Gina Alajar, nangangamba sa kinabukasan ng mga apo

by PEP Troika
Nov 9, 2020
Gina Alajar on her grandchildren: "Buti nga, ngayon sila ipinanganak…siguro how many years from now, lalaki na sila, kaya na nilang tumakbo. Kaya na nilang magtago kung saan man… you know."
PHOTO/S: Noel Orsal / Screen grab from Zoom

GORGY RULA

Sa nakaraang virtual mediacon ng Prima Donnas, naaliw kami kay Direk Gina Alajar dahil habang nakikipagtsikahan sa amin, aligaga rin siya sa pag-aasikaso sa kanyang mga apo.

Nagkumpulan ang mga cute na bagets sa kanya. Tuwang-tuwa naman ang actress-director sa mga bata—merong nakakandong, may kumakalabit sa likod niya, at ang iba ay nasa tabi lang niya.

Nandoon ang mga anak nina Ryan at Geoff Eigenmann, at makikita mo talaga kung gaano ka-happy lola si Direk Gina.

Nang napag-usapan namin ang mga bata, inamin ni Direk Gina na nangangamba siya para sa kanyang mga apo ngayong nahaharap tayo sa pandemya at kung anu-ano pang sakuna ang nangyayari.

Kasi, sa totoo lang, hindi mo maiwasang matakot sa kung ano ang magiging future ng mga nasa huling henerasyon dahil sa mga nagaganap sa ating mundo.

“I fear for my grandchildren. Sana nga, huwag nang mag-anak itong mga asawa ng mga anak ko,” pakli ni Direk Gina.

Continue reading below ↓

“Buti nga, ngayon sila ipinanganak…siguro how many years from now, lalaki na sila, kaya na nilang tumakbo. Kaya na nilang magtago kung saan man… you know.

“I’m talking about the things that are going to happen during the Revelation time.

“Kung ano yung mangyayari dun, the plagues... hindi lang ito ang plagues na mangyayari sa atin, marami pa.

“Sinasabi nga dun sa Bibliya, it would be difficult for pregnant women and women with babies pag dumating na yung panahong yun, at alam nating unti-unti at nararamdaman na nating unti-unti nang dumadating ang panahon na yun,” dagdag na pahayag ng direktor ng Prima Donnas.

Kaya masaya siya sa mga apo niya ngayon na kaya pa nilang alagaan.

Noong October 31 ay nanganak si Maya Flores ng third baby nila ni Geoff, at sure si Direk Gina na hindi na ito masusundan dahil nagpa-ligate na si Maya. Pati raw ang asawa ni Ryan ay ligated na rin.

Continue reading below ↓

“Dalawa na sa daughters-in-law ko ang nagpa-ligate. Yung isa na lang… yung asawa na lang ni AJ sa America ang hindi pa nagpapa-ligate

“So, ibig sabihin, wala na. Maluwag na ang pakiramdam ko na wala nang dadating.

“The babies are safe, at alam ko namang hindi tayo pababayaan ng Diyos pag dumating ang pagkakataon, pag may dumating pa na mas mahirap at mas nakakatakot na plague,” seryosong pahayag ni direk Gina.

NOEL FERRER

Very Mater Dolorosa talaga si Gina Alajar sa kanyang pamilya.

I remember nang dinalaw ko sila ni Sandy Andolong sa South, kasama rin ni Gina ang isa sa mga apo niya noon.

I admire both Gina and Sandy. Kasi, aside from being awarded actresses, they have devoted their lives sa kanilang pamilya.

Katatapos lang ni Gina sa first cycle ng lock-in taping for Prima Donnas at malaking sakripisyo ito talaga.

Now they are on their second cycle na and mas gamay na nila malamang ang sistema.

Continue reading below ↓

As was always stressed, hindi puwedeng mag-relax sa health protocols dahil nandito pa ang COVID plague.

Sana, safe at healthy lang lahat, lalo na ang pamilya ni Direk Gina Alajar.

JERRY OLEA

Itong second cycle ng lock-in taping ng Prima Donnas ay hanggang sa ending na ng teledrama.

Sa Abril 2021 pa magkikinse anyos si Sofia Pablo na gumaganap bilang Lenlen o Donna Lyn.

Babalik pa ba si Sofia sa Prima Donnas, o magtatapos ito na waley siya?

Ang sabi ni Direk Gina, sakaling ma-extend muli ang Prima Donnas at pwede nang mag-taping si Sofia... babalik siya.

Isa pang tanong... kinukumusta ba si Sofia ng dalawa pang Prima Donnas na sina Jillian Ward at Althea Ablan? May panahon ba sila para mag-socialize kahit online lang?

Naku! Masasagot iyan ng pogilicious yummylucious na si Will Ashley!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gina Alajar on her grandchildren: "Buti nga, ngayon sila ipinanganak…siguro how many years from now, lalaki na sila, kaya na nilang tumakbo. Kaya na nilang magtago kung saan man… you know."
PHOTO/S: Noel Orsal / Screen grab from Zoom
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results