Magkaagaw, mainit ang mga eksena sa pagbabalik-taping; Descendants of The Sun recap, nag-trend

by PEP Troika
Oct 27, 2020
Sheryl Cruz at Jeric Gonzales (kaliwa), todohan ang kissing scenes sa Magkaagaw ng GMA-7; Tambalang Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado (kanan), inaabangan sa fresh episodes ng Descendants of The Sun.
PHOTO/S: Magkaagaw / Descendants of The Sun

JERRY OLEA

Naghahanda nang magbalik-taping ang Kapuso series na Magkaagaw.

Nag-script reading na ang cast ng series nitong Oktubre 26, Lunes, para sa kukunang fresh episodes.

Bago matigil ang production ng serye noong Marso, pasabog ang eksena kung saan nalaman na nina Clarisse (Klea Pineda) at Laura (Sunshine Dizon) na si Veron (Sheryl Cruz) ang kabit ni Jio (Jeric Gonzales).


Continue reading below ↓

Sa recap pa lang ng Magkaagaw nitong October 25, mainit na mga tagpo na ang natunghayan dahil sa panunukso ni Veron kay Jio.


Sa mga naudlot na series ng Kapuso Network, naunang nag-recap ang Prima Donnas.

Continue reading below ↓

Ang Descendants of the Sun ay nitong Oktubre 26, Lunes, lang nag-umpisang mag-recap, pero ito ang mauunang magpalabas ng fresh episodes sa Nobyembre 5, Huwebes.

Trending nationwide ang mga eksena nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Ultimate Star Jennylyn Mercado bilang sina Big Boss at Beauty sa DOTS.


Continue reading below ↓

Sa Nobyembre 9, Lunes, pa matutunghayan ang fresh episodes ng Prima Donnas. Pustahan tayo, magte-trending din ito!

Nakatapos na ng taping ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday nina Barbie Forteza at Kate Valdez.

Nagbalik-taping na sa San Mateo, Rizal ang Bilangin ang Bituin sa Langit nina Nora Aunor, Mylene Dizon, at Kyline Alcantara.

Mahigit isang buwan na nang mabalitang handa na ang mga maleta ni Carla Abellana para sa lock-in shoot, pero wala pa tayong balita kung kailan ang balik-taping nila ng seryeng Love of My Life.

Siyangapala, fresh episode din ang Halloween special ng Magpakailanman anthology sa Oktubre 31, Sabado ng gabi, pagkatapos ng The Clash sa GMA-7.

Sa episode na “Halimaw Sa Kama,” halos gabi-gabi ay nagiging biktima si Mayet (Sanya Lopez) ng sexual assault mula sa isang demonyo.

Dahil walang ibang nakakakita sa krimen, hirap siyang patunayan sa mga mahal sa buhay ang nangyayari sa kanya.

Continue reading below ↓

Tampok din sa episode na ito sina Pancho Magno, Angeli Bayani, at Mon Confiado.

GORGY RULA

Sobrang maingat sa taping ang mga nasa set ng Bilangin ang Bituin sa Langit.

Tiniyak nilang matatapos nang maaga, at laging tsini-check ng kanilang health officer ang lahat ng involved sa set.

Ngayon lang daw na-realize ng karamihan sa kanila na mas okay pala ang naka-lock in kahit may extra gastos, pero madaling matapos at mas nakakapag-focus ang mga artista.

NOEL FERRER

Fair and square at parehong fresh new episodes na ang mga prime-time series ng bansa.

Basta sana, kasabay ng kanilang pagbibigay ng trabaho ay patuloy ang kanilang pagsunod sa health protocols at hindi pagbali sa 12-hour taping rule.

Sa huli’t huli, okay naman ang pagbabalik ng trabaho, pero sana walang bibitaw sa protocols.

Ngayong Martes, October 27, pinaalala ni Pangulong Rodrigo Duterte na GCQ pa rin daw tayo until end of November.

Continue reading below ↓

At mismong ang Metro Manila Council na ang nagrekomendang GCQ pa rin hanggang end of the memorable year na 2020!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sheryl Cruz at Jeric Gonzales (kaliwa), todohan ang kissing scenes sa Magkaagaw ng GMA-7; Tambalang Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado (kanan), inaabangan sa fresh episodes ng Descendants of The Sun.
PHOTO/S: Magkaagaw / Descendants of The Sun
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results