Yumaong ama ni Ice Seguerra, red flowers ang request sa burol

by PEP Troika
Nov 18, 2020
Liza Diño Seguerra on the wake of Ice Seguerra's father: "Hindi siya typical na burial. Red yung flowers niya. Yun ang bilin niya. Hindi siya naka-barong, yun lang ang masasabi ko."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Ngayong November 18, Miyerkules, magsisimula ang burol para sa namayapang ama ni Ice Seguerra na si Decoroso “Dick” Seguerra.

Kuwento sa amin ni FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra sa DZRH noong November 17, Martes ng gabi, kakaiba ang wake na inihanda nila. Bilin daw ito ni Daddy Dick bago pumanaw.

“Kung makakapunta kayo dito, makikita niyo talaga, hindi siya typical na burial. Red yung flowers niya. Yun ang bilin niya.

"Hindi siya naka-barong, yun lang ang masasabi ko,” napangiting pahayag ni Liza.

Hanggang sa kanyang huling sandali ay gusto pa rin daw magpatawa ni Daddy Dick. Ito raw kasi talaga ang komedyante sa pamilya.

Sabi nga ni Liza, bago pa ang Tito, Vic & Joey, komedyante na raw talaga ang ama ni Ice.

“Basta, pag makapunta kayo rito, sa halip na malungkot kayo, baka matawa kayo pag makita ninyo ang casket niya,” sabi pa ni Liza.


Continue reading below ↓

Mabuti na lang at talagang napaghandaan daw ng pamilya, lalo na si Ice, ang pagpanaw ni Daddy Dick.

Nagkaroon sila ng sapat na panahong mag-usap nang mabuti at nasabi ang gusto nilang sabihin sa isa’t isa.

“Ang maganda kasing nangyari, naihanda kami ni Daddy. Nahanda siya ni Daddy na in the last two weeks, nagpatawag siya, talagang nag-spend kami ng time with him.

“Kinantahan siya ni Ice. Lahat yung mga hindi nasabi, nung mga panahong may sama siya ng loob, naayos lahat yun.

"So, talagang napakaganda yung ano… naghiwalay man, yung when he passed away, masaya. Masaya yung spirit,” lahad ni Liza.

Kaya kahit alam niyang malungkot pa rin si Ice, nagawa pa rin nitong asikasuhin ang lahat mula sa death certificate, sa paghahanap ng kabaong, at pati ang paghahanda sa burol.

“Ang akala ko, hindi ko siya [Ice] makakausap, kasi nadi-depress din siya. I was expecting the worst. Pero at peace siya.

Continue reading below ↓

“Hindi ko makakalimutan na sinabi niya na, ‘Love, happy ako kasi nasabi ko sa kanya ang buong buhay ko na never ko nasabi sa kanya kahit isang beses. At nasabi ko sa kanya na he is the best Dad,’ at na-appreciate ko sa kanya ang lahat na nagawa ni Daddy,” sabi pa ni Liza.

Sa St. Peter’s Chapel sa Quezon Avenue, Quezon City, ang burol ni Daddy Dick.

Open daw ito mula alas-otso ng umaga hanggang alas-otso ng gabi, at siyempre limitado lang ang mga taong pinapapasok para masunod pa rin ang social distancing.

Sa Biyernes, November 20, ang huling gabi dahil nakatakda na itong i-cremate sa Sabado, November 21.

JERRY OLEA

Facebook post ni Chair Liza noong Martes, “Birthday ni Daddy Dick, February 14, yes valentino sya, kaya mahilig sya sa red. So para sa flowers nya, dapat pang-valentine din. We love you Daddy Dick! Para sa'yo to [heart emoji]”

Continue reading below ↓

Earlier, may Facebook post pa si Chair Liza na humaplos sa puso ko—dahil kaarawan kahapon ng aking yumaong ama, at 16th death anniversary niya today.

Ani Chair Liza, “Favorite color ni Daddy Dick ang red kaya sa wake nya, red din ang flowers nya. This is how he wants to be remembered... A bright, happy, and funny person who has lived a full life.

Continue reading below ↓

“These are those moments that remind you about how short life is. And that we must live each day as purposeful and as meaningful as we can.

“Sa mga nakakabasa nito, please take a moment to call your parents or your loved ones and tell them you love them. Reach out to those whom you have hurt and apologize. And to those who have hurt you, find it in your heart to forgive.

“I want to take this chance to say sorry sa mga taong nasaktan ko. Kung nababasa nyo to. I want to ask for forgiveness for the hurt I've caused you.

“Let's find time for healing in these difficult times. We only get one shot in this life. It's a waste to wake up with regrets.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Saksi tayo sa magandang pagsasamahan ng pamilya ni Ice Seguerra at minahal na natin sila noon pa man.

Ipinaabot natin ang ating pakikiramay sa pagyao ni Daddy Dick at patuloy nating ipagdarasal ang buo nilang pamilya.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liza Diño Seguerra on the wake of Ice Seguerra's father: "Hindi siya typical na burial. Red yung flowers niya. Yun ang bilin niya. Hindi siya naka-barong, yun lang ang masasabi ko."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results