KC Montero, ipinakita ang edited at unedited version ng interview niya kay Miss Bohol

by PEP Troika
Oct 28, 2020
Miss Universe Philippines 2020 host KC Montero on getting bashed after edited version of his interview with Miss Bohol Pauline Amelinckx: “Hindi ako bastos lalo na sa mga contestants. I want them to do good. I want them to excel, I am proud of them… and I don’t want to make bastos... what kind of host to make the contestants bastos on national TV, around the world?”
PHOTO/S: Instagram / Facebook

GORGY RULA

Ipinost ni KC Montero sa kanyang social media account ang question-and-answer portion sa Miss Universe Philippines 2020 kung saan in-interview niya si Miss Bohol Pauline Amelinckx.

Mapapanood doon ang unedited na eksena, at kung ano ang naere sa TV at YouTube.

Kuwento ni KC nang nakapanayam namin sa aming radio program sa DZRH noong Martes, October 27, “During the top 16 interview… ako, I try to make the girls feel welcome. I want them to relax.

Continue reading below ↓

"So, I like to say, ‘Hi, how are you, kumusta, ano ang feeling mo?’ Sometimes I joke around just to make them laugh.”

Naiba nga lang daw ang dating nang naputol ang ilang bahagi at hindi na-capture ng camera ang reaksyon niya nang umarte raw siyang parang kinakabahan.

“So, for Miss Bohol, I asked her, ‘Hi, kumusta, how are you?’ And she said, ‘I’m fine, how are you?'

"So, I pretended na I was nervous. Sabi ko, ‘Oh, oh, oh di ko alam.’ Pero yung nervous reaction was not shown on TV. In-edit yun.

"Sa na-air, sabi ko, 'How are you?' Sabi niya, ‘I’m fine, and how are you?’

“'Tapos, sa edited, ‘No one ask me questions.’ Parang medyo mukhang bastos.

"Pero hindi bastos, parang sarcastic… pero yung mga taga-Bohol, siyempre yun ang pride nila, yun ang contestant nila, siyempre they’re all emotional.

“Unfortunately, she did not win. Parang they find na someone to get mad, and unfortunately it was me,” kuwento ni KC.

Continue reading below ↓

Kaya para maliwanagan ang isyu, ipinost ni KC ang edited at ang unedited version ng bahaging iyon sa Miss Universe Philippines.

Bahala na raw ang mga taong humusga kung karapat-dapat ba siyang i-bash nang bonggang-bongga.

“Okay lang mga bashers sa akin. Kung ang opinion ninyo is hindi ako magaling, that is okay. That’s your opinion.

“But if you do not have all the information to create your opinion, then I need to give you the information muna so that you can actually create your opinion, di ba?

“Kumbaga, if you watched all the videos... if you watched everything and you still think ‘Ah, bastos yun,’ okay, that’s your opinion.

"But if you don’t have all the information, then you can’t create your opinion.

“You need to have all the information first… sige, I let everyone watch the whole video, now you can think what you want, and I’m okay with that,” sabi pa ni KC.

Continue reading below ↓

Sa pamamagitan ng Facebook, nag-apologize din ang Miss Universe Philippines kay KC dahil sa nangyari.

Nakasaad dito: "We would like to apologize to our host, KC Montero, if the edited version of our show seemed to portray him in a negative light.

"Due to the constraints of airing on TV, we had to cut down on the interaction between our host and some of the contenders.

"In doing so, he may have inadvertently been portrayed as something else other than a witty, engaging, and consummately professional host.

"He did an amazing job putting all the contenders at ease while entertaining the viewers with his witty banter.

"KC MONTERO WAS A GREAT HOST and the organization would love to work with him again in the future."

Kalakip din nito ang edited and unedited video ng bahagi ng interview ni KC kay Miss Bohol.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Sinabi mismo ni Miss Bohol na hindi siya na-offend. Kasi, gets niya ang sense of humor ni KC.

Dahil edited ang ipinalabas sa TV, ayan, nagkabuhul-buhol ang opinion ng mga tao.

“Kapag seryoso ang host... bash! Kapag may dating ang host... bash pa rin!

"Masarap siguro sa pakiramdam nila na mam-bash—bawas bagot sa pandemya!” sabi ng isang showbiz veteran.

Aminado si KC na naapektuhan siya sa bashing na inabot niya, kahit ipinagtanggol siya ni Pauline at ng organizers.

“I was affected konti, kasi I want everyone to see the video,” paliwanag ni KC, na isa sa hosts ng daily noontime show na Lunch Out Loud ng TV5.

“Hindi ako bastos lalo na sa mga contestants. I want them to do good. I want them to excel, I am proud of them… and I don’t want to make bastos.

"It’s like... what kind of host to make the contestants bastos on national TV, around the world?”

Continue reading below ↓

Bakit kamo si KC ang napiling mag-host ng grand finals ng Miss Universe Philippines 2020?

From the start pala, eight months ago, nakakasalamuha na ni KC ang mga kandidata sa kanyang KUMU account. Kaya excited daw siya nang nagkita na sila in person, dahil parang kilalang-kilala na niya ang karamihan sa candidates ng patimpalak.

“I had the chance to meet the contenders months before. Nagkumustahan sa Miss Universe Philippines sa KUMU, parang I knew all of the girls, I knew all the contenders and all the production, feeling parang part na ako ng Miss Universe Philippines family.

“So, I really feel the love of all the organizers and it’s something close to my heart now.”

Sa pagkakaalam namin, hindi masyadong nakapag-bonding in person si KC sa candidates.

Unang-una, may social distancing. May taping pa si KC ng TV5 noontime show na Lunch Out Loud.

Kaya nakarating siya ng Baguio City ay noong Oktubre 23, Biyernes ng madaling-araw.

Continue reading below ↓

Nagsimula ang taping ng timpalak noong Biyernes na pasado 3:00 P.M., at nagtapos ng halos 3:00 A.M. na noong Sabado.

Gaya ng nasulat namin before, consistent na mataas ang energy ni KC. Bongga ang pa-suspense niya hanggang sa announcement ng winners.

Pero iyon na nga, na-bash pa rin si KC nang bonggang-bongga.

Sana, si KC pa rin ang host ng Miss Universe Philippines next year.

Totoo bang may feelers ang SM Mall of Asia kina Jonas Gaffud (creative director) at Shamcey Supsup-Lee (national director) na sana ay doon naman idaos ang Miss Universe Philippines 2021?

NOEL FERRER

Narinig ko ang panayam kay KC Montero at naipaliwanag naman niya nang maayos ang sarili.

Ang magandang confirmation ni KC kagabi ay part-owner siya ng KUMU at parte ang ABS-CBN doon.

Kaya expect a lot of Kapamilya stars and shows on KUMU!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2020 host KC Montero on getting bashed after edited version of his interview with Miss Bohol Pauline Amelinckx: “Hindi ako bastos lalo na sa mga contestants. I want them to do good. I want them to excel, I am proud of them… and I don’t want to make bastos... what kind of host to make the contestants bastos on national TV, around the world?”
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results