GMA-7 Christmas Station ID, 1M views na sa Facebook; TV5 at ABS-CBN, maglalabas din ng Christmas station ID

by PEP Troika
Nov 18, 2020
Ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes ang headliner sa GMA-7 Christmas Station ID. Sino naman kaya ang pambato ng ABS-CBN, at TV5? At alin kaya ang may pinaka nakakaantig na Christmas Station ID?
PHOTO/S: GMA Christmas Station ID / TV5 / ABS-CBN Facebook DP

JERRY OLEA

Nag-trend sa Twitter Philippines ang "Isang Puso Ngayong Pasko," ang GMA Christmas Station ID 2020 na inilunsad sa 24 Oras noong Nobyembre 16, Lunes ng gabi, sa Kapuso Network.

Wala pang 24 oras, umabot na agad ito ng 1 million views sa Facebook.

As of this writing, 1.2M views na ito sa FB page ng GMA Network, at 341K views naman sa YouTube channel ng GMA Network.

Mensahe sa FB at YT ng music video, “Sa mga panahong ito, humaharap sa maraming pagsubok ang ating bansa at mga kababayan.

"Pero hindi matitinag ng pandemya, bagyo, o ano pa mang kalamidad ang tibay ng puso ng Pilipino.

"Magkakaisa tayo sa pagtutulungan, pagmamahalan, at pagdiriwang ng Kapaskuhan.

"Lahat ng Pilipino, sa buong bansa at sa buong mundo, #IsangPusoNgayongPasko..."

Continue reading below ↓

Kaakibat nito ang panawagan sa mga nais magpaabot ng kanilang tulong, na bumisita sa website ng Kapuso Foundation upang malaman ang iba't ibang paraan ng pagbibigay ng donasyon.

Bahagi ng lyrics ng "Isang Puso Ngayong Pasko":

“Kailangang muling bumangon/ Ang pusong humaharap sa hamon/ Patuloy na nananalangin/ Umaasang ito’y diringgin

“Sugat at sakit ng kahapon/ Maghihilom din sa tamang panahon/ Di mawawala ang tiwala/ Sa pag-ibig na nagmula sa Kanya

“Ang pangako ng puso/ Ibahagi ang liwanag ng Pasko/ Isang puso, ikaw at ako, magkakasama tayo

“Isang puso ngayong Pasko/ Nagmamahalang totoo/ Isang puso, ikaw at ako, nagkakaisa tayo

“Isang puso ngayong Pasko/ Para sa Pilipino/ Isang puso ngayong Pasko/ Isang puso ngayong Pasko

“Saan man tayo tumungo/ Mundo man natin ay magbago/ Magpapatuloy ang buhay/ Kung puso ang magsisilbing gabay...”


Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Naku, naku, meron din kaming kanta ni Louie Ocampo na napiling Christmas Anthem ng TV5. Ang tema nito ay ITULOY NATIN ANG LIWANAG NG PASKO.

Ang alam ko ay aawitin ito ng mahuhusay na singers na lumipat sa Kapatid network mula sa pagiging Kapamilya.

Narito ang kumpletong lyrics ng "Ituloy Natin Ang Liwanag Ng Pasko":

"Anumang hamon ng mundo / Magkasama tayo Itutuloy ang Pasko /Wala nang regalo Ang hiling ko / Kundi laging masaya tayo

"Nandito tayong dumaramay / Handang tumulong at magbigay / Upang bumuti’t sumaya’ng ating buhay Nandyan, at abot kamay."

REFRAIN

"Tayong Lahat Ang Liwanag Ng Pasko / Iparamdam Ang Pasko Tuloy Natin Ang Liwanag Ng Pasko Maligayang Pasko / Kapit sa pag-asa / Sama-sama Pangarap ng isa’t isa

"Nasa ating tinig / Kakaibang himig / Ngiti ay naririnig / Nandito tayong dumaramay / Handang tumulong at magbigay / Upang bumuti’t sumaya’ng ating buhay/ Narito’t hawak-kamay"

Continue reading below ↓

REFRAIN:

"Tayong Lahat Ang Liwanag Ng Pasko / Itaguyod Ang Pasko / Ituloy Natin Ang Liwanag Ng Pasko Maligayang Pasko

BRIDGE

"Kahit nasa’n ka man Walang nang iwanan / Tuwa’y pagsasaluhan Ituloy ang pagdiriwang...

REFRAIN:

"Tayong Lahat Ang Liwanag Ng Pasko / Palaganapin Pasko Ituloy Natin Ang Liwanag Ng Pasko Maligayang Pasko."

Ang punchline, nagulat na ako nang mag-flash ang teaser ng ABS-CBN Kapamilya Christmas theme kanina sa TV Patrol.

Bumungad ang mga salitang “Tayo ang Liwanag at Ligaya Ng Pasko” na nasa kanta namin ni Maestro Louie, na last week pa inilabas ang demo version.

Exciting ito, at sigurado akong ma-e-LSS kayo sa mga kantang Pamasko!

GORGY RULA

Iyan talaga ang isa sa ipinagmamalaki nating mga Pinoy.

Ang dami nating magagaling na songwriters at composers na nakakagawa ng magagandang awitin, na nakakapagbigay-inspirasyon sa atin lalo na sa panahon ngayon.

Si Jona ang kumakanta sa Christmas jingle ni Louie Ocampo, na dati ay mga dating Kapamilya artists karamihan ang may partisipasyon.

Continue reading below ↓

Abangan natin ang sa Kapamilya channel.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes ang headliner sa GMA-7 Christmas Station ID. Sino naman kaya ang pambato ng ABS-CBN, at TV5? At alin kaya ang may pinaka nakakaantig na Christmas Station ID?
PHOTO/S: GMA Christmas Station ID / TV5 / ABS-CBN Facebook DP
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results