Watch Now

Child actor Kenken Nuyad, nagmakaawang humingi ng tulong matapos ang pinsala ng Typhoon Ulysses

by PEP Troika
Nov 12, 2020
Child actor Kenken Nuyad, ipinakita na napuno ng putik ang lugar nila sa San Jose, Rodriguez, Rizal matapos humupa ang bahang dulot ni Typhoon Ulysses.

GORGY RULA:

Sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Ulysses sa Kamaynilaan, tuloy pa rin ang taping ng afternoon drama ng GMA-7 na Bilangin ang Bituin sa Langit nitong Nobyembre 12, Huwebes.

Pinagbibidahan ito nina Kyline Alcantara at Nora Aunor.

Sa San Mateo, Rizal sila naka-lock-in pero mabuti na lang at mataas daw ang lugar nila kaya hindi sila binaha roon.

Nakikita raw nilang lubog na sa baha ang mga kalapit na bayan, kaya hindi rin sila makalabas doon at wala silang madadaanan.

Kahit tuluy-tuloy ang malakas na ulan at hangin, itinuloy pa rin nila ang taping pero pawang interior shots lang.

Hopefully, maganda na raw ang panahon bukas para exterior shots naman ang kukunan.

Kailangan daw nilang tapusin ang natitirang dalawang araw ng taping, dahil may commitment na ang ibang artista.

Nagpapasalamat pa rin sila dahil wala raw nagkakasakit sa mga artista at production staff kahit nababasa pa ng ulan ang ilan sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TV5 SERIES PAANO ANG PASKO

Mahirap naman ang pinagdaanan ngayon ng Christmas serye na ginagawa ng The IdeaFirst Company na Paano ang Pasko, na magsisimula na sa TV5 sa November 23.

Ayon sa producer at direktor din nitong si Perci Intalan, magsisimula na raw sana sila ngayong araw ng second cycle ng lock-in taping nila sa San Pablo City, Laguna.

Dahil sa Bagyong Ulysses, hindi na muna pinapunta roon ang mga artista.

Pero nandoon na raw ang production staff, kaya nasa mga hotel room na lang muna sila hanggang sa maging okay na ang panahon.

Medyo worried na si Direk Perci dahil naka-schedule na ang pilot episode at hindi pa raw nila ito natatapos.

“Laban lang. Tuloy ang Pasko,” bahagi ng text message sa akin ni Direk Perci.

KAPUSO SERIES PRIMA DONNAS

Ang Prima Donnas, na kababalik lang sa lock-in taping din sa Antipolo, ay na-pack up ngayong araw.

Pinagbibidahan ito nina Jillian Ward, Althea Ablan, Katrina Halili, Aiko Melendez, at Wendel Ramos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bida rin dito si Sofia Ablan, pero hindi na ito bahagi ng cast na nagbalik-taping, alinsunod sa iwas-COVID safety protocol para sa mga minor.

Marami silang exterior shots, kaya nag-decide na lang muna silang magpahinga sa kanilang tinutuluyan, at sana raw magagawa na nila ito bukas.

Maingat ang buong grupo ng Prima Donnas dahil may mga bagets pa silang kasama at kailangan silang maproteksyunan.

JERRY OLEA:

Nobyembre 11, Miyerkules ng gabi, nag-promote pa ang child actor na si Kenken Nuyad sa Facebook ng short film nila ni Teri Onor, ang Biyaheng Madilim. Sinulat at idinirek ito ni Louie Ignacio.

Kalahok iyon sa international film fest na Manhattan Virtual Events 2020.

Pagkalipas ng hating-gabi, nag-post si Kenken sa Facebook tungkol sa Bagyong Ulysses.

Aniya, “O my brownout na Keep safe everyone Papa GOD'S.”

Hanggang sa nag-post siya ng update na kabilang sa mga lubhang nasalanta ng bagyo ang kanilang bahay.

Huwebes ng umaga, November 12, ito ang FB post ni Kenken, “Tulungan nyo po kami hanggang bubong na po ang baha Dto sa amin [4 crying emojis].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-FB Live kapagkuwan si Kenken bilang panawagan na sila ay bigyan ng saklolo upang makalikas sa lugar.

Then, nag-post ng pictures kung gaano kataas ang baha sa kanilang lugar.

Ani Kenken, “Plsss please nagmamakaawa po ako sa inyo tulungan nyo po kami wala papong rescue plsss Blk 12 phase 1k kasiglahan San Jose Rodriguez Rizal Kenken Nuyad po.”

Naiulat sa Unang Hirit ng GMA-7 ang panawagan ni Kenken.

As of 4:43 p.m., naroon pa rin sa San Jose, Rodriguez, Rizal si Kenken.

Ipinakita ni Kenken sa latest Facebook Live niya na bumaba na ang tubig-baha sa kanilang lugar.

Pero puno ng putik ang loob ng bahay na makikita sa kanyang video.

Lahad ni Kenken: "Kanina pa po kami tumatawag ng rescue, hanggang sa humupa na lang po, wala po.

"Kaya po hindi na ata kailangan ng rescue kasi humupa na po, puro putik na lang po."

Nanawagan naman si Kenken na sana ay may magsagawa ng relief op sa kanilang lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Problema namin po ngayon, wala po kaming pagkain po, kasi di kami nakapag-ready po.

"Wala po kaming damit kasi di namin akalain na uulan nang ganun kalakas po. Kaya po lahat ng damit namin na-wash out po."

Itinuro rin ni Kenken ang maliit na gasgas sa kanyang binti.

"Nasugatan po ako kanina kasi po na-shoot ako sa kanal," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Grabe, kahit kami man ng talent kong si Atom Araullo, na naghahanda para sa kanyang The Atom Araullo Specials this weekend, ay nabalam ang pag-e-edit dahil sa kasagsagan ng Bagyong Ulysses.

Nagsibuwal ang mga puno sa bandang UP Diliman area, at ang signage ng isang fast food sa Katipunan Avenue, Quezon City ay wasak nang bumagsak.

Grabe ang sinapit natin. While we were prepared and spared sa Bagyong Rolly, heto at naging direct hit tayo ng Bagyong Ullyses.

At nakaka-miss ang reports ng ABS-CBN, dahil mas marami sanang matutulungan ang mga TV network na mga taong hirap ang kalagayan, lalo na ngayong panahon ng kalamidad.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Child actor Kenken Nuyad, ipinakita na napuno ng putik ang lugar nila sa San Jose, Rodriguez, Rizal matapos humupa ang bahang dulot ni Typhoon Ulysses.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results