Launching movie nina Rita Daniela at Ken Chan, pinalitan na naman ang title

by PEP Troika
Oct 27, 2020
(Left) The final and official title of Rita Daniela and Ken Chan's launching movie will be Huling Ulan Sa Tag-araw; (right) the film's producer, Harlene Bautista, is happy with her relationship with boyfriend Federico Moreno.
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Back-to-back ang pag-ariba ng RitKen tandem sa mga teleseryeng My Special Tatay (Setyembre 2018-Marso 2019) at One of the Baes (Setyembre 2019-Enero 2020).

Sa panahon ng pandemya, ratsada rin ang tambalan nina Rita Daniela at Ken Chan sa TV shows na The Clash at All-Out Sundays.

Hinog na ang kanilang love team para magbida sa pelikula. Kaya ipinagprodyus sila ni Harlene Bautista para sa Heaven’s Best Entertainment.

Ang unang title ng RitKen movie na kinunan ni Direk Louie Ignacio sa Pagsanjan, Laguna ay My First, Your Last (Luis Loves Luisa).


Continue reading below ↓

Parang nagpapahiwatig ito ng “first day, last day” sa takilya. Iyong Luis Loves Luisa ay reminiscent ng Victor/Victoria (1982), Miguel/Michelle (1998) at Glen or Glenda (1953).

Kaya pinalitan ang title at ginawang My First and Always.

Pero sa kaarawan ni Harlene nitong Oktubre 27, Huwebes, inihayag ng line producer na si Dennis Evangelista sa Facebook at Instagram na ang final at official title ng rom-com movie ng RitKen ay Huling Ulan sa Tag-araw.

Tinagalog ang “last,” na gusto siguro talaga nilang gamitin sa movie na nagtatampok din kay Lotlot de Leon.

Kung ano’t ano man... maligayang kaarawan sa mabait na si Harlene!

NOEL FERRER

At least, marami pang chances ang ibinibigay sa tambalang RitKen kahit medyo kailangan pa nilang patunayan ang hatak nila sa paying audience.

Kailangan nilang i-prove sa producer nilang si Harlene Bautista na hindi ito malulugi sa kanila. Kasi, marami na ring iprinodyus si Harlene na mga kawanggawang film projects.

Continue reading below ↓

Buti na lang din, maligaya ngayon sa buhay si Harlene sa kanyang love life with Freddie Moreno.

Good vibes iyan para sa projects na gagawin nila together!


GORGY RULA

Talaga namang masuwerte sina Ken at Rita dahil lalong yumayabong ang tandem nila kahit nasa pandemya.

Sabi ni Rita, masuwerte siya na si Ken ang naka-tandem niya, at ganundin naman si Ken. Kaya ipinagdarasal nilang suwertehin itong pelikula nila.

Continue reading below ↓

Pero sana, mag-effort na si Rita sa pagpapayat. Alagang-alaga ni Ken ang katawan niya. Kaya dapat sumabay si Rita.

Pero ito kasing si Ken ay type na type ang medyo may laman-laman na katawan ni Rita, e!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) The final and official title of Rita Daniela and Ken Chan's launching movie will be Huling Ulan Sa Tag-araw; (right) the film's producer, Harlene Bautista, is happy with her relationship with boyfriend Federico Moreno.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results