Kapuso shows, tumaas ang ratings ngayong weekend; dalawang TV5 shows, nakakaaliw

by PEP Troika
Nov 3, 2020

GORGY RULA

Nasa bahay lang ang halos lahat ng mga tao nitong nakaraang weekend dahil sa paparating na Super Typhoon Rolly. Kaya karamihan ay nakatutok sa TV para mag-monitor sa bagyo at manood na rin ng mga programa sa TV.

Base sa AGB TV ratings, GMA-7 shows pa rin ang pinapanood ng karamihan kaya mataas ang rating ng halos lahat ng shows nila.

Noong Sabado, October 31, ay naka-14.1% ang 24 Oras. Sinundan ito ng Pepito Manaloto na naka-19.6% naman.

Ang The Clash, na consistent na mataas, ay naka-19.2%. Sumunod ang Magpakailanman (19.5%) at Daddy’s Gurl (11%).

Kahit ang replay na Celebrity Bluff ay naka-6.1%.

Noong Linggo, November 1, tumaas pa ang ratings ng mga programa ng GMA-7.

Naka-7.8% ang All-Out Sunday, at 7.6% naman ang replay na Wagas.

Replay episode din ang Dear Uge na naka-7.8%.

Ang nag-flop na pelikulang Banal ay mas marami ang nakapanood sa GMA Blockbuster, kaya may 10.6% rating ito.

Continue reading below ↓

Super-taas din ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes na 17.2%.

Lalong tumaas ang The Clash na may 22.5%, pero bumaba ang Kapuso Mo Jessica Soho na naka-20.5%.

Kahit ang replay episode ng The Boobay and Tekla Show ay naka-5.8%.

NOEL FERRER

Ito ang kasagsagan ng bagyong Rolly, at totoo namang nakatutok ang mga tao sa telebisyon.

Dahil dito, bumabalik ang panghihinayang sa pagkaka-shutdown ng isang malawak na media establishment tulad ng ABS-CBN, na agresibo sa pangangalap ng balita kahit sa rehiyon (Regional Network Group).

Lalo na sa mga panahon ng kalamidad, isa talagang disservice ang kakulangan ng impormasyon at yung dating 24-hour telethon, kahit sa Teleradyo lang.

JERRY OLEA

Hindi mapapasubalian ang lakas ng signal ng GMA-7. Wala silang kalaban sa ratings, 'ika nga.

Pero may dalawang weekend programs ng TV5 na kinaaaliwan ko—ang Oh My Dad (Ian Veneracion, Dimples Romana, Gloria Diaz) tuwing Sabado ng 5:00-6:00 p.m. pagkatapos ng Rated Korina, at ang I Got You (Beauty Gonzalez, RK Bagatsing, Jane Oineza) tuwing Linggo ng 2:00-3:00 p.m. pagkatapos ng Sunday Noontime Live.

Continue reading below ↓

Nakakaaliw na, kapupulutan pa ng aral ng televiewers!

Hindi nakakainsulto ang mga palabas na ito, na kayhuhusay ng direksiyon, pagkasulat, at akting ng mga artista. Nadi-distract lang ako sa accent ni Sue Ramirez sa Oh My Dad.

Ang ratings ng Kapamilya shows sa A2Z, hirap pa rin kahit pasabog ang 11th anniversary celebration ng It’s Showtime noong Sabado, at world-class pa rin ang performances sa ASAP Natin ‘To noong Linggo.

Patuloy na raratsada sa ratings ang GMA-7 ngayong Nobyembre.

Sa Nobyembre 5, Huwebes ng gabi, ay magpapasiklab na ang bagong episodes ng Descendants of the Sun pagkatapos ng Encantadia.

Magre-report for duty na sa Kapuso televiewers sina Dingdong Dantes (bilang lider ng Alpha Team na si Capt. Lucas Manalo), at Jennylyn Mercado (bilang cardio-thoracic surgeon na si Dr. Maxine Dela Cruz). Siyempre, andiyan din sina Rocco Nacino (bilang Technical Sergeant Diego Ramos) at Jasmine Curtis-Smith (bilang Captain Moira Defensor).

Kabilang pa rin sa DOTS bilang mga doktor at nars sina Renz Fernandez, Chariz Solomon, Andre Paras, Nicole Donesa, Reese Tuazon, Jenzel Angeles, at Bobby Andrews.

Continue reading below ↓

Ang magigiting at pogilicious na militar ay kinabibilangan nina Paul Salas, Jon Lucas, Lucho Ayala, at Prince Clemente. Kasama pa rin sa cast sina Neil Ryan Sese, Pancho Magno, Antonio Aquitania, Ricardo Cepeda, Ian Ignacio, Rich Asuncion, Carlo Gonzalez, Hailey Mendes, Marina Benipayo, at Roi Vinzon.

Samantala, matutunghayan ang fresh episodes ng Prima Donnas simula Nobyembre 9, Lunes, sa GMA Afternoon Prime.

Nabitin ang televiewers sa kahihinatnan ni Lilian (Katrina Halili) na idiniin ni Kendra (Aiko Melendez) sa krimeng hindi nito ginawa.

Sinubukan nina Mayi (Jillian Ward), Ella (Althea Ablan), at Lenlen (Sofia Pablo) na bisitahin ang kanilang nanay sa presinto nang hindi nagsasabi sa kanilang amang si Jaime (Wendell Ramos), na nagdesisyong ituloy na ang kasal nila ni Kendra.

Kailan kaya mabubunyag ang lihim ni Kendra? Kailan pa magiging lubos na masaya ang Tres Donnas?

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results