Wildest Dreams visual album ni Nadine Lustre, sumasalamin sa pinagdaanan niya sa buhay

by PEP Troika
Oct 30, 2020
Tampok sa visual album ni Nadine Lustre na Wildest Dreams ang 12 bagong awitin na pmaglalarawan ng pinagdaanan ng actress-singer para kilalanin at mahalin ang sarili.

JERRY OLEA

Happy ang Halloween ng JaDine fans!

Ipapasilip ni Nadine Lustre ang kanyang Wildest Dreams bukas, Oktubre 31, Sabado ng 9:00 p.m., sa YouTube channels ng ABS-CBN Entertainment at Careless.

Visual album ang 30-minutong Wildest Dreams, na nagtatampok sa labindalawang (12) bagong awit ni Nadine, at sa pinagtahi-tahing anim na music videos na inilalarawan ang pinagdaanan niya para kilalanin at mahalin ang sarili.

Ang title track ay siya ring lead single ng album.

Ang audio file nito na in-upload noong Oktubre 16 sa YT channel ng Careless ay naka-365K views na. Sa Spotify ay lampas 256K streams na ito.

“Mas marami pa tayong alam tungkol sa ating paligid, at sa uniberso. At kung gusto mong mahanap ang iyong perlas, sumisid sa mapanganib na dagat.

“Kailangan mong mahulog upang makabangon muli.”

Iyan ang salaysay sa 53-second teaser ng Wildest Dreams, na nag-premiere noong Oktubre 24 doon pa rin sa YT channel ng Careless. Halos 122K views na ang hinamig nito.

Continue reading below ↓

Excited si Nadine na mapakinggan ng fans ang self-love anthem na “Natural” at ang “Save A Place,” na nilalaman ang mensahe niya para sa kanyang namayapang kapatid.

Kasama rin sa album ang mga kantang “Dance with Danger,” “Ivory,” “Seconds,” “Intoxicated,” “Complicated Love,” “You Can Stay,” “Glow,” “White Rabbit,” at “Grey Skies.”

Ang Wildest Dreams visual album ay idinirek ni Dominic Bekaert ng Zoopraxi Studio.

NOEL FERRER

In fairness kay Nadine, she is so committed to her art na may bago siyang ipinapakita sa bawat ginagawa niya.

Matapos mag-best actress sa Young Critics Circle, FAMAS, at Gawad Urian para sa pelikulang Never Not Love You (2018), isa sana si Nadine sa mga bida sa teleseryeng Burado ng ABS-CBN.

Dahil sa pandemya, nag-back out sila ni Julia Montes sa naturang teleserye, na naging Walang Hanggang Paalam with Angelica Panganiban and Arci Muñoz as lead actresses.

Kaninong call ba ang pag-initiate at develop ng Wildest Dreams? Viva pa ba? ABS-CBN na? Or si Nadine mismo?

Continue reading below ↓

With these efforts kasi, lalo pang tumataas ang artistry ni Nadine—not as a star, but an artist.

Gaano rin kaya ka-influential si James Reid sa moves niyang ito?

Bravo, Nadine!!! Keep it up!

GORGY RULA

Ang daming pinagdaanan ni Nadine sa buhay na nagamit at ibabahagi niya sa kanyang visual album.

Maraming mga kabataang makaka-relate dito sa album niyang nagta-tackle on self love, family, and mental health.

Inaasahang tatangkilikin ito ng fans niyang hindi pa rin bumitaw sa kanila ni James Reid.

Ibang level na ngayon itong JaDine loveteam. Kaya abangan na lang natin kung paano sila tatanggapin ng sambayanan.

Sana, may pelikula nang kasunod at maayos na ang problema nila sa Viva Films.

Isa sa pinakamagaling nating kabataang aktres si Nadine, kaya tamang film project o drama series sana para sa kanila ni James!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tampok sa visual album ni Nadine Lustre na Wildest Dreams ang 12 bagong awitin na pmaglalarawan ng pinagdaanan ng actress-singer para kilalanin at mahalin ang sarili.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results