Miss Universe 1969 Gloria Diaz, aprubado ang pagkapanalo ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo

by PEP Troika
Oct 30, 2020
Miss Universe 1969 Gloria Diaz (left) on Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo: "Maraming pretty sa batch na ito, and just because she won, does not mean na siya na talaga ang pinakamaganda. It only means na siya ang pinakamaswerte. Kasi, with eleven [11] judges, and six liked her, swerte siya."
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook

JERRY OLEA

“She’s beautiful! She deserves to win!”

Bulalas iyan ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz matapos tanungin tungkol kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa virtual mediacon ng TV5 sitcom na Oh My Dad nitong Oktubre 30, Biyernes ng hapon.

At dahil kahawig ni Rabiya ang daughter niyang si Isabelle Daza-Semblat, sinabi ni Gloria na sobrang ganda ito.

“You know, I love the woman. She’s so beautiful,” nakangiting sambit ni Gloria.

Obserbasyon ni Gloria, taun-taon ay may kontrobersiya pagkatapos piliin ang magiging kinatawan natin sa Miss Universe pageant.

“Everbody wants to win. Kaya iyong ibang natalo, sinasabi nila, nadaya sila,” kaswal na saad ni Gloria.

Maingay ang Miss Universe Philippines 2020. Nagreklamo ang ilang talunan, na sabi nga ay unbecoming of a beauty queen.

Dala kaya ng pandemic kaya vocal ang mga talunan sa pagrereklamo?

“Ang uso ngayon, join nang join. It’s a new experience. It’s a new discovery,” lahad ng pinagpipitaganang aktres.

Continue reading below ↓

“Sa akin, basta maganda, and she looks like Belle, she deserves to win!”

Dagdag na papuri ni Gloria kay Rabiya, “She’s very natural. I liked her answer.

"Maraming pretty sa batch na ito, and just because she won, does not mean na siya na talaga ang pinakamaganda.

“It only means na siya ang pinakamaswerte. Kasi, with eleven [11] judges, and six liked her, swerte siya.

“Iyong mga natalo, that does not mean na hindi sila maganda. If you did not win this time, try again. It you did not win again, try again. Di ba?”

Napapanood ang Oh My Dad tuwing Sabado ng 5:00-6:00 P.M. sa TV5.

Kasama sa cast nito sina Ian Veneracion, Dimples Romana, Sue Ramirez, Louise Abuel, Adrian Lindayag, at Ariel Ureta, sa direksyon ni Jeffrey Jeturian.

GORGY RULA

Binanggit din ni Gloria na 22 years old ang best age na pagsali sa beauty competitions.

At least, may sapat pang panahon para makasali uli kung hindi manalo. Hanggang 27 ay puwede pa rin daw ngayon, sabi ni Madam Gloria.

Continue reading below ↓

Samantala, nae-enjoy ni Gloria ang naka-lock in na taping sa Oh My Dad. Sobrang alaga sila sa set, kaya nawawala ang takot niya.

Dati kasi ay natatakot siyang lumabas, pero dito sa taping ng Oh My Dad ay kampante siya.

Aliw ang tambalan nila ni Ariel Ureta, na ang huli pa yata nilang pagsasama ay sa Judy Ann Santos-Ryan Agoncillo movie na Sakal, Sakali, Saklolo (2007).

NOEL FERRER

Sa mga photos noong kabataan ni Rabiya Mateo, pwede silang magkapatid ng kaibigan nating PR executive na si Peachy Guioguio.

And sa PR standpoint, wagi ang demeanor ni Rabiya at hindi na talaga niya dapat sinasagot ang mga isyu sa kumpetisyong napagwagian na niya.

The task and challenge now is to fulfill her duties and show the relevance of her being a beauty queen Miss Universe Philippines ngayong panahon ng pandemic.

Maganda ring may basbas siya ng former queens like Gloria Diaz, Pia Wurtzbach, at Catriona Gray.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 1969 Gloria Diaz (left) on Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo: "Maraming pretty sa batch na ito, and just because she won, does not mean na siya na talaga ang pinakamaganda. It only means na siya ang pinakamaswerte. Kasi, with eleven [11] judges, and six liked her, swerte siya."
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results