Ogie Diaz, may sentimiyento sa kakulangan ng aksyon ng gobyerno; celebs patuloy ang tulong at dasal nitong Typhoon Ulysses

by PEP Troika
Nov 13, 2020
Ogie Diaz, lubhang nag-alala para sa mga nasalanta ng Typhoon Ulysses: “Sobra-sobra nang pagsubok itong dumarating sa atin, dagdagan pa ng pag-challenge sa atin ng ibang incompetent na nakaupo... Sa totoo lang, nakakaawang makita ang mga kababayan nating helpless..."
PHOTO/S: Jerome Ascaño for PEP.ph / Ogie Diaz Facebook

JERRY OLEA:

Hindi napigilan ni Ogie Diaz na maglabas ng sentimiyento sa umano'y kakulangan ng aksyon ng gobyerno sa gitna ng pananalasa ng Typhoon Ulysses.

Mula gabi ng Miyerkules, November 11, hanggang maghapon ng Huwebes, November 12, sinalanta nang husto ng bagyo ang Metro Manila at mga karatig-bayan.

Kaya marahil ganoon na lang ang pag-aalala ni Ogie.

Sa pamamagitan ng mahabang Facebook post, himutok ni Ogie (published as is):

“Sawa na tayo sa kwentong barbero. Tama na yan, huhuhu. Baka pwedeng kilos-kilos naman. Kung di na kaya ng katawan at isip, ipasa na sa may kakayahan.

“Di na ito joke lang, kaya sana, sumeryoso na ang mga nakaupo. Susunod naman siguro ang karamihan kung tama ang advise, kung may punto at may direksyon.

“At kung totoong nagbibigay ng pag-asa at nagpapalakas ng loob ng mga kababayan nating biktima ng kalamidad.

“Juice ko po, sobra-sobra nang pagsubok itong dumarating sa atin, dagdagan pa ng pag-challenge sa atin ng ibang incompetent na nakaupo."

Continue reading below ↓

Hindi raw maintindihan ni Ogie kung bakit tila hindi raw ramdam ng taumbayan ang malasakit ng pamahalaan.

“Naniniwala akong kaya naman kung nasa puso ang pagtulong at pakikiramay na sana ay nararamdaman ang presensya at malasakit.

“Kaya madalas kong marinig, ‘Tayo-tayo na lang talaga ito. Wag na tayong umasa pa sa ibang tao na dapat sana ay nakakapitan natin.’

“Sa totoo lang, nakakaawang makita ang mga kababayan nating helpless at mga NGO at mga pribadong indibidwal pa ang gumagawa ng effort para tumulong. Kasama ang ibang LGUs na masigasig ding ginagampanan ang kanilang tungkulin."

Sobrang naalarma si Ogie na makita ang dami ng mga kababayang nalubog ang mga bahay at ari-arian.

“Nakakalungkot nang sobra yung makakita ka ng mga videos at pictures na buong bahay ay nilamon na ng baha at bubong na lang talaga ang natitira at yung iba’y sa bubong na lang nakatira.

“Haaaay... kelan ba matatapos ang unos na ito? Siguro nga, lalo na lamang nating paigtingin ang ating dasal. Na sa dulo ng kadilimang ito ay makikita pa rin natin ang liwanag.

Continue reading below ↓

“Kaya sa totoo lang, hindi na ako nagrereklamo kung may tulo man ang bubong ng bahay ko.

“At least, hindi ako.”

ELIZABETH OROPESA

Si Elizabeth Oropesa, na kilalang avid supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte, tiyempong may post naman tungkol sa mga netizens na bumabatikos sa gobyerno.

Shout-out ni Elizabeth Oropesa nitong Thursday night sa Facebook, (published as is): “Sana po, Magtulungan muna tayo. Tama na ang pagbatikos.

"Ang mga kinauukulan ay kumikilos. Hindi lang kaya sabay-sabay.

"Kumpara nyo nman sa Yolanda! Bumaho na ang mga patay sa gilid ng kalye hindi pa rin kinuha."

GMA KAPUSO FOUNDATION

Sa kabilang banda, tuluy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF) sa mga kababayan nating nangangailangan.

Hindi pa man natatapos ang kanilang ‘Operation Bayanihan’ relief operations para sa mga nasalanta ng magkakasunod na bagyong Rolly, Siony, at Tonyo, ongoing na rin ang pagtulong nila sa mga biktima ng bagyong Ulysses.

Walang tigil ang pagkilos ng GMAKF para makapagdala ng agarang tulong at donasyon para sa mga na-evacuate sa iba’t ibang parte ng Metro Manila, mga karatig-probinsya nito, at iba pang lugar sa Luzon.

Continue reading below ↓

Sa Operation Bayanihan, naghatid sila ng mga pagkain, damit, mahihigaan, at hygiene kits.

Nitong Huwebes, Nobyembre 12, nagsagawa din ang GMAKF ng Kapuso Soup Kitchen para sa isang libong residente sa Barangay Tatalon, Quezon City, na nag-evacuate sa isang public elementary school malapit doon.

Ayon sa foundation, agad din nilang pupuntahan ang iba pang mga lugar na apektado pagkahupa ng baha sa mga daan.

GORGY RULA:

Sa ganitong pangyayari, talagang masigasig ang ating mga kababayan sa pagpapaabot ng tulong kung kaya lang nila.

Lalo na ang mga kilalang celebrities, kahit sa pag-post sa kanilang social media account ay nakakatulong pa rin kahit paano.

Pero ano na naman kaya ang masasabi ng mga DDS (Diehard Duterte supporters) sa nagti-trendi ngayon sa Twitter na "#UselessPH" at "#LunurinSaTubigBahaSiDuterte"?

Sana, may magpapakita na bukas o may maririnig din naman tayo mula sa ating Pangulong Duterte.

NOEL FERRER:

Ang grupong AKTOR o League of Filipino Actors ay nagpakita rin ng magandang initiative sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Continue reading below ↓

Pinuri ito ni John “Sweet” Lapus sa kanyang social media account.

“Agad-agad ang AKTOR.ph. Nakakaproud. Will update soon kung paano kayo makakatulong. Mabuhay ang Aktor!” sabi ni Sweet, na kasama sa Christmaserye ng TV5 na Paano Ang Pasko.

Hanggang ngayon, wala pa ring kuryente sa amin. Halos 24 oras nang wala kaya ang hirap.

Pero mas mahirap pa rin ang dinaranas ng ibang mga kababayan natin.

Wala nang pasok bukas sa eskwelahan at opisina sa Kamaynilaan.

Tama ka, Tito Gorgy, habang si VP Leni Robredo ay nag-iikot hanggang ngayon sa Marikina, San Mateo, at Montalban, hinahanap na naman ng mga tao ang Presidente natin.

Kaya naman ang premyadong manunulat na si Elmer Gatchalian ng The IdeaFirst Company ay hindi na napigilang mag-tweet ng, “Ang gobyerno natin, magaling lang talaga sa pagpatay. Walang husay pagdating sa pagliligtas ng buhay.”

JERRY OLEA:

Patuloy namang nanawagan ang iba’t ibang bituin at personalities sa social media upang saklolohan ang mga kababayan nating naaapektuhan ng Typhoon Ulysses.

Continue reading below ↓

SHARON CUNETA

Facebook post ni Sharon Cuneta (published as is): “Nakakapanlumo po ang napapanood ko sa news ngayon tungkol sa nasalanta ng bagyong Ulysses... I pray that you are all safe... at doon po sa lahat sa inyong naapektohan... nakakadurog naman po ng pusong isipin...

“Napakarami na nating mga kababayan ang tinamaan ng lahat na yata ng klaseng dalubyo mula nung pumasok ang 2020...

“May God have mercy on us and keep us safe... Mahal ko po kayo. Idadasal ko po kayong lahat ng mataimtim...”

RAFFY TIMA

Ang Kapuso broadcaster na si Raffy Tima na nagbabalita sa Bataan, updated sa mga kaganapan doon.

Pahayag niya: “Hard to remove myself from my iPad, tons of messages asking for immediate rescue, forwarding it to concerned agencies. Hoping they can respond.

“Hope emergency units from areas not affected by #UlyssesPH can also help. Most messages needing rescue are from Marikina, Rizal, Bulacan...

“Bataan yet again spared from a typhoon. Praying for the places that were not, especially those that got hit several times.”

Continue reading below ↓

RURU MADRID

Tweet ng INC member na si Ruru Madrid para sa mga taga-Marikina City, “Sa aking mga kababayan, malalampasan din po natin ito! Manalig lamang tayo sa Ama!”

GABBI GARCIA

Sa Twitter ay panay din ang retweet at panawagan ni Gabbi Garcia, “Please send HELP!”

CHEF JAM MELCHOR

Nanawagan naman si Chef Jam Melchor na mag-donate ng pagkain at inumin para sa relief ops sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.

“For friends in the food and beverage industry within NCR -- as per Philippine Red Cross we have a record of 2,769 fam/ 11,330 individuals in different evacuation centers that we need to feed tonight and tomorrow morning.

“Please help us by sending cooked food/pre-packed meals. Drop me a message.”

May pa-feeding program din si Chef Myke Tatung sa Marikina.

Panawagan ni Chef Tatung sa Facebook nitong Thursday night, “We'll need more hands this weekend for relief operations. Just comment here.”

Continue reading below ↓

CHAD KINIS

Facebook post ng gay comedian na si Chad Kinis nito ring Thursday night: “Sino po mga taga rizal at marikina?

"Pde po hingi update kung ano need ng mga tao sa evacuation area?

"We'll send help as much as we can.”

DULCE

Panalangin ni Dulce sa Facebook nitong Huwebes ng gabi, “Praying for everyone in Bicolandia, all of Quezon, and all affected areas. Lord’s comfort and strength be upon you.”

ANGELINE QUINTO

Facebook post ni Angeline Quinto nitong Thursday night kaugnay sa pumanaw niyang ina, “Mama Bob, di ko muna pinatuloy ang cremation mo ngayon ha.

"Ang lakas kasi ng hangin at ulan kanina, e. Alam ko naman ayaw mo yun e.

“Bukas na lang mamabob ha. Iloveyou very much mama. Sobra Ma...”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Diaz, lubhang nag-alala para sa mga nasalanta ng Typhoon Ulysses: “Sobra-sobra nang pagsubok itong dumarating sa atin, dagdagan pa ng pag-challenge sa atin ng ibang incompetent na nakaupo... Sa totoo lang, nakakaawang makita ang mga kababayan nating helpless..."
PHOTO/S: Jerome Ascaño for PEP.ph / Ogie Diaz Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results