Enzo Pineda, susuportahan ang girlfriend na si Michelle Vito kapag sumali sa beauty pageant

by PEP Troika
Oct 26, 2020
Enzo Pineda on girlfriend Michelle Vito: "She’s very simple, God-fearing, napakabait, napakamaalaga. She’s always been a good example, e."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Ilang beses na rin palang inalok si Michelle Vito na sumali sa Binibining Pilipinas, pati na sa Miss Universe Philippines.

Sa aming pakikipagtsikahan kay Enzo Pineda sa radio program namin sa DZRH noong Biyernes, October 23, nabanggit niyang napag-usapan na nila ito ni Michelle pero wala pa ito sa plano ng aktres.

Sabi ni Enzo, mas gusto ni Michelle na mag-focus sa pag-aaral dahil graduating na ito.

Bahagi si Michelle ng bagong teleseryeng Bagong Umaga, kaya studies at showbiz career muna ang focus niya bago pasukin ang beauty pageants.

Sabi ni Enzo, sakaling nakapag-decide na si Michelle sumali, all-out ang suporta niya.

Ibinahagi rin ni Enzo sa amin na malaki ang naitulong ng relasyon nila ni Michelle ngayong pandemic, lalo na noong panahong nagka-COVID siya.

“Dahil sa pandemic, at dahil din kay Michelle, malaki ang nabago sa buhay ko dahil sa mga pangyayaring yun. Kasi, marami akong natutunan kay Michelle.

Continue reading below ↓

"Kasi, she’s very simple, God-fearing, napakabait, napakamaalaga. She’s always been a good example, e,” pakli ni Enzo, na bida sa pelikulang He Who is Without Sin na mapapanood sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2020 (Oktubre 31-Nobyembre 15).

“Ako naman, mas gusto ko maging better person dahil sa kanya.

“At itong COVID din, alam naman nating isa akong COVID survivor. It really changed my perpective.

"Nagbago ang paningin ko sa buhay na akala ko dati, showbiz lang, fame, money, fortune. So, now I do things with the purpose, e.

“Basically, ganoon na ako tumingin ngayon. Hindi na ako yung dating self-centered lang. Dati kasi, ako lang, e.

"Ngayon, sa panahon ng COVID, we need to help each other."

NOEL FERRER

Suwerte ang girlfiend ni Enzo Pineda na si Michele Vito dahil bukod sa Bagong Umaga ay nasa pinag-uusapan din siyang Ang Sa Iyo Ay Akin.

So, sa panahon ngayong naglilipatan ang ibang Kapamilya talents na walang trabaho, si Michelle ay may dalawang bonggang projects.

Continue reading below ↓

Buti na lang, may pelikula si Enzo sa PPP. Huli ko siyang napanood sa TV sa isang game show sa TV5.

Does that mean, malaya na siyang makatawid kung saan mang network? Hindi kaya nagsisi si Enzo sa pag-alis sa Kapuso network na pinagmulan niya?

JERRY OLEA

He Who Is Without Sin is a cautionary tale told in three contradicting accounts. This is a story of a broadcasting student (Elijah Canlas) who discovers the sordid truth about the TV reporter (Enzo Pineda) he idolizes.

Written and directed by Jason Paul Laxamana, isa ito sa official entries ng Sinag Maynila 2020 (Marso 17-24) na naudlot dahil sa community quarantine na nag-umpisa noong Marso 15.


Continue reading below ↓

Itong He Who Is Without Sin at dalawa pang Sinag Maynila 2020 entries na The Highest Peak (starring Dax Alejandro and Mara Lopez, directed by Arbi Barbarona) at Kintsugi (starring JC Santos and Hiro Nishiuchi, directed by Lawrence Fajardo) ay kasama sa sampung pelikula sa Premium Selection ng PPP4.

“Sama All!” ang slogan ng PPP4, kung saan magsasanib-pwersa ang mga pelikula ng Sinag Maynila, QCinema, Sine Kabataan, CineMarya, Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, CineFilipino Film Festival, ToFarm Film Festival, at Metro Manila Film Festival.

Ii-stream ang mahigit 145 pelikula (full features at short films) sa website ng FDCP Channel.

Ang subscription options ng PPP4 ay 16-day Full Run Pass (PHP599), Half Run Pass (PHP299) para sa walong araw, Day Pass (PHP99), at Free Pass (para sa short films at public events).

May discounts para sa persons with disabilities (PWDs) at senior citizens (20%), at mga mag-aaral (30%).

All proceeds from the sales of PPP Festival Passes will go to the producers involved.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enzo Pineda on girlfriend Michelle Vito: "She’s very simple, God-fearing, napakabait, napakamaalaga. She’s always been a good example, e."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results