Condo unit ni Super Tekla na iniwan ng live-in partner, sandamukal ang basura at ipis

by PEP Troika
Oct 27, 2020
Ipinakita nina Donita Nose (kaliwa) ang mga iniwang basura at kalat ng dating live-in partner ni Super Tekla (kanan) at mga kamag-anak nito sa condo unit ni Super Tekla.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

JERRY OLEA

At this writing, lampas 6M views na ang vlog ng pagdalaw ni Donita Nose kay Super Tekla, entitled “Ang Nakakalokang Condo ni Tekla” (21 minutes and 45 seconds).

In-upload ito noong Oktubre 25, Linggo, sa YouTube channel na Donekla in Tandem.

Ang sequel ng vlog na pinamagatang “Ito Na Po Ang Condo ni Tekla Ngayon” (24 minutes and 57 seconds) ay in-upload noong Oktubre 26, Lunes ng hapon. Naka-4.3M views na ito.

Lumayas na sa nasabing bodega, este, condo unit ang dating ka-live in ni Tekla at ang mga kamag-anak nito. Binitbit daw o ibinenta ng mga ito ang mga kasangkapan.

Hinaing ni Tekla, fully furnished dati ang condo unit. Ngayon, puro panis ang naiwan.

Ipinakita sa vlog ang mga kalat sa sala, kusina, CR, at kuwarto. Sandamukal amg mga basura, karamihan ay umaalingasaw at nanggigitata. May mga ipis sa condo unit.


Continue reading below ↓

Sa kuwarto, pinansin ni Donita Nose ang mantsa sa kama, “Ito ba yung talsik? Ha! Ha! Ha! Ha! Charot!”


Pag-amin ni Tekla, hindi niya talaga ginalaw ang kalat sa kanyang condo unit dahil nagla-live siya kung paano maglinis.

Himutok ni Tekla sa dating ka-live in, “Hindi nila makuha iyong tamang linis talaga... puro sila... anong oras na nagigising? E, anong oras sila makakakain? Alangan namang ako pa ang mag-adjust sa kanila...

Continue reading below ↓

“Hindi ko alam kung paano ko siya ire-repair, aayusin, at nangungupahan lang ako dito. Akala ko, sa akin lang sila galit, pati rin pala dito sa unit ko.

“Sana, isinumbong din nila!”

Napayuko sa pagtawa si Donita Nose, at nagsabing mag-move on na si Tekla, at pagtutulungan nila ang paglilinis. Kaya lang, hindi alam ni Donita Nose kung paano mag-uumpisa.

Lahad ni Tekla, “Kasi, noong pumutok ‘yon, Donita, siyempre, wala na, e, devastated na ako. Dito, andiyan lang ako dito, natulog. At saka pinilit kong maging matatag.

“Kasi, grabe, hindi ako makalabas. Kasi, pag bibili lang ako sa ‘baba, titingin ang mga tao, meron talagang maghahabol, hahabulin ka talaga."

Natawang hirit pa ni Tekla, “Parang gustong itanong... paanong talsik?”

Napayuko naman muli si Donita Nose sa kakahagalpak.

At nagsimula na silang magtapon ng mga basura. May nakita si Donita na mga unused condom. Hindi pa nabubuksan ang mga pakete.

“Aminin po natin, hindi po talaga nagpapatalsik. Kasi, may ganito. Paano tatalsik kung may ganito? Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” pagbalandra ni Donita Nose ng mga unused condom sa kamera.

Continue reading below ↓

Pagbibiro muli ni Donita Nose, “Ako po ang gagamit nito. Sino po ang gustong gumamit para sa akin?”

NOEL FERRER

Na-resolve na ba ang kasong ito? Saan humantong ang reklamo ng dating live-in partner ni Tekla?

Kung nadadaan na ni Tekla sa biro ang nangyari, ang ibig sabihin ba ay nakapag-move on na siya?

Kitang-kita natin ang dalawang mukha ng showbiz kay Tekla—ang pag-iyak at pagtawa nang sabay.

Sana, malagpasan ni Tekla ito beyond sa pagpa-punchline!

GORGY RULA

Sana ay totoo na yung pag-aayos ni Tekla at dating ka-live in, kahit hindi na sila magkabalikan.

Ipinost ni Donita Nose sa Facebook account niyang okay na raw si Tekla at ang ex nitong si Michelle.

Nagpasalamat si Donita sa tulong ni Raffy Tulfo, at nakiusap din siyang huwag nang i-bash ang pamilya ni Michelle.

Ang isa lang sa nakakatawang reaksiyon ng ilang nakakilala kay Tekla, kahit noong hindi pa sila nagkakagulo ni Michelle, ay magulo na raw talaga at di naaayos ang condo unit nila.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinakita nina Donita Nose (kaliwa) ang mga iniwang basura at kalat ng dating live-in partner ni Super Tekla (kanan) at mga kamag-anak nito sa condo unit ni Super Tekla.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results