Congrats sa tagumpay ng Miss Universe Philippines pageant!

by PEP Troika
Oct 25, 2020
Congrats sa Miss Universe Philippines at sa title holder nito na si Miss Iloilo Rabiya Mateo.

NOEL FERRER

In fairness, tama ang fearless forecast natin na si Miss Iloilo Rabiya Mateo ang wagi bilang Miss Universe-Philippines 2020.

1st Runner Up si Miss Parañaque. 2nd Runner Up si Miss Quezon City. 3rd Runner Up si Miss Bohol. 4th Runner Up si Miss Cavite.

Maayos naman ang presentation. Buti nga, nairaos nila ito sa gitna ng pandemya at bagyo.

At dahil hindi live, medyo nabawasan lang ng energy at spontaneity. Halata mong kalkulado ang lahat ng banter dahil kahit pare-pareho ang tanong, talagang binabasa ng host na si KC Montero ang eksaktong tanong (at hindi niya namemorya, ha)—kahit 16 times niya itong binabasa para eksakto at hindi magkakamali.

Maganda, bata, may class, at sexy ang dating ni Miss Mateo.

Malinaw at maayos ang projection at sagot ni Miss Iloilo sa mga tanong kaya level up siya sa finals.

Pero teka, ano itong namumuong kontrobersya na ipino-post ni Miss Taguig?

Continue reading below ↓

Diumano’y may isisiwalat itong pasabog bukas and ang sabi ni Sandra Lemonon, “The truth always comes out. It’s about timing. Karma is real. Soon. Because we deserve justice.”

Dagdag pa niya, “Get ready loves, tomorrow I will be announcing big news, it’s time to be honest & speak facts.”

Ano itong namumuong kontrobersya sa Miss Universe-Philippines 2020?

GORGY RULA

Marami ang umayon sa napiling winner, kahit magagaling din ang apat na runners-up.

Hindi naman maiwasan ang ganitong hanash.

Tingnan na lang natin kung ano itong pasabog ni Sandra Lemonon, na mukhang nagbi-‘build build build’ na ang intrigang sinimulan niya.

In-unfollow na raw nina Sandra at Michele Gumabao si Rabiya. Bakit kaya?

Hindi rin dumalo si Michele sa presscon ng title-holder at mga runners-up. Bakit kaya?

Pero sa totoo lang, sa panahon ngayon na ang daming bawal, lalo na’t may mga nagkasakit na sa mga kandidata, dapat talagang i-congratulate ang organizer at lahat ng bumuo ng Miss Universe Philippines.

Continue reading below ↓

Maganda ang presentation. Hindi mo naramdaman na virtual ito, na kung ikukumpara mo sa ibang nakaraang beauty competitions, ang layo ng diperensya.

Maayos ang hosting ni KC Montero na kahit inabot ng alas-tres ng madaling araw, hindi raw talaga siya nakitaan ng kapaguran.

Kaya hindi talaga napigilan ng Creative Director nitong si Jonas Gaffud na patulan ang ilang nagkukomento ng di maganda sa naturang kumpetisyon, dahil ang hirap talaga kasi ng pinagdaanan nila.

Ang daming nagku-comment sa ilang IG post ni Jonas na parang ang gagaling nila, kaya isa-isa silang sinagot nito.

Pero marami pa rin ang nagandahan at pumuri sa katatapos lang na Miss Universe Philippines.

Congratulations!

JERRY OLEA

Walang leakage!

Napangalagaan nina Jonas Gaffud (creative director) at Shamcey Supsup-Lee (national director) na hindi mabuking kung kanino karapat-dapat iputong ang koronang Filipina!

In fairness to KC Montero, kahit halos 3:00 am na inabot ang taping ng timpalak noong Oktubre 24, Sabado, sa Baguio Country Club, consistent na mataas ang kanyang energy.

Continue reading below ↓

Ang taas pa rin ng pa-suspense niya sa announcement ng winners.

Hintayin natin kung magpapaliwanag ang second runner-up na si Michele Gumabao ng QC kaugnay sa conspicuous absence niya sa presscon ng Top 5.

Otherwise... keber. May nanalo na!

At ipinagbubunyi natin ang pagwawagi ni Rabiya.

Hayan na nga at glossy ang production ng Miss Universe Philippines 2020.

Rumampa sa entablado ang 46 kandidata, samantalang ang ibang timpalak ay virtual lamang.

Kaya mag-slow clap tayo sa mga hanash-kete-hanash at walang-humpay ang mga kuda.

At para sa organizers, winners maging sa "Thank You Girls" ng Miss Universe Philippines 2020... masigabong palakpakan!

Mabuhay!!!

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Congrats sa Miss Universe Philippines at sa title holder nito na si Miss Iloilo Rabiya Mateo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results