NOEL FERRER
Pawang first-time Urian awardees ang mga nagwagi sa acting awards ng 43rd Gawad Urian nitong Nobyembre 10, Martes ng gabi.
Best actress si Janine Gutierrez para sa Babae at Baril.
Masaya tayo na nagwaging Best Actor si Elijah Canlas bilang best actor para sa Kalel, 15.
Habang posthumous honors kay Kristoffer King ang kanyang best supporting actor award para sa pelikulang Verdict.
Isa pang ikinatuwa natin ay ang pagkapanalo ni Yayo Aguila bilang best supporting actress para sa pelikulang Metamorphosis.
Puro announcement lang ang napanood natin sa social media broadcast nila sa DZUP Facebook page at YouTube channel, at sa FB page din ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino.
Nagpapasalamat tayo sa mga nakaraang Urian winners na sina Lorna Tolentino, Gelli de Belen, Iza Calzado, Cherie Gil, Cherry Pie Picache, Gladys Reyes, Angeli Bayani, Nadine Lustre, at Joanna Ampil pati na ang comprehensive na In Memoriam tribute sa awit ni Arman Ferrer.
Lahat iyan ay sa pagmamagandang loob ng mga artistang ginawa ito nang pro bono at bilang pagpapahalaga sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino, na sa gitna ng pandemya ay tuloy pa rin ang pagbibigay ng parangal.
Dahil walang puwang na mag-thank you speech, magkakaroon ng forum kasama ang mga piling Manunuri at ang winners sa aking Level Up program sa Radyo Katipunan sa Biyernes, Friday the 13th, ng 3:00-5:00 p.m.
Magandang maitanong sa Manunuri kung ano ang ikinaangat ni Janine kina Alessandra de Rossi para sa Lucid, Angie Ferro para sa Lola Igna, at Anita Linda para sa Circa.
Ilan pa sa tinalo ni Janine ay sina Bela Padilla para sa Mañanita, Jean Garcia para sa Watch Me Kill, at Kathryn Bernardo para sa Hello, Love, Goodbye.
Natalo rin para sa Best Actress award sina Max Eigenmann para sa Verdict, Nadine Lustre para sa Ulan, Ruby Ruiz para sa Iska, at Sue Prado para sa Alma-Ata.
Marami ring nagpapatanong kung bakit inisnab ng Manunuri ang international award-winning performance ni Judy Ann Santos sa Mindanao at ang pelikulang ito sa kanilang nominasyon.
Kaabang-abang ang balitaktakang ito sa Biyernes!
JERRY OLEA
Masaya tayo sa pagwawagi ng ating “baby” na si Elijah Canlas bilang best actor para sa Kalel, 15.
For sure, masaya at proud para sa kanya ang “baby” niya sa Pinoy BL series na Gameboys, si Kokoy de Santos.
Ikinagagalak din natin ang pagwawagi ni Yayo Aguila bilang best supporting actress para sa Metamorphosis. Hindi lang siya Laplap Queen, kundi de kalibreng aktres!
Heto ang kumpletong talaan ng winners sa 43rd Gawad Urian:
Best Picture: Babae at Baril
Best Actor: Elijah Canlas (Kalel, 15)
Best Actress: Janine Gutierrez (Babae at Baril)
Best Supporting Actor: Kristoffer King (Verdict)
Best Supporting Actress: Yayo Aguila (Metamorphosis)
Best Direction: Rae Red (Babae at Baril)
Best Screenplay: Jun Lana (Kalel, 15)
Best Cinematography: Tey Clamor (Babae at Baril)
Best Documentary: Miko Revereza (No Data Plan)
Best Short Film: Carla Pulido Ocampo (Tokwifi)
Best Production Design: Eero Yves Francisco (Babae at Baril)
Best Editing: Ilsa Malsi (Babae at Baril)
Best Music: Jude Gitamondoc, Cindy Velasquez, Cattski Espina (Huwebes, Huwebes)
Best Sound: Mikko Quizon, John Michael Perez, RJ Cantos (Mañanita)
Congrats sa lahat ng winners!
GORGY RULA
Sayang dahil parang dadaan lang itong awarding na ito na hindi namalayan ng karamihan.
Sana, tulungan na lang ang mga Manunuri na ikalat ito, at maipaliwanag sana sa mga napili nilang winners.
Pero ang mas inaabangan ngayon ay ang nalalapit na announcement ng apat pang official entries sa Metro Manila Film Festival.
Totoo bang hindi na raw talaga tuloy ang entry ni Vice Ganda na Praybeyt Benjamin 3?
Congratulations na rin sa lahat na nagwagi!
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika