Aiko Melendez, hindi na tatanggap ng kontrabida role after Prima Donnas?

by PEP Troika
Nov 6, 2020
Aiko Melendez: "I want to try something different because medyo naka-drain din kapag magkontrabida ka nang magkontrabida. Your audience is gonna get tired of watching you of doing the same old thing, di ba?”
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Nakapanayam namin si Aiko Melendez sa mediacon ng Kapuso afternoon drama series na Prima Donnas nitong Nobyembre 6, Biyernes ng hapon.

Simula sa November 9, Lunes, 3:25 p.m., ay mapapanood na ang mga bagong episodes na nai-tape nilang naka-lock in.

Siyempre, muling mapapanood ang napaka-evil na karakter na si Maria Kendra Fajardo, at talagang itotodo na raw ni Aiko rito ang pagiging kontrabida niya.

Ayon kay Aiko, huling kontrabida role na raw sana niya ang Prima Donnas. Maaring magpahinga muna raw siya sa pagiging masama sa mga drama series.

“Sabi ko nga, Prima Donnas might be my last na magkokontrabida ako.

"Kasi I want to try something different because medyo naka-drain din kapag magkontrabida ka nang magkontrabida.

“Your audience is gonna get tired of watching you of doing the same old thing, di ba?” pakli ng aktres.

Sakaling may magandang project na kontrabida role uli ang kanyang gagampanan, maaaring gawin niya. Pero hangga't maaari raw ay iwas muna siya sa kontrabida role.

Continue reading below ↓

“Pero kung ako ang masusunod, sinabi ko na kay Kuya Arnold [Vegafria] talaga, my manager, na ang Prima Donnas na muna ang magiging last ko na kontrabida. Kaya ibigay ko na 'to nang todong-todo,” sabi pa ni Aiko.

NOEL FERRER

OK itong plano ni Aiko, pero you’ll never know kung hanggang kailan niya mapangangatawanan ito.

Maaaring she can take a break from contravida roles, pero alam mo naman sa industriya natin, kung saan ka magaling at kinakapitan ng mga manonood, yun ang hahanapin nila.

At least, testament pa rin yun ng kahusayan ni Aiko sa pagganap!

JERRY OLEA

Mapapanood pa si Sofia Pablo bilang Lenlen o Donna Lyn sa Prima Donnas sa Lunes.

May naiwan pa silang mga eksena noon na hindi pa naere. Moments daw ni Sofia ang mga iyon.

Bago nasuspindi ang TV tapings dahil sa COVID-19 pandemic, makapigil-hininga ang twists and turns sa Prima Donnas.

Matatandaang nabitin ang televiewers sa kahihinatnan ni Lilian (Katrina Halili) na idiniin ni Kendra (Aiko Melendez) sa krimeng hindi nito ginawa.

Continue reading below ↓

Sinubukan nina Donna Marie (Jillian Ward), Donna Belle (Althea Ablan), at Donna Lyn (Sofia Pablo) na bisitahin ang kanilang nanay sa presinto nang hindi nagsasabi sa kanilang amang si Jaime (Wendell Ramos).

Nagpasya naman si Jaime na ituloy na ang kasal nila ni Kendra.


GORGY RULA

Continue reading below ↓

Gusto pa rin palang ituloy ni Aiko ang pagpo-produce ng pelikulang pagsasamahan nila nina Ruffa Gutierrez at Carmina Villarroel.

Nabanggit kasi noon ni Ruffa na sana, matuloy pa rin ito, pagkatapos ng pandemyang hinaharap natin.

“By God’s grace na maging maayos na lahat lahat, itutuloy ko pa rin yun.

“Gusto ko lang kasi, makasiguro na maging maayos na ang lahat bago talaga namin… siyempre, first venture namin ito into producing, gusto namin maging maayos at maging plantsado lahat.

“Saka tinatawaran ko pa si Ruffa!” natatawang sabi ni Aiko.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez: "I want to try something different because medyo naka-drain din kapag magkontrabida ka nang magkontrabida. Your audience is gonna get tired of watching you of doing the same old thing, di ba?”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results