Top 5 sa Miss Universe Philippines 2020, ipina-experience ang pagsuot ng aktuwal na korona

by PEP Troika
Oct 24, 2020
Filipina, the Miss Universe Philippines 2020 crown.
Nakunan na ang grand finale ng Miss Universe Philippines 2020 kunsaan ipinaranas sa Top 5 candidates ang pagsusuot ng Miss Universe Philippines crown na Filipina.
PHOTO/S: @themissuniverseph Instagram

JERRY OLEA

Halos 3:00 am na nitong Oktubre 24, Sabado natapos ang taping ng grand finals ng Miss Universe Philippines 2020 sa Baguio Country Club ng Baguio City.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay walang live audience ang timpalak bilang pag-iingat kontra COVID-19.

Nakunan na ang kabuuan ng grand finale na mapapanood bukas, Oktubre 25, Linggo ng 9:00 am sa GMA-7.

Para hindi mag-leak kung sino ang nagkamit ng titulo, ang Top 5 ay pawang pinutungan ni Gazini Ganados ng koronang Filipina.

Filipina ang pangalan ng Miss Universe Philippines crown.

Kuwento ng source ng PEP Troika, “Mabilis na na-shoot yung limang bersyon ng crowning moment dahil nasa stage na yung Top 5.

“Naranasan nilang lima na maputungan ng Miss Universe Philippines crown for a few moments.

“Todo pakiusap yung girls na gawing live ang announcement this Sunday. Kaso, hindi talaga kaya dahil sa pandemic. Nakakanerbiyos iyon, napakahirap ng logistics.

“Taped na lahat. Kahit ang judges at production staff, hindi pa alam kung sino talaga ang winner."

Continue reading below ↓

Nag-reunion sa Miss Universe-Philippines 2020 ang anim sa past queens na nag-represent sa atin sa Miss Universe pageant—sina Venus Raj, Janine Tugonon, Ariella Arida, MJ Lastimosa, Gazini, at Shamcey.

Nag-judge sina Venus, Janine, Ariella at MJ sa prelims, sa finals, or both.

Sayang at hindi nakarating ang mga Miss Universe na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

Tampok ang Fil-Am na si Jessica Sanchez sa opening number with Shamcey and the forty-six (46) candidates.

Sa America nag-record si Jessica.

GORGY RULA

May mga lumalabas nang pangalan na kesyo nagwagi sa titulong ito.

Pero pawang haka-haka at eme-eme ang mga iyon, kaya abangan na lang natin bukas ng 9:00 ng umaga sa GMA-7.

Mala-Miss Universe din ang oras na napapanood natin, at may replay rin ng 10:30 pm.

Ang host ng grand finals ay si KC Montero.

Maliban kay Jessica Sanchez, performers din sina Allen Cecilio, Anjo Damiles, at Kevin Montillano.

Continue reading below ↓

Bongga ang LED Wall ng Miss Universe Philippines 2020, sponsored by Mediacast Digital Group.

Abangan natin iyan!

NOEL FERRER

Basta ako, fearless forecast and I’ll be cheering for Rabiya Mateo of Iloilo City as Miss Universe-Philippines 2020.

Tingnan natin kung winwyn marquez siya o luz valdez bukas sa telecast!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakunan na ang grand finale ng Miss Universe Philippines 2020 kunsaan ipinaranas sa Top 5 candidates ang pagsusuot ng Miss Universe Philippines crown na Filipina.
PHOTO/S: @themissuniverseph Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results