Wendell Ramos, di maiwasang maikumpara sa anak na si Saviour Ramos

by PEP Troika
Nov 11, 2020
Wendell Ramos (left) to son Saviour Ramos: "You have to be proud kung anong meron ka. Hindi mo ako kailangang i-compare sa ‘yo, kasi ang bawat tao, may kanya-kanyang opinyon."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Suportado ni Wendell Ramos ang pagpasok sa showbiz ng anak niyang si Saviour Ramos.

Ipinakilala si Saviour sa Episode 8 (“Neo & Omar”) ng Unlocked anthology ni Direk Adolf Alix Jr., na nag-streaming umpisa Setyembre 3 sa GagaOOLala. Kapartner doon ni Saviour si Miggs Cuaderno.

Medyo pa-sexy na roon si Saviour, kaya hindi naiiwasang maikumpara ang kakisigan niya sa kanyang ama.

Nabanggit ni Wendell sa nakaraang mediacon ng teledramang Prima Donnas na minsan ay napapag-usapan nila iyon at nagtatanong daw ang kanyang anak bakit hindi niya ito kasimputi at kasintangkad.

Hindi naiwasang nagsa-suffer in comparison si Saviour dahil sa edad na ito ni Wendell, nandiyan pa rin ang kakisigan niya. Maputi siya at talaga namang flawless.

Inamin ni Saviour na mas makinis talaga ang Papa niya kesa sa kanya.

Sabi ni Wendell sa kanyang anak, dapat mahalin nito ang sarili at magpasalamat sa kung anong kaguwapuhan ang ibinigay rito ng Diyos.

Continue reading below ↓

“Sabi ko na lang sa kanya, kung anong meron ka, you have to accept and embrace it.

“Kailangan mong mahalin ang sarili mo. Hindi mo kinakailangang i-compare ang sarili mo kung kanino man.

“Kasi, alam kong in time, kung gusto man niyang pumunta sa showbiz, hindi talaga maiwasang ma-compare siya sa akin.

“So from there, sana mag-sink in sa kanya yung sinasabi ko sa kanya na it doesn’t matter kung mai-compare ka kahit kanino. As long as you love yourself and naniniwala ka sa sarili mo. Dahil wala namang perpektong tao talaga.

“Ang masasabi ko na lang diyan, just be grateful na may trabaho siya, ang iku-compare talaga siya sa akin, hindi ko alam, e, kung ano ang isasagot.

“Basta, ang lagi ko lang sinasabi sa kanya, kapag makausap ko siya ulit… yun lang ang sasabihin ko sa kanya, be grateful kung anong meron ka.

“You have to be proud kung anong meron ka. Hindi mo ako kailangang i-compare sa ‘yo, kasi ang bawat tao, may kanya-kanyang opinyon,” saad ni Wendell.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

I love Wendell Ramos from before, at kasama na riyan ang pagmamahal ko sa anak at pamilya niya, at naka-support ako sa lahat ng mga ginagawa niya.

In fairness kay Wendell, he has been very productive during this pandemic.

He was really hell bent on improving himself, at kitang-kita iyan sa kanyang fitness at wellness regimen.


Continue reading below ↓

Naging busy rin siya sa maraming endorsements at kapuri-puri ang pagkaka-develop niya ng foodline na Wendelli Meat Products.

And what is more admirable is that, he has his family and faith intact.

Kaya bilib ako na sa mga alaga ni Tito Douglas Quijano before na mga guys, I think it’s Wendell who’s following the footsteps of another person we all love and has been a great self-made man... si Mayor Richard Gomez.

Basta, I am still looking for the chance to have a breakthrough project with my dear friend Wendell!!!

JERRY OLEA

Kapana-panabik ang pagsasapelikula ng life story ni Joed Serrano entitled Joed, with Wendell in the title role.

Bahagi ng istorya nito ang panahong pokpok o marupok si Joed. Maghuhubad pa rin kaya rito si Wendell, o ipapaubaya niya iyon kay Charles Nathan na gaganap bilang young Joed?


Continue reading below ↓

Joed Serrano, Charles Nathan, and Wendell Ramos

Abang-abang din tayo sa pagganap ni Saviour sa nine-episode BL series na Happenstance, starring Kiko Ipapo and Jovani Manansala.


Kiko Ipapo (left) and Savior Ramos

Gaya ng Unlocked anthology ay idinirek ito ni Adolf Alix Jr., at mag-i-streaming sa GagaOOLala.

Sabi ni Direk Adolf, marunong talagang umarte si Saviour.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wendell Ramos (left) to son Saviour Ramos: "You have to be proud kung anong meron ka. Hindi mo ako kailangang i-compare sa ‘yo, kasi ang bawat tao, may kanya-kanyang opinyon."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results