GORGY RULA
Magsisimula na ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2020 bukas, Oktubre 31, Sabado, sa FDCP Channel.
Isa sa mga pelikulang gusto kong panoorin sa online filmfest ay ang The Highest Peak nina Dax Alejandro at Mara Lopez, sa direksiyon ni Abi Barbarona. Kasama ito sa Premium Selection.
Nanghinayang si Mara dahil nasa London pa siya kasama ang kanyang American boyfriend na si Chandler Booth.
Kahit sa anong paraan ay gusto niyang ma-promote ang kanyang movie na kinunan sa Mt. Apo sa Davao. Kaya nakipagtsikahan siya sa amin sa DZRH via Zoom noong nakaraang linggo.
Napag-usapan namin ni Mara ang love life niya. Sobrang saya raw niya sa kanyang kasintahan na sinamahan niya muna sa London.
Pero sabi ni Mara, mas bilib siya sa love life ng kanyang ina na si Maria Isabel Lopez, na kasal na sa Amerikanong si Jonathan Melrod.
Six years na raw ang kanilang relasyon at last year lang sila nagpakasal sa lugar ni Jonathan sa Sebastopol, California.
Nagsimula raw ang relasyon ng kanyang ina at ng kanyang stepfather sa online dating, na naging successful daw ang kinalabasan.
Kaya ang payo ni Mara sa single ladies, subukang makipag-date online, lalo na ngayong pandemya na nakakatakot pang makipagkita sa labas.
“Sa mga single, pwede namang mag-online dating dahil hindi naman kayo pwedeng magkita, hindi kayo pwedeng mag-usap nang harapan.
“Parang yun ang safest way to meet people, di ba?” nakangiti niyang pahayag.
Nakita raw kasi ni Mara sa mama niya na masaya ang married life nito ngayon. Kase-celebrate lang ng mga ito ng kanilang first wedding anniversary.
“Kasi, feeling ko, it’s possible naman to find love online.
"Kasi, nakita ko yun sa success ng relationship ng nanay ko at ng stepdad ko. Sobrang saya nila.
"Siyempre, feeling ko, sa online, hit or miss siya, e. Minsan, hindi natin alam, serial killer yung kausap mo.
"Siyempre, dapat you build trust muna, di ba?
"Nakita ko kasi kung gaano kasaya ang nanay ko sa stepdad ko. Sobrang supportive niya sa mga films ni Mama,” sabi pa ni Mara.
NOEL FERRER
Dagdag na payo ni Mara, sakaling nagkapalagayan na ng loob sa online dating, dapat pag-isipan muna nang mabuti kung magyayaya na silang magkita.
“Siguro, ang safest pa na gusto ninyong magkita, magpa-swab test muna kayo and make sure na negative ang COVID test.
“Para lang protektahan ang sarili ninyo, protektahan ninyo ang pamilya ninyo,” napapangiting sabi ni Mara via Zoom.
As of October 28, Thursday, umabot na sa 375,180 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH), karamihan ng nahahawa sa COVID-19 ay edad 20-39, pero mas marami ang namamatay sa mga edad 65-pataas.
JERRY OLEA
Extended ang PPP4 hanggang Disyembre 13.
Post ni FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra nitong Oktubre 30, Biyernes ng umaga, “In the spirit of #SamaAll and support of Filipino filmmakers and producers, we’re excited to announce that we have added new titles to the lineup of Pista ng Pelikulang Pilipino 4, so to date, we now have 170 films in total for this year's edition of PPP.
“Despite the pandemic situation, our producers and partners have made the effort to work with us on getting their films properly formatted for our platform to ensure smooth screening of the movies, and for that, we are grateful.
“To give you more time to watch our film offerings, we are extending the 4th PISTA NG PELIKULANG PILIPINO from just 16 days now to 44 days, from October 31 to December 13.”
Mapapanood mula bukas hanggang Disyembre 31 ang PPP SHORT FILM SHOWCASE. Available ito sa subscribers na nagrehistro sa ilalim ng FREE at PAID options.
VOD (video on demand) ang short films. Anytime ay pwedeng panoorin.
November 20 hanggang December 13, 2020 ang MAIN FEATURE FILM SHOWCASE. Available ito sa PAID subscribers lamang.
Siyamnapung (90) full-feature films ang mapapanood sa apat na virtual cinematheque, kabilang itong The Highest Peak nina Mara at Dax.
Pagpapatuloy ni Chair Liza, “Our updated calendar is so we can give you the best online festival experience and to give proper highlight to our featured films.
“We also took some time to address some technical concerns with our filmmakers, and changes in our programming had to be put in place to accommodate the addition of films to the platform.
“We’re very sorry for any inconvenience this update in schedule has caused, but rest assured that we are working very hard to give you the best virtual Festival experience.”
One hundred percent (100%) ng kikitain ng PPP ay mapupunta sa PPP filmmakers at producers.
Dagdag ni Chair Liza, "We will be announcing the FULL-LENGTH FILMS FESTIVAL SCHEDULE, as well as the SCHEDULE OF EVENTS in the next few days.
“PPP4 PREMIUM subscribers will have access to over 30 online events—talkback sessions with filmmakers, lectures and panel discussions on everything film, and some special celebrations with our stars filmmakers.
“These events are spread out over four weekends to give you more viewing time for both the movies and events...
“See you online for the Pista ng Pelikulang Pilipino!”
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika