Mga revelations sa balitaktakan nina Charo Santos, Vilma Santos, at Judy Ann Santos

by PEP Troika
Nov 7, 2020
Nangyari noong November 6, 2020, ang pagsasama-sama nina Charo Santos, Vilma Santos, at Judy Ann Santos sa radio program ng isa sa PEP Troika na si Noel Ferrer (not in photo).
PHOTO/S: @iamnoelferrer on Instagram

NOEL FERRER

"Excited ako kapatid! Na kinakabahan! Pero masaya ito!!! Thank you kapatid!!! Sa interview man lang, makakasama ko sina Ate Vi and Ma’am Charo.”

Ito ang sabi ni Judy Ann Santos sa akin bago kami sumalang sa #TodosLosSantos interview sa Radyo Katipunan nitong Nobyembre 6, 2020, Biyernes ng hapon, as part of my 30th media anniversary celebration.

Dati pa kasi sana may planong pagsamahin sina Juday at si Congresswoman Vilma Santos, pero dahil sa hidwaan noon nina Ate Vi at Tito Alfie Lorenzo (manager ni Juday at dating publicist ni Ate Vi), never itong nangyari.

Ang ganda lang ng naging usapan—from their pandemic experiences and learnings to their COVID-19 responses, at kung kasama sila sa nagtanong ng #NasaanAngPangulo.

Pati ang red-tagging issue sa mga kapwa artista ay tinutulan nila.

Naging madamdamin din ang sagot ni Ma’am Charo sa shutdown ng ABS-CBN.

“Ang sakit kasi iyung makita mo yung pagpapasara nila sa isang tahanan na pinagsumikapan mong buuin, 'tapos ganun lang. I’m still grieving,” sabi ni Ma’am Charo.

Continue reading below ↓

Sa huli’t huli, sabi ni Ate Vi, “Women empowerment! Nasa qualities ni Ma’am Charo ang maging magaling na leader ng bayan.

“Thank you so much, Noel! I enjoyed the conversation!!! It was nice to be with you, Ma’am Charo and Juday! Sana, mag-align ang mga stars,” ang sabi pa ng butihing congresswoman, referring to Ma’am Charo na maaaring maging public servant at ang paggawa nila ng pelikulang magkakasama silang tatlo.

GORGY RULA

Congratulations, Sir Noel, at talagang naitodo mo ang mga sikat na Santos!

Nakikita namang na-enjoy nila ang balitaktakan ninyo.

Lalo na si Madam Charo na ipinost niya sa kanyang Instagram account at sinabing mas masaya pa raw sana kung nagawa ninyo iyon in person.

Continue reading below ↓

Pero malaking karangalan pa rin daw sa kanya na kasama niya sa Zoom screen sina Cong. Vilma Santos-Recto at Judy Ann Santos-Agoncillo na pareho raw niyang ina-admire.

Sa totoo lang, casting coup rin kung magsama sila sa isang pelikula.

Eto na nga! Hanggang ngayon, wala pa tayong balita kung matutuloy ba ang proyektong pagsasamahan dapat nina Ate Vi at Juday.

Buhay pa noon si Tito Alfie Lorenzo ay napapag-usapan na iyan na gagawin ng Star Cinema.

Parang sa ngayon ay okay na munang nasa tahanan lang sina Cong. Vi at Juday. Wala pang film projects na natanguan, dahil mas naka-focus na muna sila sa ibang trabaho at sa pamilya.

Pero si Madam Charo ay inaabangan na natin ang malaking pelikula niyang kasama si Daniel Padilla, ang Kun Maupay Man It Panahon o Whether the Weather is Fine.

Hindi lang nagbigay ng detalye ang producer na si Atty. Joji Alonso, pero malalaking international film festivals ang sasalihan nito.

Continue reading below ↓

Sana, ito na rin ang i-push na isali sa Foreign Language Film category ng Oscars.

JERRY OLEA

Sa panahon ng pandemya, kokonti ang nagpakasal, pero marami ang nabuntis.

Wish ba ni Vilma Santos na sana ay magkaapo na siya finally?

“Ahh, siguro, kung meron man akong hinihiling...apo. Baka ano, baka very soon! Yiheey! Hahahaha!” masayang sagot ni Ate Vi sa birthday special niya noong Oktubre 31, Sabado ng gabi, sa 2WAD presentation ng YouTube channel ng entertainment columnist na si Allan Diones.

Ano iyong “very soon”? Ano ang ibig sabihin ng “very soon”? Kanino?

Tawa nang tawa ang Congresswoman for All Seasons.

Noong presscon ni Jessy Mendiola para sa TV5 program niyang Fit For Life, nabanggit niyang may ipinapagawa na silang bahay ni Luis Manzano. Dream house by the beach!

Nalalapit na ba ang kasalang Jessy-Luis? Ano ang alam diyan ni Ate Vi?

Mahiwaga ang halakhak ni Ate Vi, “Hahahahaha! Karapatan ko lang sabihin na very soon. Iyon lang!”

Continue reading below ↓

Kay Christian ba o kay Luis ang “very soon” na iyan?

“Kay Lucky! Tama na! OK na ako doon! Basta, very soon!”

Hinintay namin na sumapit ang kaarawan ni Ate Vi noong Nobyembre 3, Martes, kung may announcement after ng sinabi niyang "very soon."

Hanggang sa ito na nga ang pagsasama-sama ng Tres Santos, pero wala pa rin ang hinihintay nating balita!

Very soon!!!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nangyari noong November 6, 2020, ang pagsasama-sama nina Charo Santos, Vilma Santos, at Judy Ann Santos sa radio program ng isa sa PEP Troika na si Noel Ferrer (not in photo).
PHOTO/S: @iamnoelferrer on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results