Watch Now

Para kay Janno Gibbs, mas kalaban ng Happy Time ang Lunch Out Loud kesa Eat Bulaga at It's Showtime

by PEP Troika
Nov 11, 2020
Janno Gibbs, nilinaw ang hosting style sa Happy Time ng Net 25: “Never naman akong naging green talaga. Hindi naman iyon ang style ko talaga, e. Pero ganun pa man ay nagpapakabait pa rin ako.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Happy Time

JERRY OLEA

Behaved si Janno Gibbs sa Monday-Friday noontime show ng Net 25 na Happy Time, na nag-umpisa noong Setyembre 14.

“Good! Happy kami!” nakangiting bulalas ni Janno nang makausap namin nitong Nobyembre 10, Sabado ng gabi, sa INC Museum, Quezon City.

“Happy kami dahil sa lahat ng feedback ng mga tao. Makikita mo naman sa mga comments, e.

“Pati ang management, haping-happy sa amin... si Ka Jun. Para mapasaya namin si Ka Jun, e, OK na kami.”

Disiplinado raw si Janno sa Happy Time.

“Siyempre!” natatawang sambit ni Janno, na ang handle sa Instagram ay @jannolategibbs.

Kilala kasing madalas ma-late ang comedian-TV host.

Pero paglilinaw ni Janno, “Hindi! Matagal na akong di ganun. Kahit sa shooting, hindi na ako nale-late.”

Naramdaman ba niya ang competition ng daily noontime shows? Andiyan ang Eat Bulaga ng GMA-7, Lunch Out Loud ng TV5, It’s Showtime ng A2Z Channel 11, at magkakaroon din ang PTV 4.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre, meron pa rin iyan,” pag-amin ng simpatikong singer-comedian.

“Pero feeling ko, hindi naman kami kasali doon dahil maliit lang kami, di ba? Bago lang kami. Bago pa lang ang Net 25, e.

“So, feeling ko, ang magkalaban Eat Bulaga at Showtime, at siguro, kami at TV5. Siguro.”

Binabanggit pa nila sa Happy Time ang mga kalaban nilang noontime show?!

“Oo, kinukumusta namin sina Tito, Vic & Joey! Hahahaha! Lahat, binabanggit namin. Kasi nga, hindi kami...

“Alam namin na, unang-una, wala pa ang Net 25 sa TV Plus. Wala pa sa Affordabox. Wala pa, e. So, hinihintay pa namin ‘yon.

“So, alam namin iyong limitations namin.”

Ang tinutukoy ni Janno ay analog broadcasting pa lang sa ngayon ang Net 25, kaya hindi pa available sa digibox, na digital signal ang nasasagap na channels.

Pero agresibo ngayon ang Net 25. Maraming bagong show, gaya ng romantic drama series na Ang Daigdig Ko’y Ikaw na mag-uumpisa sa Nobyembre 28, Sabado ng 8:00 p.m.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May budget ang Net 25!

“Maganda ang budget dito,” masayang lahad ni Janno. “At saka nakikita namin iyong lakas namin sa Facebook saka sa YouTube. Kasi, may live din doon, e.”

Solid ang suporta sa kanila ng Iglesia Ni Cristo televiewers.

“Siyempre! Pero nakakatuwa, kahit hindi INC, naa-appreciate naman nila. Kasi, dahil INC ang nasa likod nito, wholesome,” paliwanag ni Janno.

“Iyong mga bata, nag-e-enjoy.”

Siyempre rin, kontrolado o limitado ang humor niya sa Happy Time.

“Never naman akong naging green talaga,” pagmamatwid ni Janno.

“Hindi naman iyon ang style ko talaga, e. Pero ganun pa man ay nagpapakabait pa rin ako.”

Enjoy na enjoy si Janno sa portion niyang "Janno Gives."

Paglalarawan niya sa segment na iyon, “One-on-one interview. 'Tapos, makiki-jamming ako with the guest. Maganda ang mga naging guest ko na.

“Si Vina Morales, si Tina Paner, Faith Cuneta... marami.”

Swak na swak ang tandem nila ni Anjo Yllana noon pa man, kaya wala nang adjustment sa paghu-host nila sa Happy Time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong una ay medyo naiilang pa si Janno sa co-host nilang si Kitkat, pero mabilis nila itong naka-jive.


GORGY RULA

Sa totoo lang, bagay sina Janno, Kitkat, at Anjo sa Happy Time.

Ang nakakatuwa sa kanila, nakikita mo namang wala silang ka-pressure-pressure at nag-e-enjoy lang sila sa kanilang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

So far, eto pa lang Happy Time ang show ni Janno sa Net 25.

Pero open si Janno na magkaroon ng isa pang show, at yun din sana ang gusto ni Anjo.

Bagay ngang magkaroon silang dalawa ng sitcom, pero bago ang konsepto.

Samantala, naudlot pala ang pagpapakasal ng panganay na anak nina Janno at Bing Loyzaga na si Alyssa Gibbs.

Inabot kasi sila ng pandemya, kaya di muna itinuloy ang kasal sa Australia.

Baka next year raw ituloy dahil nakapag-deposit na sa suppliers. Kaya kailangan talagang ituloy.

NOEL FERRER

Napapanood ko paminsan-minsan ang palabas nina Janno, Anjo, at Kitkat at tama kayo, parang masaya lang sila at walang ka-pressure-pressure.

Sana, Janno gets to showcase his singing talent in the show more dahil aminin natin na he has one of the best voices we have sa ating music scene.

Sana, tumagal pa ang show nila dahil it creates jobs and gives good vibes and yes, nagbibigay ng ayuda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alam naman ninyong sa panahon ng pandemya, pahabaan talaga ng pisi—kaya, support natin yung efforts na pagaanin ang pasan natin sa buhay!!!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janno Gibbs, nilinaw ang hosting style sa Happy Time ng Net 25: “Never naman akong naging green talaga. Hindi naman iyon ang style ko talaga, e. Pero ganun pa man ay nagpapakabait pa rin ako.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Happy Time
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results