Palayan ni Elizabeth Oropesa sa Albay, napinsala nang husto dahil sa super typhoon Rolly

by PEP Troika
Nov 11, 2020
Elizabeth Oropesa: “Normally, ipinamimigay ko ang mga ani nun, para sa mga magsasaka namin. Hindi ko ginagawang negosyo ‘yon. Kaya ngayon, nakakaawa iyong mga magsasaka namin, saka iyong mga Bikolano na nandoon. Kasi, wala akong maibibigay. Wala nang pananim, e."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Nanlumo si Elizabeth Oropesa sa pinsalang idinulot ng super-bagyong Rolly sa mga kababayan niya sa Guinobatan, Albay.

“Iyong aking palayan, hindi na matataniman,” malungkot na lahad ng beteranang actress sa mediacon ng Net25 romantic series na Ang Daigdig Ko’y Ikaw nitong Nobyembre 10, Sabado ng gabi, sa INC Museum, Quezon City.

“Kasi, natabunan ng lahar. Pag natabunan ng lahar, wala na ‘yon. Wala nang value. Wala na! Wala ka nang maitatanim doon!

“Nakita mo ba iyong sa Taal [Batangas]? May nakita ka bang pananim sa mga natakpan? Waley!”

Dalawang palayan ni La Oropesa ang nawalan ng halaga. Iyong isa, limang ektarya. Iyong isa pa, anim na ektarya.

“Hindi naman masyadong malaki. OK lang,” paghugot ni Elizabeth nang malalim na buntong-hininga.

“Normally, ipinamimigay ko ang mga ani nun, para sa mga magsasaka namin. Hindi ko ginagawang negosyo ‘yon.

“Kaya ngayon, nakakaawa iyong mga magsasaka namin, saka iyong mga Bikolano na nandoon. Kasi, wala akong maibibigay. Wala nang pananim, e.

Continue reading below ↓

“Before, there was one typhoon na natakpan din iyong palayan ko, pero hindi lahat, saka manipis lang. I think, panahon iyon ng Yolanda.

“Ngayon, todo! Todo yung lahar, e!”

Marami bang kamag-anak si Elizabeth sa Guinobatan? “Most of my relatives are abroad. Wala naman masyadong natitira dito. Iyong matatanda namin, wala na rin,” malumanay na pahayag ng aktres.

“Pero iyong mga bahay namin, lalo na iyong mga bahay ng mga matatanda namin—malalaki. Kasi, ancestral homes.

“So, yun. Kailangan kong makauwi. Para... Iyong last bagyo natin, ano ba yung bagyo natin before Quinta? Nakapagpadala naman ako nang kaunti.

“Nakapagpadala ako ng isang daang sako. Parang tulong.

"Ngayon... wala! Wala akong maibigay! Natakpan yung dapat ani na! Wala akong pambigay!

“Mabuti na lang, may hanapbuhay ako kahit paano palagi. Awa ng Diyos.”

Siyanga pala, mapapanood si Elizabeth bilang Mayor Etta Almazan sa Ang Daigdig Ko’y Ikaw. Bida sa seryeng ito sina Geoff Eigenmann at Ynna Asistio, sa direksiyon ni Eduardo Roy Jr.

Continue reading below ↓

Magpi-premiere ito sa Nobyembre 28, Sabado, 8:00 PM sa NET25. Labintatlong (13) episodes ang itatakbo ng istorya.

Nasa cast din nito sina Tanya Gomez, Richard Quan, AJ Muhlach, Arielle Roces, at Shiela Marie Rodriguez.

Sinulat ito ni Bing Castro-Villanueva, sa ilalim ng supervision ng writer-director na si Nestor Malgapo Jr.

GORGY RULA

Mahirap kay La Oro itong pinagdadaanan ngayon ng mga kababayan niya sa Albay.

Mabuti at tuluy-tuloy ang trabaho niya. Katatapos lang niyang i-tape itong bagong dramaserye ng NET25 na Ang Daigdig Ko’y Ikaw.

May pelikula siyang iprinodyus na isinumite niya sa finished films sa Metro Manila Film Festival 2020, ang ECQ Diary (Bawal Lumabas) kung saan bida sila ni Daria Ramirez.


Continue reading below ↓

Malapit na rin siyang mag-resume ng taping para sa Agimat ng Agila sa GMA-7.

Tila laging may konek sa Agila itong mga trabaho ngayon ng aktres. Nasa Eagle Broadcasting Corporation (EBC) ang NET25 na pagpapalabasan ng Ang Daigdig Ko’y Ikaw.

Naalala ko tuloy na nakaw-eksena siya noon sa pelikulang Aguila (1980) na pinagbidahan ni Fernando Poe Jr.

Sa kabila ng mga pinagdaanan niya ay nanatili siyang matatag.

Patuloy pa rin siyang lumilipad at nakikipaglaban sa dami ng unos na hinarap niya. Iniisip pa rin niya ay kung paano makatulong.

Bukod sa mga magsasakang nabibigyan niya ng kabuhayan sa kanyang lupain sa Albay, dito naman sa ilang mga nagtatrabaho sa movie industry ay kahit paano ay naaabutan niya ng ayuda.

“Yung ating mga extra, mga bit players, binibigyan ko iyan ng tigta-tatlong kilong bigas, pampers, sardinas.

“Yung iba lang, nanghihingi ng…. ano ba yun? Ayaw nila ng tuyo!” natawa niyang pahayag.

Continue reading below ↓

“Gusto nila, karne norte. ‘Konti lang kayo na mabibigyan ko ng karne norte.’

“Yung staff ko, yun ang nangagalaiti. ‘Sobra naman sila, nanghihingi na nga namimili pa!’ E, yun, wala akong mabigay. Kasi, sunud-sunod, e, tinamaan din ako eh,” sabi pa ni La Oro.

Hindi ito alam ng karamihan dahil hindi raw pinu-publicize ang mga nabibigyan niya ng tulong.

NOEL FERRER

Manalangin tayong hindi na lumakas ang paparating na bagyong Ulysses at hindi na tamaan ang Bicol region ulit.

Nakakalungkot lang na ang huling weather bulletin at NDRRMC Alert ay nagsasabing baka posible tayong maapektuhan ng storm surge at aabot ng isa hanggang dalawang metro ang taas sa baybaying dagat ng Las Piñas, Pasay, Parañaque, Manila, at Navotas.

Pinalilikas na ang mga tao sa mas matataas na lugar.

Sana, tulad ng panalanangin ni La Oro, wala nang dagdag pinsala pa sa parating na bagyo.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elizabeth Oropesa: “Normally, ipinamimigay ko ang mga ani nun, para sa mga magsasaka namin. Hindi ko ginagawang negosyo ‘yon. Kaya ngayon, nakakaawa iyong mga magsasaka namin, saka iyong mga Bikolano na nandoon. Kasi, wala akong maibibigay. Wala nang pananim, e."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results