Ogie Diaz, may mensahe sa bashers na nagta-tag sa kanyang Dilawan

by PEP Troika
Nov 15, 2020
Ogie Diaz: "Pero sana naman pag magtataray, tama ang mga spelling at grammar para naman maiparamdam nyo kahit konti sa mga makakabasa ng comments nyo na may natutunan kayo sa English at Filipino teachers nyo."
PHOTO/S: Instagram

VicJERRY OLEA

Finorward ko sa kaibigang Ogie Diaz noong Nobyembre 13, Biyernes ng madaling-araw, ang nasulat natin dito sa PEP Troika na sentimyento niya sa kakulangan ng aksyon ng gobyerno kaugnay sa pananalanta ng bagyong Ulysses.

Nabasa na pala niya iyon, at pinutakti siyang muli ng bashers.

Himutok pa ni Ogie, “Lagi naman akong naookray pag nasusulat ako sa pep eh. Hehehe. We really cannot please everybody.”

Nitong Nobyembre 15, Linggo ng madaling-araw, heto ang Facebook post ni Ogie:

“Sa mga bashers na dini-dm at tsina-chat pa ako para murahin lang ako, wala kayong mahihitang reaksyon sa akin kundi BLOCK agad.

“Du’n sa mga nag-i-insist na Dilawan ako at mag-a-unsubscribe daw sa youtube channel ko at mag-a-unfollow pa sa facebook ko, wag na kayo magpaalam, gawin nyo na lang.

“Kasi pag nagsasabi pa kayo, inuunahan ko na kayo ng BLOCK para gumanda na ang araw nyo at hindi na ako ang maging sanhi ng hypertension ninyo.

Continue reading below ↓

“Du’n naman sa mga commenters sa mga online news na inookray ako pag me naba-viral na post ko, okay lang yon.

“Pero sana naman pag magtataray, tama ang mga spelling at grammar para naman maiparamdam nyo kahit konti sa mga makakabasa ng comments nyo na may natutunan kayo sa English at Filipino teachers nyo.

“Du’n sa vlogger na ubo nang ubo pag nagla-live sa youtube, pa-check up ka na, teh. Baka kung ano na yan. I-prioritize mo yang ubo mo. Di bale sana kung gumiginhawa ang pakiramdam mo pag ginagamit mo ako.

“Pero wa echos. Okay lang na okrayin mo na ako nang okrayin para tumaas naman ang subscribers mo. At least, nakatulong ako sa yo. [crying while laughing emoji]

“Ay, oo nga pala. Kaya panay ang bira kasi a-kinse na pala. Hahanapan na naman sila ng ‘paninira post’ ni Bossing bago makasweldo. [three crying while laughing emojis]

“Basta lagi nyong tatandaan, we really cannot please everybody. At the end of the day, we agree to disagree.

Continue reading below ↓

“Lahat, ‘may boses.’ ‘Paos’ nga lang yung iba.

“At yung iba, alam na ngang ‘sintunado,’ ipipilit pa.”

NOEL FERRER

May katotohanan talaga na isang industry at pinagkakakitaan ang pagtu-troll.

Meron ngang noong kasagsagan ng isyu ng ABS-CBN shutdown hearings ay mismong fans ng mga artista ang nagsasabi sa kanilang trabaho talaga ito, at P2,500 ang bayad kapag in-engage sila at nakipagtalo.

Continue reading below ↓

Kaya kailangan tayong maging mas mapanuri sa kung ano ang fake news at false information ngayon dahil sa dami ng nga nagpe-peddle nito.

Katulad ng sinabi ni Ogie Diaz, kapag na-PEP ka, credible ito kaya naging pugad ng trolling!

GORGY RULA

Yun lang ang isang malungkot na katotohanang ginagawang hanapbuhay na itong pamba-bash.

Pero sa totoo lang, ang mga komento ng ibang hindi naman kilala, hindi na nagma-matter iyan sa akin.

Kaya kapag nakakatikim ako ng bashing, hindi ako apektado dahil hindi ko sila kilala. Kaya ayokong pag-aksayahan ng panahong i-block sila.

Ang dami talaga riyang ‘mema’! Kaya deadma na lang!

Sa panahon ngayon, mas pinapansin ko na lang ang mga ipinu-post ng mga kilalang celebrities na nagpaparating ng mga mensaheng makatulong sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Ang isa sa napansin ko ay ang pagsisimula ng paglikom ng donasyon ng grupong Aktor.Ph.

May dagdag pang komento roon si John ‘Sweet’ Lapus na ibibigay nila ang nalikom na donasyon ng naturang grupo sa tanggapan ni Vice President Leni Robredo.

Continue reading below ↓

Sabi niya, “Mam @lenirobredo dadalin na po ng @Aktor.Ph ang mga naipon naming donation sa office nyo. Salamat po at ingat po kayo.”

Type kaya iyan ng mga DDS?

Gusto ko ring bigyang pansin ang panawagan ni Vice Ganda sa mga fans niyang nagsisimula na rin daw silang humingi ng donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Continue reading below ↓

Sabi ni Vice Ganda sa mga ‘little ponies’ niya, pwedeng ipadala ang donasyon sa FUNDkabogable Donation Drive through the BDO account ni Raquel Frieda Buenvenida, number 012840010875, at GCash ng Vice Ganda Fundkabogable Donation Drive, 09672939748.

Naghahanda naman ngayon ang mga artista ng Cornerstone Entertainment sa pagbigay ng relief goods at pagpapakain sa mga nabahaan sa Marikina. Kasama sila sa project ng Grateful Tuesdays nina chemist Pinky Tobiano at Yeng Constantino.

Continue reading below ↓

Nabalitaan din nating makikipagtulungan ang Gameboys commmunity sa Alagang Kapatid Foundation ng TV5 para tumulong sa mga nasalanta.

May babala naman si K Brosas sa Twitter: “Sa mga scammer na mga dimunyu na gumagamit NG donation drive kuno.. shutanginanyo! Kurutin sana kayo NG nail cutter SA nipples!”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Diaz: "Pero sana naman pag magtataray, tama ang mga spelling at grammar para naman maiparamdam nyo kahit konti sa mga makakabasa ng comments nyo na may natutunan kayo sa English at Filipino teachers nyo."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results