Derek Ramsay at Andrea Torres, hindi pa sumasagot sa tanong kung break na sila

by PEP Troika
Nov 17, 2020
Andrea Torres, Derek Ramsay
Parehong wala pang sagot sina Derek Ramsay at Andrea Torres sa tanong kung totoong break na nga sila. Pero kinumpirma ng ilang malalapit na kaibigan ng dalawa ang balita.
PHOTO/S: @ramsayderek07, @andreatorres on Instagram

GORGY RULA

Pumutok na ang tsikang hiwalay na sina Derek Ramsay at Andrea Torres.

Marami ang nakapansing nawala na ang litrato nila sa IG posts ni Andrea at hindi na rin pina-follow ng Kapuso actress ang hunk actor.

Kaagad kong tinext sina Derek at Andrea kung totoo ang bali-balita. Pero wala silang sagot.

Ilan sa napagtanungan kong ayaw magpakilala, sinabing totoong break na raw sila. Pero ayaw raw magsalita ni Andrea tungkol dito.

Isa rin ang nagsabing baka may nadiskubre raw ang isa sa kanila na ikinagulat nito. Nabanggit daw ni Derek sa isang kaibigang nagkakalabuan na sila ni Andrea.

Pero ilan sa mga nakakilala sa kanila nang lubusan ay hangad pa ring magkaayos at magkabalikan sila.

Nakakapanghinayang daw kasi ang kanilang relasyon dahil naging close na rin ang kani-kanyang pamilya.

Sana nga, magkabalikan.

NOEL FERRER

Nagulat ako sa mga kaibigang wala sa ating industriya na nakakaalam at nagtatanong ng mga detalye tungkol sa tsikang ito.

Continue reading below ↓

Well, it seems like iisa lang ang sinasabi nila: THEY REALLY ARE NOT ON THE SAME PAGE.

Sayang lang becaue we know that they tried, they really tried!!!

JERRY OLEA

Nagulat ako nang mapabalitang isa si Andrea sa tatlong aktres na gaganap bilang asawa ni Ishmael (karakter ni Dennis Trillo) sa Kapuso teledrama na Legal Wives.

Bakit pinalitan ni Andrea si Megan Young sa cast? Ang dalawa pang aktres doon ay sina Alice Dixson at Bianca Umali.

Paano na ang TV series na Sanggang Dikit na pagtatambalan sana nina Andrea at Derek? Sanggang Wasak na?

Uy! Magkatabi pa sina Derek at Andrea sa Christmas station ID ng GMA-7 na ini-launch kanina sa 24 Oras.

Hopia, asado at expectorant pa naman tayo na malapit nang maging legal wife ni Derek si Andrea!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parehong wala pang sagot sina Derek Ramsay at Andrea Torres sa tanong kung totoong break na nga sila. Pero kinumpirma ng ilang malalapit na kaibigan ng dalawa ang balita.
PHOTO/S: @ramsayderek07, @andreatorres on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results