Not one, but three ang asawa ni Dennis Trillo sa cultural drama series na Legal Wives

by PEP Troika
Nov 9, 2020
Dennis Trillo will play a Muslim man who has three wives to be played by Alice Dixson, Andrea Torres, and Bianca Umali.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7

JERRY OLEA

Sumalang na sa look test ang cast members ng bigating Kapuso teleserye na Legal Wives.

Ang cultural drama series na ito ay pagbibidahan ni Dennis Trillo bilang Ishmael, isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw.

Iibig si Ishmael at mapapangasawa ang tatlong babae na sina Amirah (Alice Dixson), Diane (Andrea Torres), at Farrah (Bianca Umali).

Naunang sumabak sa look test sina Dennis, Bianca, at sina Cherie Gil at Al Tantay na gaganap bilang mga magulang ni Ishmael.

Nasa cast din ng Legal Wives sina Bernard Palanca, Kevin Santos, Maricar de Mesa, Juan Rodrigo, Irma Adlawan, Shayne Sava, at Adbul Raman.

Paano ba mapapanatiling payapa ni Ishmael ang kanyang buhay may-asawa? Ano ang kaya niyang isakripisyo upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya?

Kaabang-abang ang mga pagsubok na haharapin ni Ishmael dulot ng pagkakaiba ng lahi, kultura, at tradisyon sa Legal Wives.

Teka! Anyare kay Megan Young? Bakit pinalitan siya ni Andrea Torres?

Continue reading below ↓

Tuloy pa ba si Andrea sa Kapuso series na Sanggang Dikit na pagtatambalan sana muli nila ni Derek Ramsay? O shelved na muna itong Sanggang Dikit?

GORGY RULA

Maselan ang tema ng seryeng ito. Dapat na masusi nilang i-research ang ganitong kuwento. Mahirap na kapag nag-react ang mga kapatid nating Muslim.

May ilan tayong kasamahan sa showbiz na makaka-relate sa kuwentong ito.

Ang isang actress-politician ay nakipaghiwalay sa Muslim husband niya dahil hindi niya ma-take na may iba pang mga asawa ang kanyang asawa.

Isa ring dating young actress ang minsan ay nagtago dahil sa takot daw sa first wife ng nakarelasyon niya.

Hindi raw siya type ng first wife kaya natatakot siya at baka merong di magandang gawin sa kanya.

Teka, si Dennis kaya ay handa nang maging legal wife si Jennylyn Mercado? Totoo bang may ganoon na silang pag-uusap at pinaplano na?

NOEL FERRER

Maganda ang context na ito. At least, may malalaman tayo tungkol sa dynamics ng Muslim relationships.

Continue reading below ↓

Kaya tama ka, Tito Gorgy, ibayong research ang kailangan para accurate at faithful sa kulturang Muslim ang maipapalabas.

Ang tanong, set ba ito during this time of the pandemic, or generic lang?

I have yet to see a mainstream teleserye that tackles (and not ignore) the realities on how COVID affected people’s lives in the now.

Para kasing deadma ang lahat ng mga teleserye dito ngayon.

JERRY OLEA

Pangungunahan ni Dennis Trillo ang countdown special na Lazada 11.11 Super Show bukas, Nobyembre 10, Martes ng 11:00 p.m.-12:00 midnight sa GMA Network.

Magpe-perform dito ang Ben&Ben, SB19, at si Gloc-9.

Makikisaya rin ang Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose, Tom Rodriguez, Glaiza de Castro, Miguel Tanfelix, Ruru Mardid, Rocco Nacino, Camille Prats, LJ Reyes, Valeen Montenegro, Paul Salas, Lucho Ayala, at Prince Clemente.

Iho-host ito nina Iya Villania, Andre Paras, Sam YG, at Mimiyuuuuh.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo will play a Muslim man who has three wives to be played by Alice Dixson, Andrea Torres, and Bianca Umali.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results