Aktres at aktor, patuloy ang relasyon kahit sinasabing hiwalay na sila

by PEP Troika
Nov 14, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Nag-back out ang gandarang aktres sa isang TV series kung saan mapaghamon ang gagampanan niyang papel.

Pagkakataon iyon ng gandarang aktres para lalong magningning ang kanyang bituin, pero pinakawalan niya nang walang panghihinayang.

Lumutang na kaya umatras ang gandarang aktres sa proyekto ay dahil sa mangingibig niyang dakilang aktor.

Sabi-sabi, ayaw ni dakilang aktor ipagawa kay gandarang aktres ang TV series dahil hitik ito sa mga eksenang nakakapag-init.

Kinontra iyon ng kampo ng gandarang aktres.

Kesyo hiwalay na ang gandarang aktres at ang dakilang aktor, at may bagong binatang nagpapaligaya sa gandarang aktres.

Kesyo ayaw pa ng gandarang aktres na magtrabaho dahil takot ito sa COVID-19, at isinasaalang-alang ang kaligtasan ng kanyang pamilya.

Napabalitang may gagawing pelikula ang gandarang aktres. Hindi malinaw kung kailan iyon sisimulan kaya walang violent reactions ang mga nanalig sa hanash ng gandarang aktres.

Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Sisingaw at sisingaw ang katotohanan, kahit pilit mo itong pagtakpan.

Continue reading below ↓

Tinawagan kamakailan ang dakilang aktor ng mga kasamahan niya sa isang organisasyon upang sumunod sa biglaang miting nila. Importante ang kanilang agenda. Umoo agad ang dakilang aktor.

Maya-maya, tumawag ang dakilang aktor. Hindi siya makakasunod. Ayaw kasi siyang paalisin ng babaeng kapiling niya nang mga sandaling iyon.

Ipinagdiinan ng kasamahan ng dakilang aktor na importante ang pag-uusapan nila.

Nag-speaker phone ang dakilang aktor para marinig ng mga kasamahan niya ang babae. Nagsalita ang babae na hindi pwedeng umalis ang dakilang aktor.

“Sino ka?” tanong ng isa sa mga kamiting.

Magalang na nagpakilala ang babae... na walang iba kundi ang gandarang aktres.

GORGY RULA

Inggit na inggit ang mga kasamahan ng dakilang aktor. Sa kabila kasi ng edad nito, ang gaganda ng mga babaeng nahuhumaling dito.

Kapit-tuko pa rin ang gandarang aktres, kahit ang dami nang nagsasabing nakipaghiwalay na ito sa dakilang aktor na kaybangis ng kisig.

E, ang drama rin ni dakilang aktor, kesyo hiwalay na sila ni gandarang aktres at nag-move on na sa isa’t isa.

Continue reading below ↓

Minsan ay namataan ang dakilang aktor sa isang pagtitipon na may kasamang sariwa, masabaw, at maalindog na model. Pero sila na naman pala uli ni gandarang aktres.

Ikaw na, pare! Iba ka!

NOEL FERRER

Ano nga ba ang kamandag ng dakilang aktor na ito na kilala sa kanyang p and f speech?

It’s a pack na peyborit siya talaga ng mga pemale fantasya ng madlang fifol!

It might all boil down to self-worth. Baka sa kanya natagpuan ng pemale istar ang magfafataas ng value niya sa buhay.

Truly, water finds its level.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results