Sunday Noontime Live ng TV5, nag-replay kaagad kahit wala pang isang buwan sa ere

by PEP Troika
Nov 15, 2020
Biglaan ang desisyon ng pamunuan ng Brightlight Productions at TV5 na magpalabas ng replay episode ng bagong musical-variety show na Sunday Noontime Live dahil sa "technical problems." Ilang sandali bago nito ay nag-post pa sa Facebook ng rehearsal photos nina (mula kaliwa) Maja Salvador, Piolo Pascual, at Donny Pangilinan.
PHOTO/S: Facebook

NOEL FERRER

Oktubre 18 nag-premiere ang Sunday Noontime Live (SNL) sa TV5.

Wala pang one month, pero ayun, nagulat na lang tayo at naglabas ng notice ang TV5 na replay ang episode ng SNL ngayong Nobyembre 15.

In fairness, pinaghandaan ang replay dahil hindi lang isang bagsak na episode ang ipinalabas. Nag-mix match sila ng numbers from previous episodes, including the pilot episode's Piolo Pascual and Catriona Gray duet ng kanta mula sa I Belong To The Zoo.

Ang ASAP naman ay mukhang nakabangko pa ng new episodes, ganun din ang All-Out Sundays.

Good luck sa mga bagong content na, sana, kapag ginagawa ay talagang sinusunod ang guidelines ng Inter-Guild Alliance.

JERRY OLEA

Excited ang Pinoy BL fans sa SNL episode this Sunday, kung saan tampok si Kokoy de Santos ng Gameboys, Teejay Marquez ng Ben x Jim, Ian Pangilinan ng Gaya Sa Pelikula, at Ali King at Alec Kevin ng Boys’ Lockdown.

Continue reading below ↓

Bandang 11:00 a.m. nitong Linggo, nag-post pa sa Facebook ang TV5:

"Team Live, we're gonna make your Sunday extra colorful kaya maki-party na with your favorite artists and don't forget to use our official hashtag for today #SNLColorfulSunday"


Kapagkuwan ay nag-post pa ang TV5 sa FB ng rehearsal photos: “We're getting ready para sa ultimate party natin mamaya! See you later Team Live.”

Continue reading below ↓

Maya-maya ay nag-tweet ang Cornerstone:

“We regret to inform you that Sunday Noontime Live will not be able to go live today due to technical problems. We are airing a replay episode today.

“We sincerely apologize for this. Thank you for your understanding, Team Live!”


Ang SNL... naging SNR. Sunday Noontime Replay.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Nangyayari ito sa ibang programa ng ibang network.

Hindi maiwasan na nagkakaroon ng ganung aberya. Hindi na siguro malaking isyu pa iyan.

Sayang lang dahil napaghandaan na nila nang mabuti ang show ngayong araw. Iyan na lang ang abangan natin sa susunod na Linggo.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Biglaan ang desisyon ng pamunuan ng Brightlight Productions at TV5 na magpalabas ng replay episode ng bagong musical-variety show na Sunday Noontime Live dahil sa "technical problems." Ilang sandali bago nito ay nag-post pa sa Facebook ng rehearsal photos nina (mula kaliwa) Maja Salvador, Piolo Pascual, at Donny Pangilinan.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results