Taping ng TV5 Christmaserye na Paano Ang Pasko?, naantala dahil sa magkakasunod na bagyo

by PEP Troika
Nov 1, 2020
Paano Ang Pasko? cast: (first row, L-R) Matt Evans, Cedrick Juan, Allan Paule, Ricky Davao, Ace Ismael, and Danita Paner; (second row, L-R) Ejay Falcon, Julia Clarete, Maricel Laxa, Beauty Gonzalez, and John "Sweet" Lapus; (third row, L-R) Elijah Canlas, Devon Seron, and Justine Buenaflor.
PHOTO/S: Courtesy of TV5

GORGY RULA

Na-pack up ang taping ng Christmas mini-series ng TV5 na Paano ang Pasko?ngayong Nobyembre 1, Linggo.

Naka-lock in sila sa San Pablo City, Laguna.

Naka-text ko ang producer at ang direktor ng mini-series na si Direk Perci Intalan, at sinabi niyang nagpapahinga muna sila sa tinutuluyan nilang hotel.

Signal No. 3 na kasi sa Laguna ang bagyong Rolly. Medyo nahirapan sila sa lock-in taping dahil dalawang bagyo na ang inabot nila.

October 15 pa sila roon, pero naka-eight taping days pa lang sila dahil sa sama ng panahon.

“Buti na lang, tapos na yung mga big exteriors namin sa bundok,” text sa amin ni Direk Perci.

Pero kailangan na nilang tapusin ang taping dahil may deadline sila para umabot sa airing ng naturang Christmas mini-series.

Ang nakakatakot pa, kasabay ng bagyong Rolly ay dumating na rin ang bagyong Siony.

Bukod kay Direk Perci, nandoon din sa taping Eric Quizon at Ricky Davao na direktor din sa ilang episodes ng Paano Ang Pasko?.

Continue reading below ↓

Nasa 12th day na rin ngayon ang lock-in taping ng GMA afternoon drama na Bilangin ang Bituin sa Langit.

Sa San Mateo, Rizal sila naka-lock in, at medyo nakakatakot pa naman doon kapag tuluy-tuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan.

Tamang-tama naman, rest day daw nila ngayong Linggo kaya sa hotel muna sila nagpapahinga habang nananalasa itong bagyong Rolly.

Idinadalangin daw nilang maging maayos na ang panahon bukas, November 2, para makapag-resume na sila ng taping.

So far, okay raw sila at nagpapasalamat sila dahil safe at walang nagkakasakit sa kanila.

Ang napapansin lang daw ng ilang staff, iba na ang closeness ni Yasser Marta kay Kyline Alcantara. May balak kaya si Yasser na pormahan ang young actress?

Hindi raw ito PR ng Bilangin ang Bituin sa Langit. Talagang close na raw ang dalawa dahil matagal-tagal na silang naka-lock in sa taping.


Continue reading below ↓

Yasser Marta and Kyline Alcantara

NOEL FERRER

Excited ako sa Paano Ang Pasko? dahil nagbabalik sa pag-arte ang magaling na si Maricel Laxa.

Siya bale ang matriarch dito na nanay nina Julia Clarete, Beauty Gonzalez, at Devon Seron.

Imagine, bihirang gumawa si Maricel ng project. Pero ang kaisa-isahan niyang pelikula last year na Hello Love Goodbye, napansin ang kanyang pagganap at nominated siya bilang Best Supporting Actress sa darating na Gawad Urian.

Buti rin at nagbalik na sa taping ang Bilangin ang Bituin sa Langit.

Nakita ko ang post ni Direk Laurice Guillen. Hindi talaga madali ang pinagdadaanan ng lahat na nasa lock-in taping.

Sana, ang pagpapahusay sa acting ang atupagin nina Yasser at Kyline para mas maging markado sila sa industriya natin.

JERRY OLEA

Bongga ang casting ng Christmaseryeng Paano Ang Pasko? ng TV5, huh?!

Maliban kina Maricel Laxa, Beauty Gonzalez, Julia Clarete, Devon Seron, Eric Quizon at Ricky Davao, kasama rito sina Ejay Falcon, John “Sweet” Lapus, Matt Evans, Elijah Canlas, Danita Paner, Cedrick Juan, Ace Ismael, Justine Buenaflor, at Allan Paule.

Continue reading below ↓

Nag-excuse si Allan sa lock-in taping noong Oktubre 28, Miyerkules, para dumalo sa presscon ng pelikulang Anak ng Macho Dancer sa Game Over restaurant sa Xavierville Avenue, Loyola Heights, Quezon City.

Ani Allan, hindi siya pwedeng mawala sa presscon dahil siya ang “Macho Dancer” sa movie, kung saan gaganap ang baguhang si Sean de Guzman bilang anak niya.

Noong Oktubre 30, Biyernes ng hapon, ay nakibahagi si Beauty sa virtual mediacon via Zoom ng romcom series na I Got You.

Malaking karangalan para kay Beauty na dalawang TV shows agad ang ipinagkatiwala sa kanya ng Kapatid Network.

Nakatatlong episode pa lang ang I Got You, pero lutang na lutang ang kahusayan dito ni Beauty, maging ng co-stars niyang sina RK Bagatsing, Jane Oineza, Chantal Videla, at Kych Minemoto.

As I’ve said before, highly recommended ko ang I Got You, na may 13 weekly episodes tuwing Linggo ng 2:00-3:00 p.m., pagkatapos ng Sunday Noontime Live sa TV5.

Continue reading below ↓

Nitong Oktubre 31, Sabado ng gabi, isa si Ricky sa surprise guests sa Streamyard chikahan with Congresswoman Vilma Santos sa 2WAD program ng YouTube channel ni Allan Diones.

Virtual birthday special iyon ni Ate Vi, at nag-guest din doon sina Tirso Cruz III, Roderick Paulate, at Chit Guerrero.

Ang hina ng signal ni Ricky sa San Pablo City, kaya hirap siyang makapasok sa online chikahan.

Tungkol naman kina Yasser at Kyline, OK lang na magkalapit sila sa set ng Bilangin ang Bituin sa Langit, at maging inspirasyon ang isa’t isa. Pero batid kong kapwa priority nila ang kani-kanyang career.

Sa tuwi-tuwina ay naka-focus si Kyline sa trabaho, lalo pa’t kae-18 lang niya.

Si Yasser, handa sa mga mas mapaghamong pagganap. May ibubuga ang binata!

MORE PEP TROIKA STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paano Ang Pasko? cast: (first row, L-R) Matt Evans, Cedrick Juan, Allan Paule, Ricky Davao, Ace Ismael, and Danita Paner; (second row, L-R) Ejay Falcon, Julia Clarete, Maricel Laxa, Beauty Gonzalez, and John "Sweet" Lapus; (third row, L-R) Elijah Canlas, Devon Seron, and Justine Buenaflor.
PHOTO/S: Courtesy of TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results