Dingdong Dantes big boss sa TV at totoong buhay

by PEP Troika
Nov 8, 2020
Kapag si Dingdong Dantes ang direktor ng asawang si Marian Rivera, napakametikuloso raw nito.
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram

JERRY OLEA

Pag sinabing Big Boss at Beauty, malamang sa alamang na maiisip mo sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado sa premyadong TV series na Descendants of the Sun (DOTS) ng Kapuso Network.

Bago na ang episodes ng DOTS noong Nobyembre 5, Huwebes ng gabi, sa GMA Telebabad, matapos mag-recap ng walong gabi.

Nagkaroon ng pagguho sa minahan, at nagkaroon ng moral dilemma si Big Boss kung sino sa dalawang lalaki ang ililigtas.

Sa susunod na episode, aamin na kaya si Dra. Maxine (Jennylyn) na may pagtingin siya kay Capt. Lucas (Dingdong)?

Nitong Nobyembre 6, Biyernes ng gabi, nag-umpisa namang mag-streaming sa iFlix ang Beauty and the Boss.

Series ito na pinagbibidahan naman nina Elisse Joson at Gino Roque IV.

Para sa mga Kapamilya ang Beauty and the Boss, at para sa mga Kapuso ang Beauty and the Big Boss?!

Magkaiba ang platform nila, at wala silang kumpetisyon.

Tapos na ang lock-in taping ng DOTS, pero meron pang hino-host si Dingdong na Amazing Earth.

Continue reading below ↓

Aktibo rin ang aktor sa YesPinoy Pinoy Foundation, sa pinamumunuan niyang AKTOR: League of Filipino Actors; AKTOR Tinadahan, na isang online marketplace; DingDongPH, isang delivery app.

Idinidirek pa ni Dingdong ang asawang si Marian Rivera sa pagho-host nito sa Tadhana, maging sa ibang endorsement shoots nito.

Pormal na ring ini-announce ang pagbabalik ng Kapuso Prime-time King bilang brand ambassador ng pain reliever na Medicol.

Bahagi ito ng campaign na pinasimulan ng Unilab noong Hulyo upang ma-inspire ang mga Pilipino na lampasan ang mga pagsubok sa panahon ng pandemya.

Nakikiisa si Dingdong sa pagsusulong ng kalusugan sa bansa, sa ibayong pag-iingat kontra coronavirus, lalo’t patuloy ang paglaganap nito at hindi pa rin masawata.

As of November 7, Saturday, 4:00 p.m., ay umabot na sa 393,961 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. 9.2% (36,260) ang aktibong kaso, 88.9% (350,216) na ang gumaling, at 1.90% (7,485) ang namatay.

Sa edad ni Dingdong na 40, ano pa ang dapat asahan sa kanya?

Continue reading below ↓

“I would like to think that I am still a work in progress and the best is yet to come,” sabi ni Dingdong recently kaugnay sa paglulunsad muli sa kanya bilang ambassador ng isang brand.

“Marami akong pangarap para sa pamilya ko, para sa entertainment industry na humubog sa akin, at pangarap para sa mga communities and sectors na maaari ko pang matulungan.

“Itong pandemya, it has been testing my faith and patience. Sinusubok ako sa mga paraan kung paano ko masisiguro ang safety and health ng pamilya ko, at ng mga taong nakapaligid sa akin.

“Pero alam ko na in His perfect time, this too shall pass.”

GORGY RULA

Walang masabi si Marian Rivera sa napakametikulosong pagdidirek ni Dingdong dahil siyempre, asawa niya.

Kailangan talagang sumunod ni Marian sa mga utos ni Direk Dingdong.

Si Dingdong kasi ang tipong kapag may pinapaulit sa spiel, hindi iyong pini-pick up lang sa gustong ulitin na linya kundi from the top daw talaga.

Continue reading below ↓

Kaya kahit maliit lang na mali, kailangang ulitin from the top hanggang sa um-okay ito sa kanya.

Si Dingdong din ang nagkumbinse kay Marian na gawin ang stage play na Oedipus Rex sa Tanghalang Ateneo.

Ang professor daw ng aktor sa Ateneo na si Ron Capinding ang nagdirek nito at mabuti, naitawid ni Marian.

Baka end of November o first week of December daw ito mapapanood.

“Isang malaking hakbang ito para sa akin dahil siyempre, iba naman ito, sa teatro. Syempre, pag teatro, parang... ay! Teatro? Medyo nakakakaba.

“Pag nagre-rehearse kami, sinasabi ko talaga, palagi akong kabado, parang hindi ko alam kung tama ba iyung ginagawa ko.

“Hanggang sa na-guide ako, naging kampante ako, at nai-deliver ko. Sana maayos at maganda,” pahayag ni Marian sa nakaraang mediacon ng 3rd anniversary ng Tadhana.

Itong Beauty and the Boss naman na mini-series ay unang inialok kay Sanya Lopez. Hindi lang nagkaayos sa schedule, kaya si Elisse na ang ipinalit na leading lady kay Gino Roque. Prinodyus ito ng ama ni Gino para sa iFlix.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Maganda ang impluwensiya ni Dingdong para mapalawak pang lalo ang sining nilang mag-asawa.

Si Dingdong bilang direktor, si Marian naman bilang artista sa teatro.

Ngayon, maganda rin na puwedeng magkakatrabaho ang mga artista ng iba’t ibang network sa mga streaming devices na iFlix at Netflix.

Darating kaya ang pagkakataon na ang nga Kapuso stars ay makapag-iWant din? Sana!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapag si Dingdong Dantes ang direktor ng asawang si Marian Rivera, napakametikuloso raw nito.
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results