Keanna Reeves, may mensahe sa mga nanlalait sa kanya na nag-audition sa PBB Connect

by PEP Troika
Oct 30, 2020
PBB Celebrity Edition Big Winner Keanna Reeves: “Oh ayan na!!! Sa mga magagaling manlait sakin dyan, isang malaking goodluck!!! Nagkakandarapa kayo magpaAUDITION sa PBB noh? Akala n’yo ganun lang kadali e sa audition palang, hirap na kayo makapasok, manalo pa kaya???"
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

As of October 29, Thursday, 3:00 P.M., umabot na sa 76,704 ang unique aspiring housemates ng Pinoy Big Brother (PBB) Connect mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa pamamagitan ng Kumu Klips video, ibinahagi nila ang kani-kanilang talento at kwento ng buhay upang makapasok sila sa Bahay ni Kuya.

Ito na ang pinakamalaking bilang ng auditionees sa kasaysayan ng sikat na reality show ng ABS-CBN.

Noong Oktubre 19 nag-umpisa ang auditions, at magtatapos sa Nobyembre 11 ang paghahanap sa labindalawang (12) bagong housemates.

Tweet ni Pinoy Big Brother nitong Oktubre 30, Biyernes ng tanghali, ang unang livestream ng “PBB KUMUnect” kung saan tampok ang audition entries ng aspiring housemates ay umani agad ng 1.131M diamonds.

Ang diamonds ay virtual na regalo sa Kumu na ibinibigay ng manonood sa isang streamer.

Nakakuha ang unang live ng “PBB KUMUnect” ng 526,400 likes, habang 127,300 ang tumutok sa livestream.

Marami pang sorpresa at pakulo na mapapanood tuwing 5:00 p.m. sa opisyal na Kumu account ng “PBB” (PBBABSCBN), maging sa iba-ibang social media accounts nito.

Continue reading below ↓

Payo ni ABS-CBN entertainment production head Laurenti Dyogi sa auditionees, kailangan lang magpakatotoo.

Post naman ni Keanna Reeves a few days ago sa Facebook:

“Oh ayan na!!! Sa mga magagaling manlait sakin dyan, isang malaking goodluck!!!

“Nagkakandarapa kayo magpaAUDITION sa PBB noh? Akala n’yo ganun lang kadali e sa audition palang, hirap na kayo makapasok, manalo pa kaya???

“Bago manlait, salamin muna ha... Well, may TITLE ako e IKAW???

“REALITY HURTS!!! #inggitkalang”

Si Keanna ang 2006 Big Winner sa unang celebrity edition ng PBB.

Bago pa pumasok si Keanna sa bahay ni Kuya at hanggang ngayon ay nananatili raw siyang authentic.

At any rate, hangarin ng ABS-CBN at ng Kumu na magbigay pag-asa at pagtibayin pa ang koneksyon ng mga Pilipino lalo na ngayong panahon ng pandemya sa pamamagitan ng PBB Connect.

Mapapanood ito sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel, A2Z Channel 11, at via livestreaming sa Kumu.

NOEL FERRER

Continue reading below ↓

Meron nga akong mga kaibigan na nagkukumahog gumawa ng video para ilagay sa Kumu bilang audition for PBB.

Kabilang dito ang isang celebrity chef na kasali sa isang cooking show/contest. Isa rin siyang commercial at print model na employed as chef sa isang resto. His name is Rollo Espinos.

Katulad ng nauna kong sinabi sa mga talent ko at lumalapit sa akin about PBB, dapat alam nila ang pinapasok nila! This must be their idea of good and productive quarantining.

GORGY RULA

Naikuwento sa amin ni KC Montero, na bahagi ng Kumu, talagang nakakagulat ang pagpasok ng napakaraming auditionees sa PBB Connect.

Isa sa mga unang nagpadala ng kanyang audition video ay ang bida ng pelikulang Anak ng Macho Dancer na si Sean de Guzman. Gusto lang daw ni Sean ma-experience ang makapag-audition sa PBB, pero ayaw niyang umasa.

Sakaling mapasama siya sa short list at may call back na matataon na nagsu-shoot na siya sa Anak ng Macho Dancer, siyempre priority raw niya ang kanyang launching movie.

Continue reading below ↓

At least, nakapag-audition na raw siya. Okay na raw yun.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PBB Celebrity Edition Big Winner Keanna Reeves: “Oh ayan na!!! Sa mga magagaling manlait sakin dyan, isang malaking goodluck!!! Nagkakandarapa kayo magpaAUDITION sa PBB noh? Akala n’yo ganun lang kadali e sa audition palang, hirap na kayo makapasok, manalo pa kaya???"
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results