Kumusta ang ratings ng Miss Universe Philippines 2020?

by PEP Troika
Oct 27, 2020
Miss Universe Philippines 2020 Top 5 finalists: (from left) Miss Cavite Billie Hakenson; Miss Iloilo City Rabiya Mateo; Miss Paranaque Ysabella Ysmael; Miss Bohol Pauline Amelinckx; Miss Quezon City Michele Gumabao.
PHOTO/S: Miss Universe Philippines Facebook

GORGY RULA

Mukha namang tinutukan ang Miss Universe Philippines 2020 sa GMA-7 noong October 25, Linggo ng umaga. Naka-8% ito, ayon sa AGB NUTAM.

Sa ganoong oras ay mataas na iyon.

Ang replay naman nito sa 10:30 p.m. ay naka-3.4%.

Pati ang ilang programa ng GMA-7 ay mataas din, at tila nakabawi pagkatapos i-launch ng Brightlight Productions the previous Sunday ang mga programa nila para sa TV5.

Hindi pa namin nakukuha ang ratings ng TV5 shows, pero magaganda rin ang episodes nila, lalo na ang pilot episode ng Rated Korina at Oh My Dad noong Oktubre 24, Sabado.

Consistent talagang mataas ang The Clash kahit natapatan na ito ng Masked Singer Pilipinas sa TV5 at I Can See Your Voice sa A2Z.

Noong Sabado, October 24, ay mataas din ang fresh episode ng Pepito Manaloto, na naka 17.5%.

Sinundan ito ng The Clash na 17.6%, at ng bagong episode din ng Magpakailanman na 16.8%.

Continue reading below ↓

Replay ang Daddy’s Gurl kaya 8% lang ito.

Noong Linggo, tumaas nang konti ang All-Out Sundays, na nakakuha ng 5.8%.

Nagustuhan ko ang episode nilang ito lalo na ang TikTok dance battle nila kung saan guests ang TikTok trendsetters na sina DJ Loonyo at Mannex Manhattan.

Kahit ang replay na Wagas ay naka-5.3%, at sumunod ang Dear Uge na nakakuha ng 5.%.

Mataas din ang Atom Araullo Specials na naka-7.6%, at GMA Blockbuster na 4.9%. Nakabawi ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes na naka-13.3%.

Walang kupas pa rin ang Daig Kayo ng Lola Ko, na kahit replay ay consistent itong mataas. Naka-19% ito noong nakaraang Linggo.

Sinundan ito ng The Clash na naka-19.5%.

NOEL FERRER

In fairness, napanood ko ang pilot ng Masked Singer Pilipinas at nakakaaliw ito! Malakas ang entertainmemt value at tiyak mapapaganda pa ito lalo.

Akala ko ay may Bayani Agbayani pa rin sa I Can See Your Voice. Naramdaman ko ang pagkawala niya sa show, pati na nina Alex Gonzaga at Wacky Kiray.

Continue reading below ↓

Wala na kasing ka-banter si Andrew E, at parang walang kunek sa ibang hurado si Long Mejia. Oh well, needs improvement ang rapport ng bagong set ng hurado.

Pero as a contestant, OK si Jona na nagpakita ng kanyang soft side na mabait at matulungin—bukod sa alam nating magaling talagang performer.

Sana nga, mas marami pang shows tulad ng Rated K, Wish Ko Lang, The Atom Araullo Specials, atbp.

Katulad ng sinabi ni Ma’am Ging Reyes, head ng News And Current Affairs ng ABS-CBN, sa isang Reality Check forum on the State of Journalism in the Philippines, “Media fed our audience too much entertainment. We’re guilty of that...

“I do believe our audience is overentertained, underinformed. And that is the thing we need to change.”

JERRY OLEA

Sa panahon ng pandemya, kailangan ng mga taong maaliw upang maibsan kahit paano ang kani-kanyang problema.

Sarado ang mga sinehan, maging ang mga bar at teatro. Mabuti at nandiyan ang TV at internet.

Continue reading below ↓

Sa local TV industry, wala pang ibang kalaban sa ratings ang GMA-7 kundi ang sarili.

Aminado ang TV5 na matatagalan pa bago sila makaagapay man lang sa Kapuso Network. Lalo na siyempre ang A2Z at Net 25, na kayhirap hagilapin.

Totoo bang mas mataas ang ratings dati ng mga pelikulang palabas kung Linggo ng tanghali sa Singko kesa sa Sunday Noontime Live?

Ngayong Oktubre, sa limang Sabado ay fresh ang episodes ng Wish Ko Lang at Magpakailanman sa GMA-7.

Swak sa televiewers ang mga paandar ng The Clash, kaya good luck sa Masked Singer Pilipinas at I Can See Your Voice.

Kampante lang ang Eat Bulaga, at sa tuwi-tuwina’y may panggulat ang "Bawal Judgmental" segment.

Medyo hirap pa rin ang Lunch Out Loud, It’s Showtime, at Happy Time sa game of ratings.

Ito ay dahil hindi patas ang playing field o competition sa kasalukuyan dahil sa pagpapasara ng Kongreso sa ABS-CBN, na pinakamalaking network sa bansa.

Continue reading below ↓

Nag-umpisa na ang recap ng Descendants of the Sun nitong Oktubre 26, Lunes, at may bago na silang episodes umpisa Nobyembre 5, Huwebes.

Ang fresh episodes ng Prima Donnas ay matutunghayan simula Nobyembre 9, Lunes.

Siyempre, abang-abang din tayo sa bagong episodes ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday at Bilangin ang Bituin sa Langit.

Kilig-kiligan si Sanya Lopez sa nalalapit nilang taping ni Gabby Concepcion sa teleseryeng First Yaya.

Naulinigan naming ikinakasa na ang balik-taping ng Agimat ng Agila kung saan si Sanya rin ang leading lady ni Senator Bong Revilla.

May fresh episodes din ang morning show nina Camille Prats at Iya Villania na Mars Pa More, maging ang Sarap, Di Ba? ng Legaspi family.

Sa GMA News TV nga, pinapainit na ang tandem nina Kelvin Miranda at Mikee Quintos sa seryeng The Lost Recipe.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2020 Top 5 finalists: (from left) Miss Cavite Billie Hakenson; Miss Iloilo City Rabiya Mateo; Miss Paranaque Ysabella Ysmael; Miss Bohol Pauline Amelinckx; Miss Quezon City Michele Gumabao.
PHOTO/S: Miss Universe Philippines Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results