Liparin Mo" kasama sina Gabbi at Paolo Contis.

Amazing ang dance battle sa pagitan ng dance challenge trendsetters na sina DJ Loonyo at Mannex Manhattan laban kina Rayver, Miguel Tanfelix, Vito Marquez, at Paul Salas. Si Ken Chan ang moderator ng dance battle.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May usap-usapang lumalabag diumano sa curfew hours ang pagtatrabaho sa dalawang shows ng GMA-7 na All-Out Sundays at The Clash, pero pinabulaanan naman ng mga staff ng dalawang programang ito na lumalagpas sila sa working hours.
PHOTO/S: GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results