Keanna Reeves at Mystica, nagpatalbugan sa Prosecutor's Office

by PEP Troika
Oct 29, 2020
Gumawa ng eksena sina Keanna Reeves (kaliwa) at Mystica (kanan) sa Imus Prosecutor's Office kaugnay ng mga reklamong isinampa ni Arnell Ignacio (gitna) laban kay Mystica.
PHOTO/S: Facebook / YouTube

GORGY RULA

Nagtagpo sa Prosecutor’s Office ng Imus, Cavite sina Keanna Reeves at Mystica noong nakaraang linggo.

Magkaaway ang dalawa na nagbalitaktakan before sa social media.

Dumating doon si Keanna para tumayong witness sana sa mga reklamong isinampa ni Arnell Ignacio laban kay Mystica.

Pero ang ending, nagkaayos sila at inatras na ni Arnell ang mga reklamong inciting to sedition, cyberlibel, at violation sa Bayanihan To Heal As One Act.

Ibinase ni Arnell ang reklamo niya sa videos ni Mystica sa social media na minumura si Pangulong Rodrigo Duterte, at niyaya si Vice President Leni Robredo na magtipon na para raw palitan ang Pangulo na wala na raw karapatang mamuno.

Pero nagnakaw-eksena sina Keanna at Mystica sa Prosecutor’s Office.

Kuwento ni Arnell nang nakatsikahan namin noong Lunes, October 26, “Para silang nag-contest na ang ending, tinanong nila kung magkaaway ba sila. Binalikan nilang wala naman pala silang pinag-awayan.

“Wala naman palang pinanggalingan ang pag-aaway nila.”

Continue reading below ↓

Parang may sitcom na pinanood daw sila ng mga taong nagpapagalingan ang dalawa.

“Nakakatuwa pa nang sinabi ni Mystica, at sinabi niya, ‘Sige, split-split. Labanan ng split.’

“Sabi ni Keanna, ‘Ay! Hindi na, paseksihan na lang tayo.’

"Doon sa harap ng Prosecutor’s Office, itinaas ni Keanna ang damit niya na nakita ang pusod nito!” natatawang kuwento ni Arnell.

“Kaya sabi ko sa kanya, ‘Ang ganda pala tingnan kung ganyan kayo kesa sa mag-away kayo.’

“Nakakatuwa silang dalawa tingnan pag nagbabatuhan sila ng mga linya nila.”

Nagkaayos din doon sina Arnell at Mystica.

Nagkatinginan lang daw silang dalawa at parang mala-Nora Aunor acting daw si Mystica na tumingin kay Arnell, at na-gets na raw ng TV host na gusto na nitong makipag-ayos.

Nagkausap daw sila at nagkaintindihan, at sinabi ng prosecution na mas mabuting magkaayos na lang sila.

Nag-post si Mystica ng public apology sa kanyang social media account.

Noong nakaraang Martes ay bumalik ng Prosecutor’s Office si Arnell para isumite ang kanyang Affidavit of Desistance at iniurong na ang mga reklamo laban kay Mystica.

Continue reading below ↓

Naging magkaibigan na sila at ibinigay na raw niya kay Mystica ang tulong ng isang kaibigan para sa negosyo nitong pagtitinda ng fried chicken.

NOEL FERRER

Sana talaga, makuha na lang sa pag-split at paseksihan ang paghahanap ng solusyon sa mga problema natin sa ating bansa.

Lalo na sa ganitong panahon ng pandemya, ang kuwento nina Arnelli, Keanna, at Mystica ay symptomatic ng diskurso at kalagayan ng mga Pilipino ngayon. Ang leksyon, we can do better!!!

JERRY OLEA

Sandahutay ang mga kabalbalan at kababalaghan sa panahon ng pandemya.

Tumalsik ang kung anu-anong hanash sa hidwaan ni Tekla at dating ka-live in na si Michelle, pero sa huli ay nagkaayos sila bagamat tuluyan nang naghiwalay.

Halos walong taon ang lumipas bago nagkapatawaran ang mag-inang Rosanna Roces at Onyok Adriano. Pinaghilom ng panahon ang mga sugat sa kanilang puso, at minsan pang nanaig ang pagmamahal nila bilang mag-ina.

Nakalimutan na nina Mystica at Keanna ang pinag-ugatan ng kanilang patutsadahan. Hindi na nila maapuhap ang pait at anghang para sa isa’t isa, kaya naghamunan na lang sila ng bangis sa pag-split at bagsik ng alindog.

Continue reading below ↓

Ikinatutuwa natin ang mga pag-aayos at pagpapatawaran, kesa sa pagbabangayan.

Iwaksi na natin ang mga multo ng kahapon sa pagsapit ng Halloween. Ilibing ang mga hinanakit kung ang kirot ay ganap na nawaglit.

Isapuso natin ang awit ni Jojo Mendrez... Damhin natin at palaganapin ang Diwa ng Pasko!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gumawa ng eksena sina Keanna Reeves (kaliwa) at Mystica (kanan) sa Imus Prosecutor's Office kaugnay ng mga reklamong isinampa ni Arnell Ignacio (gitna) laban kay Mystica.
PHOTO/S: Facebook / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results