Eddie Garcia, Anita Linda, Armida Siguion-Reyna pagpupugayan sa 4th Pista ng Pelikulang Pilipino

by PEP Troika
Oct 26, 2020

JERRY OLEA

Mag-uumpisa ang 4th Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP4) sa Oktubre 31, Sabado, bisperas ng Todos los Santos.

Pagpupugayan sa online filmfest na ito sina Eddie Garcia, Anita Linda, Mona Lisa, Armida Siguion-Reyna, Direktor Marilou Diaz-Abaya, at Direktor Peque Gallaga.

Sa ilalim ng Tribute section, ipapalabas ang mga sumusunod na pelikula bilang pagpaparangal sa kanila:

Deathrow (MMFF 2000), pinagbidahan nina Eddie Garcia at Cogie Domingo, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Adela (2008), pinagbidahan ni Anita Linda, sa direksyon ni Adolfo Alix, Jr.

Insiang (1976), pinagbidahan nina Hilda Koronel at Mona Lisa, sa direksyon ni Lino Brocka.

Filipinas (MMFF 2003), pinagbidahan nina Armida Siguion-Reyna, Maricel Soriano, at Richard Gomez, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Muro-Ami (MMFF 1999), pinagbidahan ni Cesar Montano, sa direksyon ni Marilou Diaz-Abaya.

Sonata (2013), pinagbidahan ni Cherie Gil, sa direksyon nina Peque Gallaga at Lore Reyes.

Labing-anim (16) na araw ang PPP4. Tatagal ito hanggang Nobyembre 15, Linggo.

Continue reading below ↓

Hindi bababa sa 145 na pelikula ang kalahok sa fourteen (14) sections ng PPP4—67 full-length films at 78 short films.

May tatlo pang pelikula na idinirek ni Marilou Diaz-Abaya ang bahagi ng magkakaibang section:

Brutal (MMFF 1980), pinagbidahan nina Amy Austria, Charo Santos, at Gina Alajar, kabilang sa 10 pelikula sa Premium Selection.

Sa Pusod ng Dagat (1998), pinagbidahan ni Jomari Yllana, isa apat na pelikula sa PH Oscar Entries ssction.

Jose Rizal (MMFF 1998), pinagbidahan ni Cesar Montano, isa sa pitong pelikula sa Genre section.

Kabilang sa limang pelikula ng Bahaghari section ang Rainbow’s Sunset (MMFF 2018), na pinagbidahan nina Eddie Garcia, Gloria Romero, at Tony Mabesa, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Nasa PPP Retro section naman ang Circa (PPP 2019), na pinagbidahan ni Anita Linda, sa direksyon ni Adolfo Alix, Jr.

Ang PPP ay proyekto ng FDCP (Film Development Council of the Philippines), na pinamumunuan ni Chairperson Liza Diño-Seguerra.

Continue reading below ↓

Ang subscription options ng PPP4 ay 16-day Full Run Pass (PHP 599), Half Run Pass (PHP 299) para sa walong araw, Day Pass (PHP 99), at Free Pass (para sa short films at public events).

May discounts para sa persons with disabilities (PWDs) at senior citizens (20%), at mga mag-aaral (30%).

“Sama All” ang motif ng PPP4. Mag-i-streaming ang entries sa FDCP Channel.

NOEL FERRER

All the best sa Pista Ng Pelikulang Pilipino 2020, pati na ang mga susunod pang local film festivals na magaganap ngayong taon tulad ng QCinema, Cinema One Originals, at ang taunang Metro Manila Film Festival.

Lahat ng ito ay magpi-pivot towards digital. Sana lang ay may malawakang platform ng pagpapalaganap nito na may seguridad ang filmmakers against piracy and abuse.

Still, I’m still hoping na makakabalik tayo sa panonood ng pelikula sa mga sinehan, tulad ng dati nating gawi.

GORGY RULA

May ilang entries na nakapag-promote sa radio program namin sa DZRH. Sabi nila, iba raw talaga kapag nasa sinehan ang mga pelikula.

Continue reading below ↓

Kagaya ng action movie ni Monsour del Rosario na Blood Hunters: Rise of the Hybrids, iba nga naman kung sa wide screen mo iyon mapapanood.

Ang ganda rin ng cinematography ng The Highest Peak, pinagbibidahan nina Dax Alejandro at Mara Lopez, na kinunan pa sa Mt. Apo.

Exciting din ang mga eksena sa He Who is Without Sin na bida sina Enzo Pineda at Elijah Canlas. Sabi ni Enzo, mala-Atom Araullo ang peg niya sa role ng journalist niya roon.

Pero inaasahan nilang tatangkilikin din ito sa digital na mapapanood sa FDCP channel.

Nilinaw rin sa amin ni Mara na sa Pilipinas lang mapapanood ang FDCP channel. Hindi raw ito aabot sa ibang bansa.

Sana, tangkilikin naman dito sa atin ang PPP4.

Kabilang sa sampung (10) Premium Selection ng online filmfest na ito ang Blood Hunters: Rise of the Hybrids (directed by Vincent Soberano), He Who Is Without Sin (by Jason Paul Laxamana), at The Highest Peak (by Arbi Barbarona).

Continue reading below ↓

Ang pitong iba pang pelikula sa Premium Selection ay The Helper (by Joanna Bowers), Brutal (by Marilou Diaz-Abaya), Cleaners (by Glenn Barit), Itoshi No Irene (by Keisuke Yoshida), Ang Lakaran ni Kabunyan (by Kidlat Tahimik), Kintsugi (by Lawrence Fajardo), at Batch ‘81 (by Mike de Leon).


JERRY OLEA

Ang Pilipinas ay isa sa 68 bansa na kalahok sa ongoing 25th Busan International Film Festival (BIFF, Oktubre 21-30) ng South Korea.

Continue reading below ↓

Kahit abala sa paghahanda sa PPP4, may panahon ang FDCP para sa BIFF. Sampung (10) production companies ang bahagi ng Philippine Pavilion spearheaded by FDCP.

Ang FDCP rin ang organizer ng Philippine Cinema Night (Zoom conference sa Oktubre 27, Martes), at sponsor ng webinar na Screen Talk: Asian Production Bounces Back.

Sa 192 film titles ng BIFF, apat ay pelikulang Pilipino—ang full-length features na Death of Nintendo (by Raya Martin) at Cleaners (by Karl Glenn Barit), at ang short films na How to Die Young in Manila (by Petersen Vargas) at Kids on Fire (by Kyle Nieva).

Ang Death of Nintendo at Cleaners ay parehong nasa A Window on Asian Cinema section.

Nag-international premiere ang Cleaners sa Bussn noong October 21. Ang Death of Nintendo ay ipapalabas bukas, Oktubre 27 sa Haneulyeon Theater.

Ang How to Die Young in Manila at Kids on Fire ay parehong nasa Asian Short Film Competition ng Wide Angle section para sa short films, experimental films, at documentaries.

Continue reading below ↓

Ang How to Die Young in Manila ay magwo-world premiere sa Oktubre 28, Miyerkules, samantalang ang Kids on Fire ay ipalalabas sa Oktubre 29, Huwebes.

Parehong sa Cinema 2 ang screening ng dalawang Pinoy short films.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results