Nora Aunor, Lotlot de Leon inalala ang namayapang direktor na si Al Quinn

by PEP Troika
Oct 24, 2020
Nora Aunor, Al Quinn, Lotlot de Leon
Inalala ng Superstar na si Nora Aunor (kaliwa) ang pinagsamahan nila ng namayapang direktor na si Al Quinn (gitna) na ninong din ng anak niyang si Lotlot de Leon (kanan).
PHOTO/S: (center) @erwyn08 Instagram

JERRY OLEA

Lubos na nalungkot si Nora Aunor sa pagpanaw ng TV director na si Al Quinn, 86.

“Maraming magandang alaalang iniwan sa akin si Tito Al na hinding-hindi ko makakalimutan,” bahagi ng pahayag ng 67-anyos na aktres sa statement na ipinadala sa PEP Troika nitong Oktubre 24, Sabado ng gabi sa pamamagitan ng close friend nitong si Rodel Fernando.

“Noong araw, kapag dumarating ang linggo sa Superstar, kahit hindi na ako nag-iinsayo, alam na alam niya na ang mga anggulong kukunan sa akin pag ako na ang humaharap sa camera at kakanta.”

Ang Superstar ay title ng musical variety program ni Nora mula 1970s hanggang 1990s.

Pagpapatuloy ng beteranang artista, “Alam rin niya kapag may problema ako sa show namin. Alam niya kung papaano niya ako alalayan habang nagso-show.

“May oras na dumarating ako sa show na malaki ang problema ko at lumalabas lang ako sa opening at ending ng show. “Si Kuya Germs lahat ng gumagawa ng pagho-host mula umpisa hanggang matapos. Hinahayaan lang niya ako, kasi, alam niya na may pinagdadaanan ako.

Continue reading below ↓

“May oras na umiiyak ako sa kanya pag hindi ko na kaya ang problema ko at lagi niya akong pinapayuhan at pinapangaralan. Napakabait niya sa akin.”

Itinuring ni Nora na kapamilya si Direk Al—kapatid, direktor, at tagapagtanggol.

“Masayahin, maalalahanin, at isang napakabait na kaibigan. Tuwing Linggo, pagkatapos ng show namin, nagmi-meeting pa siya kasama ang staff, dancers at crew para naman sa susunod na linggong show,” paggunita ng premyadong aktres.

“Wala siyang kapaguran. Minahal ni Tito Al ng sobra ang SUPERSTAR show.

“Sa 22 years na nagtagal ang Superstar, karamay ko siya sa lahat. Sa hirap at ginhawa. Masaya man o malungkot. Laging mataas ang rating ng Superstar show nang siya ang aming direktor.

“Hindi ko makalimutan ‘yung panahong napakalungkot niya dahil dumating ang araw na napag-initan ng bagong gobyerno ang show namin kaya kahit mataas pa ang rating ng show, pinilit nila itong ibinagsak.

“Nag-reformat... pinalitan nila lahat ang dating management kaya nang dumating ako sa Superstar show nang panahong iyon, nagtaka ako... wala na si Tito Al at kasama siya sa napalitan, pati mga dancers ko at buong staff.

Continue reading below ↓

“Matagal din bago kami nagkita uli ni Tito Al. Nagkita uli kami nang ipinakiusap ko sa kanya kung pwede niyang igawa ng MTV si John Rendez, at hindi niya ako binigo. Ginawa niya ng MTV ang kanta ni John na 'Kembotan' na kinompose at sinulat niya.

“Napakalaking kawalan ni Direk sa industriya. Taos puso kong ipinapaabot ang aking pakikiramay sa kanyang pamilya. Kasama ninyo ako sa inyong pagdadalamhati. Mananatili siya at ang magagandang alaala niya sa aking puso.”

NOEL FERRER

Matagal at malalim ang pinagsamahan nina Nora at Direk Al.

Pati ang anak ni Ate Guy na si Lotlot de Leon ay nag-post ng tribute kay Direk Al Quinn sa socmed.

Ipinost ni Lotlot ang huling message sa kanya ni Direk Al na, “How’s my forever beautiful inaanak? Miss you. God bless.”

Ang sabi ni Lotlot, “Ninong Al Quinn, what a blessing to have known someone as a beautiful person as you. Sorry I missed your call last Sunday... [crying emoji] life is really just so fleeting [broken heart emoji] but knowing for sure that God has you up there with Him, gives us that peace that you are now resting in His loving arms. [praying emoji]

Continue reading below ↓

“My sincerest condolences to your beautiful family... [heart emoji] Elise Pastrano hugging you tight!”

Kami po sa PEP Troika ay nakikiisa sa pakikiramay at pagdarasal sa pamilya at naiwan ni Tito/Direk Al Quinn.

GORGY RULA

Maliban kay Kuya Germs, isa si Direk Al Quinn sa kilalang-kilala ko dahil isa ako sa sa nakikisiksik sa Broadcast City para makapanood sa Superstar noong kabataan ko na late ‘70s at early ‘80s.

Bago nagsimula ang Superstar, nandoon na kami sa studio na nagtiyagang naghintay sa pagsisimula nito.

Pag lumabas si Kuya Gerns, tilian na kami.

Pati ang paglabas ni Direk Al Quinn ay tinitilian din namin.

Bahagi na siya sa kabaliwan ko noon sa nag-iisang Superstar.

Tiyak na mas higit pa roon ang pagkakilala kay Direk Al ng mga kilala at magagaling nating artista.

Kaya dapat lang na bigyan si Direk Al ng tamang pagpupugay ng mga Sunday musical-variety shows na All-Out Sundays, ASAP Natin 'To, at Sunday Noontime Live, dahil siya ay isa sa itinuturing na icon sa live performance.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inalala ng Superstar na si Nora Aunor (kaliwa) ang pinagsamahan nila ng namayapang direktor na si Al Quinn (gitna) na ninong din ng anak niyang si Lotlot de Leon (kanan).
PHOTO/S: (center) @erwyn08 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results