Vilma, Charo, at Judy Ann Santos magsasanib-puwersa para sa isang special tsikahan

by PEP Troika
Oct 31, 2020
(L-R) Vilma Santos, Charo Santos, and Judy Ann Santos will join forces for a special interview dubbed as "Todos Los Santos" with PEP Troika's Noel Ferrer on November 6.
PHOTO/S: Facebook / Instagram

NOEL FERRER

Celebrations abound habang papalapit ang Pasko.

Ngayong Oktubre 31, Sabado ng 9:00 P.M., kasama tayo sa advanced birthday celebration ng Star For All Seasons na si Vilma Santos sa PAK Channel ng 2nite With Allan D or 2WAD.

Next Friday, November 6, I shall celebrate my 30th media anniversary with a special episode.

For the first time ay magsasama-sama ang tatlong powerful at influential women na mahal natin—sina Congresswoman Vilma, Ma’am Charo, at Judy Ann... na pinamagatan nating "Todos Los Santos."

While it’ll be aired in my Radyo Katipunan base, first attempt ko ring magbukas ng YouTube channel na napakahirap palang mag-grow ng organic followers.

Oh well, I promise them really good content lagi!

Pagkatapos ng aking anniversary, 3rd anniversary rin ng ating PEP Troika sa Nobyembre 11, Miyerkules.

For the first time, we’ll do an FB Live with the King of Talk... Tito Boy Abunda, na babasbasan tayo bilang showbiz talk authorities.

Continue reading below ↓

It is such a great honor!

GORGY RULA

First time pala ng Congresswoman for All Seasons na masalang sa virtual tsikahan.

Kahit madalas ay naka-zoom si Cong. Vi sa Congress hearing, pero iba itong may mga katsikahan siya at sa showbiz kasi ito.

Excited akong makahuntahan si Cong. Vi lalo na ngayong ang dami nating hugot sa pandemyang ating kinakaharap.

Pero meron akong gustong i-request na ipagawa kay Cong. Vi na sana, mapagbigyan niya tayo. Kuwela ito, I’m sure!

Samantala, nakakapag-usap kami ni Kuya Boy nang matagal-tagal. Ang dami naming pinag-uusapan na hindi puwedeng isulat.

Curious ako sa mga pinagkakaabalahan niya ngayon sa kanyang farm, dahil diyan siya naka-focus ngayon. Back to basics na raw tayo ngayon, at baka pinaghahandaan na niya ang kanyang pagreretiro.

Ikukuwento kaya ni Kuya Boy ang mga pinag-uusapan nila ni Kris Aquino?

JERRY OLEA

Belated happy birthday, Ma’am Charo (Oktubre 27) at Kuya Boy (October 29)! Advanced happy birthday, Ate Vi (November 3)!

Continue reading below ↓

Kukumustahin natin kay Kuya Boy ang bagong programa niyang The Best Talk na inilunsad noong Oktubre 24, Sabado ng 9:00 P.M., sa FYE Channel ng Kumu.

Kukulitin siyempre natin si Ate Vi tungkol kina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Trick or treat?

Tuloy ang mga online kaganapan sa Halloween kahit nakaamba ang bagyong Rolly, pinapairal ang social distancing, at bawal ang mga pagtitipon at party-party in person.

Simula Oktubre 30, Biyernes, streaming na ang horror movie nina Kim Chiu, Tony Labrusca, at JM de Guzman na U-Turn sa KTX, SKYcable Pay Per View, Cignal Pay Per View, at iWant TFC. P150 ang tiket.

Pagkabili ng tiket ay dapat panoorin ang U-Turn within 48 hours.


Continue reading below ↓

Umpisa Oktubre 30 rin, napapakinggan na ang bagong bersyon (Midnite Remix) ng duet nina Morissette at Jason Dy na "Diyan Ba Sa Langit," kasama ang songwriter na si Kiko “KIKX” Salazar.

Ang refrain: Diyan ba sa langit, alaala pa ba ang pangakong walang hanggan?/ Giliw, diyan ba sa langit, patuloy mong iibigin itong ating pag-ibig?/ Hanggang diyan ba sa langit, sinta?

Naisulat ni KIKX ang awitin matapos panoorin ang digitally remastered version ng pelikulang Hihintayin Kita Sa Langit (1991).


Continue reading below ↓

Jason Dy, Kixx Salazar, and Morissette

Swak sa mga nagluluksa ang bagong single ng The CompanY na "Sumakabilang Puso." Agad na-feature ang awitin sa New Music Friday editorial playlist ng Spotify Philippines.

Ang refrain nito: Sumakabilang puso, tumigil ang pulso/ Wala na bang tibok sa ‘yong damdamin?/ Sumakabilang puso, tumigil ang mundo/ Kung sakali bang pinaglaban lang/ Napigilan pang sumakabilang puso

Ang grupong The Company ay binubuo nina Moy Ortiz, Annie Quintos, Sweet Plantado, at OJ Mariano.

Matutunghayan ang back-to-back horror films ng Sitsit series simula Oktubre 31, Sabado, sa iWant TFC streaming service.

Hatid ng Sitsit ang magkaibang istorya ng "Scorpio" at "Aswang."

Sa "Scorpio," natatakot ang matandang si Danny (Dido de la Paz) na mabuhay nang walang nagmamahal sa kanya.

Dahil sa pagnanasa niya sa isang dalaga, iinom siya ng isang misteryosong gayuma na magpapabalik sa kanya sa pagkabinata (Jake Cuenca).


Continue reading below ↓

Jake Cuenca in Scorpio

Sa "Aswang," madalas imaltrato ang prosti na si Joyce (Ivana Alawi) ng kanyang mga kliyente. Magbabago ang kanyang kapalaran nang makilala niya ang asong si Nala.


Ivana Alawi in Aswang

Mapapanood ang docu special na Baffling Cases: Sanib ngayon ding Oktubre 31, Sabado, sa iWant TFC app at website.

Continue reading below ↓

Matutunghayan dito ang mga karanasan ng mga taong nakaranas ng sanib, at kung paano ito nakaapekto sa kanilang pananampalataya.


Kabahagi rito ang mga eksperto sa iba’t ibang paniniwala at relihiyon tulad nina cultural anthropologist Felipe Jocano Jr., Fr. Felipe Pedraja, faith-healer na si Mary Cuevas, at Islamic exorcist na si Aleem Sulaiman Laguindab.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Vilma Santos, Charo Santos, and Judy Ann Santos will join forces for a special interview dubbed as "Todos Los Santos" with PEP Troika's Noel Ferrer on November 6.
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results