Boobay, ibinigay ang birthday wish sa problemadong kaibigang si Super Tekla

by PEP Troika
Nov 4, 2020
Sa halip na para sa sarili ay ibinigay ni Boobay ang kanyang birthday wish sa kaibigan at co-host na si Super Tekla, na may pinagdadaanan dahil sa mga akusasyon ng dating live-in partner.
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Talsik to the max ang reaksiyon ng mga tao sa pasabog ng Raffy Tulfo In Action noong Oktubre 20, Martes, kung saan inireklamo si Super Tekla ng dating ka-live in nitong si Michelle Bana-ag.

Hindi nakasagot noon si Tekla dahil nasa taping siya ng The Boobay and Tekla Show (TBATS), na birthday special ni Boobay.

Ipalalabas ang naturang episode sa Nobyembre 8, Linggo ng gabi, sa GMA-7. Tampok sa nasabing episode ang Mema Squad na kinabibilangan nina Atak Araña, Jelai Andres, Skelly Clarkson, Jessa Chichirita, at Pepita Curtis.

Nang magpakilala ang social media influencer na si Jelai, ang hanash niya, “Kung magmamahal kayo, dapat totoo para di na kayo umabot kay Tulfo!”

Humagalpak nang bonggang-bongga si Boobay.

Reaksiyon ni Tekla, “Mukhang nakaka-relate ako diyan, ah?!”

Nang mga sandaling iyon ay hindi pa naiinterbyu ni Raffy si Michelle. Hindi pa sigurado noon si Tekla na itutuloy ni Michelle ang banta na ipapa-Tulfo siya.

Continue reading below ↓

Kaya ang hirit ni Boobay, “Alam mo, Jelai, napalunok si Tekla. Kasi, may balak yatang magpa-Tulfo sa kanya. Pero sana raw, hindi ituloy.”

Itinuloy ni Michelle ang pagpapa-Tulfo kay Tekla. Naka-13 million views na sa YouTube channel ng Raffy Tulfo In Action (RTIA) ang October 20 episode nito na “Komedyanteng si Tekla, ipina-Tulfo ng kinakasama nito.”

Tiba-tiba ang RTIA!

Ang Part 2 (“Tekla, Ipinagtanggol ng mga Kasamahan niya sa Showbiz,” Oktubre 21) ay naka-11.4M views na.

Ang Part 3 (“Manager ni Tekla, Dumipensa para sa Kanyang Alaga,” Oktubre 21) ay naka-8.3M views.

Ang Part 4 (“Ex GF ni Tekla, Nagsalita Rin! Pamangkin ni Michelle, May Pasabog!” Oktubre 22) ay naka-8.7M views.

Ang Part 5 (“Michelle, Willing Daw Magpa-Lie Detector Test at Drug Test,” Oktubre 23) ay naka-7M views.

Ang Part 6 (“Tekla at Michelle, Nagkaayos Na!” Oktubre 26) ay naka-8.8M views. A

ng Finale Episode (“Michelle, Nagisa sa Sarili Niyang Mantika!” Oktubre 27) ay naka-10.6M views.

Continue reading below ↓

Ang tanong... mapapanood kaya sa TBATS ang makasaysayang hanash ni Jelai? Abangan!

GORGY RULA

Ang suwerte ni Super Tekla! Ang dami niyang mga kaibigang nagmamahal sa kanya at talagang hindi siya iniwan sa mga panahong may mga pinagdadaanan siya.

Itong mapapanood sa The Boobay and Tekla Show sa Linggo, November 8, ay celebration ng kaarawan ni Boobay.

Ito yung araw na may pasabog si Michelle kay Raffy Tulfo, pero hindi pa alam ni Tekla kung ano ang mga paratang laban sa kanya. Kaya idinaan na lang iyon ni Tekla sa biro dahil hindi niya akalaing itutuloy ni Michelle ang pagsusumbong kay Tulfo.

Sa birthday segment ni Boobay, kung saan may surprise greeting sa kanya ang pamilya niya at ang dyowa niyang si Kent, at pati ang best friend niyang si Marian Rivera-Dantes, hiningan siya ng birthday wish.

Sabi ni Boobay kay Tekla, “Ibibigay ko sa ‘yo ang wish ko sa birthday ko, ha?”

Continue reading below ↓

“Ano ka ba? This is your moment,” sagot naman ni Tekla.

“No! Ang wish ko, para sa ‘yo. Alam mo na yun,” sabi naman ni Boobay kay Tekla, at nagyakap sila nang mahigpit.

Touching ang eksenang iyon na ramdam mong marami talaga ang nagmamahal sa kontrobersiyal na komedyante.

Ngayon ay okay na okay na raw si Tekla, at sinasabi niyang hindi na siya makikipagbalikan sa live-in partner.

Pero alam ng mga kaibigan ni Tekla kung gaano nito kamahal si Michelle, kaya hindi na raw sila magugulat kung hindi nito mapanindigan ang sinasabing hindi na siya makikipagbalikan.

Hindi raw nila saklaw ang nasa puso ni Tekla.

NOEL FERRER

Good luck sa The Boobay at Tekla Show na nagkaroon na ng sariling tatak pagkatapos tumapat sa show ni Vice Ganda.

Oo at kailangan ng mga taong gumaan ang loob at maaliw sa gitna ng pandemya, pero pagkatapos ng aliw na iyon, sana ay ma-sustain nina Boobay at Tekla ang persona na tumutulong para maibsan ang mas malaking problema nating mga Pilipino.

Continue reading below ↓

Ratings is one thing. Advertisers’ trust is another.

At sa huli’t huli, sana, sa pagbabagong bihis ng programang ito ay mapalapit ito sa mga komedyang hindi lang nakakaaaliw kung nakakapagmulat din.

Precautionary tale ang nangyayaring eleksyon sa U.S. ngayon. Sana, maisaaksyon na natin ang aliw na makakapagdulot ng tunay na pagbabago. Sana!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa halip na para sa sarili ay ibinigay ni Boobay ang kanyang birthday wish sa kaibigan at co-host na si Super Tekla, na may pinagdadaanan dahil sa mga akusasyon ng dating live-in partner.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results