Ken Chan, challenging na naman ang role sa bagong teleserye nila ni Rita Daniela

by PEP Troika
Nov 9, 2020
Ken Chan and Rita Daniela will star in GMA-7's upcoming drama series Ang Dalawang Ikaw where they will play husband and wife. Ken's character is suffering from dissociative identity disorder.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7

JERRY OLEA

Matapos mag-shooting ng pelikulang Huling Ulan sa Tag-araw (formerly known as My First and Always) sa Pagsanjan, Laguna, kasado na ang bagong Kapuso series nina Ken Chan at Rita Daniela.

Ito ay pinamagatang Ang Dalawang Ikaw, kung saan ang karakter ni Ken ay may dissociative identity disorder.

Sa mental illness na ito, ang pasyente ay nagkakaroon ng multiple personalities.

Gaganap si Rita bilang Mia, ang asawa ng karakter ni Ken.

Dahil sa split personality ng kanyang asawa, magkakaroon si Mia ng kaagaw sa mister na gagampanan ni Anna Vicente.

Level-up ang RitKen matapos ang My Special Tatay at One of the Baes. Mature at seryoso ang papel dito ni Rita.

Nasa cast din ng teledrama sina Dominic Roco, Jake Vargas, Joana Marie Tan, at Jeremy Sabido.

Mainstays pa rin ang tambalang RitKen sa All-Out Sundays at The Clash Season 3.

GORGY RULA

Masuwerte si Ken sa mga challenging role kagaya ng transgender sa Destiny Rose (Setyembre 2015-Marso 2016) at ang karakter ni Boyet na may mild autism sa My Special Tatay (Setyembre 2018-Marso 2019).

Continue reading below ↓

Mukhang tuluy-tuloy na mamamayagpag hanggang 2021 ang tambalang RitKen kaya maingat ang GMA-7 sa pagtanggap ng projects sa kanila.

Kailangan ni Rita ng more proejcts para sa pagpapagamot sa mommy niya, at si Ken naman ay kailangan pa raw mag-ipon.

Pero hindi lahat ng projects ay susunggaban ni Ken alang-alang sa love team nila ni Rita.

Alam ko, meron sanang BL series na gusto siyang kunin, pero tinanggihan ng GMA at baka di iyon makatulong sa RitKen loveteam.

NOEL FERRER

Maganda iyan at may mga bagong teleseryeng sisimulan sa Kapuso network.

Aside from those mentioned, meron pang Carmina Villarroel, John Estrada, Kristoffer Martin, at iba pa na bagong soap din.

Samantalang sa ABS-CBN, may iWant projects na sisimulan din.

May storycon tonight, November 9, ang isang sitcom starring a revival love team.

Iyan na ang labanan sa TV ngayon, calculated risks. But whether major budget or not, sana ay good content lahat.

Continue reading below ↓

Good luck talaga!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ken Chan and Rita Daniela will star in GMA-7's upcoming drama series Ang Dalawang Ikaw where they will play husband and wife. Ken's character is suffering from dissociative identity disorder.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results