Vice Ganda, nakalikom ng P700K para sa mga nasalanta ng bagyo; Sagip Kapamilya, tuloy ang pagbigay ayuda

by PEP Troika
Nov 17, 2020
Vice Ganda (left), tagumpay ang fundraising drive para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses. Sagip Kapamilya, nakamigay ng ayuda sa mga nasalanta sa Brgy. Sagurong San Miguel Island, Tabaco, Albay (right photos).
PHOTO/S: Vice Ganda Instagram / Sagip Kapamilya Facebook

JERRY OLEA

Pinagkakatiwalaan si Vice Ganda ng kanyang Little Ponies.

Alam nilang mabuti ang puso ng Unkabogable Superstar, kaya tumugon sila sa panawagan nitong fundraising para sa mga nasalanta ng bagyong Rolly at Ulysses.

As of November 17, Tuesday, nakalikom na ng PHP713,918.79 ang FUNDkabogable Donation Drive.

Sa artcard tweeted by Vice, ang kanyang hanash, “Zenkyooow sa lahat ng mga tumulong at nag-donate! Tumatanggap pa rin ang FUNDkabogable Donation Drive ng cash donations.”

Nasa artcard ang donation channels. Zalamaaaat pow!


Continue reading below ↓

GAMEBOYS

Ang Gameboys fandom, as of November 17 ay nakalikom na ng mahigit PHP129K.

Bukas, Nobyembre 18, Miyerkules ng 8:00 p.m., may Facebook Live sa The IdeaFirst Company ang Ayudang Gameboys.

Pangungunahan ito nina Adrianna So (Pearl), Kokoy de Santos (birthday boy Gavreel), Elijah Canlas (Cairo), at Kyle Velino (Terrence). Mabuhay!

Continue reading below ↓

ABS-CBN

Kahit walang prangkisa ang ABS-CBN, tuluy-tuloy ang pagtulong at relief operations ng Sagip Kapamilya.

Nang humagupit ang bagyong Rolly, namigay sila ng pagkain sa evacuees ng mga lalawigan ng Catanduanes, Albay, Aurora, Batangas, at Oriental Mindoro.

Dama ang kawalan ng ABS-CBN Regional, na itinigil na ang operasyon dahil sa hindi pagbigay ng Kongreso ng bagong prangkisa sa ABS-CBN. Ang mga kawani sa mga regional station ang unang rumeresponde upang maghatid ng relief goods tuwing may kalamidad.

Ganoon pa man, tuloy pa rin ang Sagip Kapamilya!

JASMINE CURTIS SMITH, AKTOR, KAPUSO STARS

Personal na nag-abot ng tulong si Jasmine Curtis Smith sa mga nasalanta ng bagyo sa Marikina at Rizal.

Umaasa si Jasmine na makakatulong ang kanilang napaabot na relief goods, "We hope that what small help we can give will be able to assist you the next couple of days and we pray for those who are still trying to manage with what's left of their homes.”

Continue reading below ↓

Maliban sa Marikina, bumisita rin si Jasmine kasama ang mga miyembro ng AKTOR (League of Filipino Actors) sa San Mateo, Rizal para sa isa pa nilang relief operation.

Personal na dumalo rin sa relief operation sa Marikina noong Nobyembre 13 sina Dingdong Dantes at Sunshine Dizon.

Mga Kapamilya, Kapuso, Kapatid, Kaibigan, Katropa, at Katsokaran, tulung-tulong tayo! Babangon tayo!

KIER LEGASPI

Facebook post naman ni Kier Legaspi, “Ang paggawa ng mabuti ay di magbubunga ng masama. Thank you to my wife who organized this charity event. Thank you to my cousins and friends who helped out.”

Tumulong tayo sa abot ng ating makakaya. Kung meron mang haters at bashers na kanegahan lang ang ambag, ang Panginoong Diyos na ang bahala sa kanila.

Continue reading below ↓

GABBI GARCIA

Okay lang kay Gabbi Garcia na-move ang pilot airing ng kanyang show sa GMA News TV na IRL (In Real Life) para magbigay-daan sa balita at updates sa bagyo.

Sa Huwebes, November 19, na mapapanood ang first episode ng nasabing reality program kung saan guest co-host ang kanyang boyfriend at bagong Kapuso na si Khalil Ramos.

Humingi ng pasensiya si Gabbi sa kanyang fans dahil late na rin siyang nakapag-post tungkol sa pagkaka-postpone ng first episode. Wala raw kasi silang signal at power kaya hindi agad siya nakapag-post sa socmed.

Nitong mga nakaraang araw, makikitang ginamit ni Gabbi ang kanyang social media accounts upang magbigay ng lakas at makahingi ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Ang lakas pa rin talaga ni Vice Ganda na nakalikom agad siya ng solicitation na nagkakahalaga ng PHP713,918.79.

HEART EVANGELISTA

Pero may ilang artistang naniniwalang hindi na kailangang idaan sa social media ang pagtulong nila.

Iyan ang sagot ni Heart Evangelista sa nagtatanong sa kanya kung nagbibigay ba siya ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo. Hindi naman daw kailangan ng kamera kung magparating ng tulong.

Sa kanyang Big Heart PH project, patuloy na dumarami ang mga estudyanteng natutulungan ni Heart sa pamamagitan ng libreng tablets na magagamit sa online classes.

Sinimulan ni Heart ang initiative na ito noong Hulyo para mabigyan ng pagkakataon ang mga underprivileged kids sa iba’t ibang komunidad sa bansa na ituloy ang kanilang pag-aaral.

KIM DOMINGO

Pinatulan din ni Kim Domingo ang isang basher na nagkomento sa isang Instagram post. Nakakatulong daw siyang hindi na ipinost sa kanyang IG account.

Samantala, kahit sa simbahan ay tuluy-tuloy ang paghingi ng tulong para sa mga nasalanta ng magkakasunod na bagyo.

Continue reading below ↓

Napansin ko sa Sambuhay TV Mass na nangangalap din sila ng donasyon para sa kanilang Ayuda: Blessing Lives.

Araw-araw sa kanilang online mass ay kasama na ipinagdasal ang kaluluwa ng ama ni Ogie Alcasid na si Herminio Alcasid.

NOEL FERRER:

Bilib talaga ako sa mga Pinoy na nagunguna sa pagtulong sa kapwang nagigipit.

Ang mga artista, pati na ang iba pang mga sektor, ay nagbabayanihan para makatulong pa sa mga nangangailangan.

Pinaplano na ang Christmas concerts ng mga nag-Bayanihan na mga musical artists at pati theater actors ay nakikiisa rin.

Sana, mapantayan ng ating leaders sa komunidad at bansa ang ganitong agaran at masusi at masinop at ramdam na pagtulong sa ating mga kababayan!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda (left), tagumpay ang fundraising drive para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses. Sagip Kapamilya, nakamigay ng ayuda sa mga nasalanta sa Brgy. Sagurong San Miguel Island, Tabaco, Albay (right photos).
PHOTO/S: Vice Ganda Instagram / Sagip Kapamilya Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results