Celebrities, patuloy sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses

by PEP Troika
Nov 17, 2020
(Clockwise) Rocco Nacino and girlfriend Melissa Gohing distribute food packs to typhoon victims in Rizal; Alden Richards conducted gaming live stream to raise funds; AKTOR members Angel Locsin (with fiance Neil Arce) and Jasmine Curtis Smith spearhead relief distributions; David Licauco will donate 100% of his online business' profit this week to typhoon victims.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

JERRY OLEA

Patuloy na tumutulong ang mga artista at personalidad sa mga binaha ng bagyong Ulysses.

Sa pamamagitan ng gaming live stream nitong Nobyembre 15, Linggo ng gabi, nakalikom si Alden Richards ng pera upang makatulong sa mga nasalanta.

Mahigit P200,000 ang naipon ni Alden mula sa mga nag-donate ng "stars" sa naging laro niya ng Mobile Legends. Lahat ng natanggap niyang stars na may katumbas na halaga ay ido-donate niya para sa mga biktima ng bagyo.

Taos-pusong nag-tweet ng pasasalamat si Alden sa mga sumali at nag-abot ng tulong:

“Maraming salamat sa lahat ng nag-donate. [praying emoji] Patuloy po tayong tumulong sa abot ng ating makakaya sa mga nasalanta ng bagyo. God bless and keep safe. [praying emoji]”

Continue reading below ↓

Nito ring Linggo, nakiisa ang navy reservist na si Rocco Nacino at ang girlfriend niyang si Melissa Gohing sa pamamahagi ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo sa Dela Costa 5, Rodriguez, Rizal.

Inilunsad ng team S.T.A.R.S. ng Philippine Navy at Philippine Marine Corps ang relief operation kung saan halos 2,000 katao ang nabigyan ng relief packs at iba pang essentials tulad ng damit na donasyon ng BCMC Class 01-20 Batch Dakila.


Continue reading below ↓

Post ni Rocco sa Instagram: “Sa mga Kapusong handang tumulong, nandito muli ang @gmakapusofoundationph para iparating ang tulong ng taong may gintong puso para sa mga nasalanta ang kabuhayan, tirahan at mga naulilang mahal sa buhay.

“Kaisa ang GMA Kapuso Foundation sa pag-abot ng tulong sa marami nating naapektuhang kababayan. Maraming Salamat, mga Kapuso! We can do this.”

Kapagkuwan ay ipinost ni Rocco sa IG ang video na nagpapakita ng aftermath ng bagyo sa Rodriguez.

Dagdag-panawagan ni Rocco, “We are reaching out to all of your kind hearts to extend nelp to all the people who are greatly affected by the Typhoon Ulysses.

“We are currently gathering donations (may it be cash or food, mattresses, blankets etc) for the 1000 evacuees who are currently staying in Tañong High School...”

Sa mga tutulong, paki-DM na lang si Rocco o ang kasintahan niyang si Melissa ng items na ido-donate, o kung magkano ang cash donation.

Continue reading below ↓

“Photos of receipts and distribution will be sent to the donors for proof,” sey pa ni Rocco.

Nangako naman si David Licauco na ido-donate para sa relief efforts ang kinita ng online business niyang As Nature Intended noong Nobyembre 14 at 15 (Sabado at Linggo).

In-announce ito ni David sa Instagram, at hinikayat niya ang netizens na tumulong sa kanilang sariling paraan.

Ani David, “We pledge 100% of our profit this weekend to those affected by Typhoon Ulysses. Our brothers and sisters need our help now more than ever. We believe that a little help goes a long way.”

Tuluy-tuloy ang feeding program na pinangunahan ni Chef Myke Tatung, at katuwang niya ang volunteers at ibang chefs. Pati request ng evacuees na 3-in-1 na kape, ipinost ni Chef Tatung sa Facebook.

Ang post naman ni Chef Jam Melchor sa Facebook: “No one has ever become poor by giving. Maraming salamat sa Walang Iwanan Alliance for working with Slow Food Youth Network Philippines for our hot meals sponsorship today which was dispatched to Rizal by Philippine Red Cross.

Continue reading below ↓

“For food donations please message me directly or via Slow Food Youth Network Philippines page.”

Panay-panay ang retweet ni Bianca Gonzalez kaugnay sa relief operations.

May paalala pa si Bianca, “Please be careful bago kayo mag-donate. It's best kung trusted organization, madami din sa mga schools, kung kakilala ninyo mismo o magtanong sa mga kaibigan kung legit ito. Madami na ang na-scam din kaya mag-ingat.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Tuluy-tuloy pa rin ang League of Filipino Actors (AKTOR) sa pangangalap ng mga donasyon at sila ay nakipagpartner sa Office of the Vice President para sa kanilang relief operations.

Post ng AKTOR sa Facebook, “Maraming salamat po sa lahat ng nagpadala ng mga donasyon at nag-abot ng tulong.

“Kami po ay patuloy na tatanggap ng cash donations para sa mga susunod pang pangagailangan ng ating mga kababayang nasalanta.

“Ang iba pang mga materyal na donasyon gaya ng damit, pagkain, gamot ay tatanggapin namin hanggang Martes, November 17, ng 6PM na lamang. Pagkatapos nito, anumang materyal na donasyon ay maaring idirekta na lamang sa aming partner organizations.

“Maraming salamat sa tulong! Sama-sama nating iahon ang isa't isa.”

Continue reading below ↓

Tuluy-tuloy rin sina Bea Alonzo at Rina Navarro sa pagtulong via their I Am Hope Foundation at oo, ang OVP rin ni VP Leni ang isa sa kanilang distribution partner!

Sabi nga ng mga batang leaders na ito ng industriya, sa dami ng mga nagpa-fundraise ngayon, maganda nang maki-coordinate sa opisina o indibidwal na may magandang track record sa pag-aabot sa mga mahihirap nating nangangailangan. Lampas sa pulitika.

Dapat talaga, agaran at nararamdaman at consistent na pagtulong sa mga nasalanta ang inaasahan.

GORGY RULA

Marami na ang nagpasimuno ng fundraising para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Pero may ilang artista akong nakaka-text na hindi raw nagustuhan ang pag-tweet ni John Lapus na ibibigay ng Aktor ang kanilang donasyon sa tanggapan ni Vice President Leni Robredo.

Continue reading below ↓

Wala naman daw masama kung gusto nilang sa VP ng bansa ipadala ang donasyon. Pero sa panahon ngayong napaka-sensitive ng lahat, pwede namang hindi na lang daw i-tweet. Nahahaluan na raw kasi ng pulitika.

Ang mahalaga lang naman ngayon ay maipamahagi ang tulong sa lahat ng mga nangangailangan.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Clockwise) Rocco Nacino and girlfriend Melissa Gohing distribute food packs to typhoon victims in Rizal; Alden Richards conducted gaming live stream to raise funds; AKTOR members Angel Locsin (with fiance Neil Arce) and Jasmine Curtis Smith spearhead relief distributions; David Licauco will donate 100% of his online business' profit this week to typhoon victims.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results