Agot Isidro, tinawag na "ilang beses na talunan" si Bongbong Marcos; nais ipabasura ang electoral protest ni Bongbong

by PEP Troika
Oct 28, 2020
Nagmartsa sina Agot Isidro, Noel Ferrer, Pia Magalona (left photo) sa Commission on Elections para himuking ibasura ng ahensiya ang electoral protest ni Bongbong Marcos (lower right) laban kay Vice President Leni Robredo (upper right).
PHOTO/S: @iamnoelferrer / @lenirobredo / @bongbongmarcos Instagram

NOEL FERRER

Maaga pa lang ngayong Oktubre 28, Miyerkules ng umaga, naghain kaming magkakaibigan na sina Agot Isidro at Pia Magalona ng sulat sa Commission on Elections (COMELEC).

Ito ay para himukin sila to stick by their rules and dismiss the protest filed by Bongbong Marcos versus Vice President Leni Robredo.

Sa November 4 ang deadline ng COMELEC para magbigay ng pahayag sa Presidential Electoral Tribunal para sa susunod na aksyon ng Supreme Court.

Ang pahayag ni Agot, "Magandang umaga po sa ating lahat. Ako po si Agot Isidro. Ako po (at kasama nating mga kaibigan) ay sumulat po sa ating mga butihing commissioner ng Commission on Elections at kay COMELEC Chair Abas. Kaya po ako naririto ngayong araw.

"Nabalitaan po kasi namin na yung electoral protest ng ilang beses nang talunan na kandidatong si Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo ay hiniling pa ng Supreme Court na magkomento ang COMELEC doon sa kanilang proseso.

Continue reading below ↓

"Kaya hinihiling po naming magkakaibigan kina Chair Abas at sa ibang mga commissioner na maging consistent lang sa kanilang mga rules—partikular na ang Rule 65 ng PET Rules—na kailangang dismissed na at ibasura na ang protesta ni Bongbong Marcos dahil pati sa recount noong nakaraang taon, talo si Marcos."

Kaugnay ito ng resulta ng initial recount na isinagawa ng Supreme Court sa Camarines Sur, Iloilo, at Negros Occidental.

Noong October 2019, inihayag ng Supreme Court, na tumatayong PET, na lamang ng 15,000 si Robredo laban kay Marcos sa 2016 elections.

Pero wala pa ring closure ang kaso.

Nitong September 2020, humingi pa ang PET sa COMELEC at Office of The Solicitor General ng komento hinggil sa pending issues kaugnay ng protesta ni Marcos laban kay Robredo.

Dire-diretsong paliwanag ni Agot: "Doon din sa Resolution ng Comelec na 9720, sinasabi na kailangang may recovery si Marcos sa pilot provinces niya. Kung wala, dismissed na dapat ang kaso.

Continue reading below ↓

"Talunan na si Marcos noong 2016, talunan pa si Marcos doon sa recount. Ano pa ba ang hinihintay natin kundi ibasura na ito?

"Bilang isang ordinaryong Pilipino, na siyang may pangamba ngayon na nagagamit ang ating institusyon para magpahayag ng mga kasinungalingan si Marcos, naisip naming kinailangan naming magsalita tungkol dito.

"Apat na taon nang ginagamit ni Marcos ang protesta para sabihin siya ang nanalo. Apat na taon na niya tayo niloloko.

"Bilang Pilipino, responsibilidad ko na labanan ang mga kasinungalingang ito.

"Kaya ako tumitindig dito para sana, mas marami pa ang tumindig at huwag magpatalo sa fake news ni Marcos.

"Wala pong katotohanan na siya ay dinaya.

"Matagal na tayong niloloko ng pamilyang Marcos. Patuloy nating labanan ito. Maraming salamat po."


Continue reading below ↓

GORGY RULA

Nakakatuwa na kahit tatlo lang kayo diyan, Sir Noel, pinanindigan ninyo ang suporta kay VP Leni.

Gusto ko lang sanang malaman kung nasaan ang mga kapartido ni VP Leni.

Sana, solid pa rin ang suporta ng Liberal Party, at baka abala na ang iba sa kung ano man ang plano nila sa 2022.

Sa isyung ito, sana ay manaig ang katotohanan at katarungan!

JERRY OLEA

Nag-viral ang clip mula sa Instagram video ni Department of Tourism Region I director Jeff Ortega kung saan inilarawan niya si Bongbong Marcos bilang “former senator and vice president” sa isang regional tourism event.

Sang-ayon kaya kay Jeff ang kasintahan niyang si Jasmine Curtis-Smith na ang bise-presidente ng bansa ay si Bongbong?

Sa pagkakatanda ko, sumuporta si Jasmine kay VP Leni.

Kasama si Jasmine sa Anti-Dictators Speech sa SONAgkaisa.

Sa mga artistang miyembro ng AKTOR (League of Filipino Actors), isa si Jasmine sa matapang ang paninindigan para sa katotohanan at katarungan.

Continue reading below ↓

Noong Setyembre 20, Linggo, 2:00-5:00 p.m., nagkaroon ng diskusyon ang AKTOR kaugnay sa pelikula, paniniil at pagpalag sa panahon ng martial law.

Naniniwala ang AKTOR na ang pelikula ay may taglay na kapangyarihan para ilahad ang mga kwento ng bayan.

Patay-malisya na lang ba si Jasmine sa prinsipyo at paniniwala ng kasintahan niyang si Jeff?

Hinahangaan natin ang husay ni Jasmine, at marami ang kinikilig sa tambalan nila ni Rocco Nacino sa Kapuso drama series na Descendants of the Sun.

Excited na rin ang fans ni Jasmine na mapanood siya sa Netflix film nila ni Enchong Dee na Alter Me, na mapapanood umpisa Nobyembre 15.

Tatahimik na lang ba si Jasmine sa pahayag ng kanyang nobyo?

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagmartsa sina Agot Isidro, Noel Ferrer, Pia Magalona (left photo) sa Commission on Elections para himuking ibasura ng ahensiya ang electoral protest ni Bongbong Marcos (lower right) laban kay Vice President Leni Robredo (upper right).
PHOTO/S: @iamnoelferrer / @lenirobredo / @bongbongmarcos Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results