Nadia Montenegro at Ynna Asistio, naghahanap ng malilipatan pagkatapos bahain ang bahay

by PEP Troika
Nov 18, 2020
Ynna Asistio (left) says she and her mom Nadia Montenegro are looking for a new house after their traumatic Typhoon Ulysses experience in Antipolo, Rizal.
PHOTO/S: Ynna Asistio / Nadia Montenegro Instagram

GORGY RULA

Nagsisimula nang maghanap ng malilipatan ang mag-inang Nadia Montenegro at Ynna Asistio pagkatapos ng masaklap na karanasan nang bahain ang kanilang tinitirhan dala ng bagyong Ulysses.

First time nilang naranasan iyon sa bahay nila sa Town and Country Exclusive Village sa Antipolo, Rizal, malapit sa Marcos Highway.

Kuwento sa amin ng anak ni Nadia na si Ynna, malaking trauma ito sa kanilang pamilya.

Mahirap daw sa kanilang makapaghanap ng malilipatan dahil kailangang magkasya silang lahat.

“Mahirap po maghanap ng bahay ng sasakto sa pamilya namin, kasi ang laki po naming pamilya,” pakli ni Ynna.

Si Ynna ang panganay sa walong magkakapatid. Pumanaw na ang kanyang ama na si dating Caloocan City Mayor Macario "Boy" Asistio.

Nakapanayam namin si Ynna sa DZRH noong Martes ng gabi, November 17.

“Yes, we’re thinking about it. Maybe next year [kami lilipat]. Pero ngayon pa lang, naghahanap na po kami ng malilipatan,” sabi pa ni Ynna.

Continue reading below ↓

Mabuti na lang at marami raw ang tumulong sa kanila para maging magaan ang pag-aayos sa kanilang bahay.

Meron pa raw nagpahiram sa kanila ng kotse para pansamantala nilang magamit dahil kailangang ipaayos pa ang dalawa nilang kotse na lumubog sa baha.

“Sabi ko nga po, nung nakita ko iyung notification ng cellphone ko, para kong birthday.

“Ang dami po talaga. Isa-isa ko silang ni-reply-an. Kasi, nung humihingi na yung mommy ko ng water at saka nung flashlight...

"Kasi, akala nila, aabutan kami ng gabi,” pahayag ni Ynna.

Ilan sa mga malalapit nilang kaibigang tumawag at nag-extend ng tulong ay sina Kim Atienza, Robin Padilla, Jodi Sta. Maria, Piolo Pascual, Direk Joyce Bernal, Bela Padilla, Lotlot de Leon, at marami pang iba.

Naiyak pa raw si Lotlot nang nagkausap sila ni Nadia.

Na-touch daw si Ynna sa ipinaabot na tulong ng mga kasamahan niya sa bagong drama serye nito sa Net 25 na Ang Daigdig Ko’y Ikaw.

Continue reading below ↓

“Sobrang thankful ko sa Ang Daigdig Ko’y Ikaw family, they were checking on me every hour.

“Talagang tina-try po nilang ma-reach kami kung pwedeng magpadala ng food, ng water.

"Kasi, nung time na yun, hindi po kami prepared kaya wala kaming pagkain, saka wala rin po kaming tubig. Wala kaming pang-inom kahit ano."

Nagpasalamat si Ynna na ligtas ang kanyang pamilya, hindi kagaya ng iba nating kababayan na talagang matindi ang tama sa kanila nitong dumaang bagyo.

“Kailangan nating mag-move on sa buhay. Kailangan na rin naming lumaban.

"Kahit may mga nawala mang material na bagay and everything, ang importante, safe ang buong family.

"So, yun na lang po yung positive na nangyari,” dagdag na pahayag ni Ynna.

NOEL FERRER

Nakausap ko rin si Nadia Montenegro sa pilot episode ng aming bagong Christmas Everyday program sa Radyo Katipunan.

Sinabi ni Nadia na hindi siya sanay na nasa receiving end ng pagtulong dahil siya ang madalas tumutulong sa mga nangangailangan.

Continue reading below ↓

Kakaibang faith experience talaga ang ibinahagi niya, at sa huli’t huli, may paraan ang Diyos para magpasalamat ka sa Kanya dahil may mga taong ia-assign sa iyo bilang extension ng Diyos.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin lubos-maisip ni Nadia ang sinapit niya.

May mga nag-offer ng kotse at iba pang gamit at bagay na kakailanganin nilang mag-iina.

Pati pera ay bantulot niyang tanggapin, pero may nagpayo raw kay Nadia "to satisfy the people’s need to be needed."

May mga nagsabi rin daw not to overthink at ramdamin na lang ang nag-uumapaw na concern at pagmamahal sa kanya ng mga tao.

Nabalitaan kong pareho ng tinitirhang subdivision ni Nadia sina Pancho Magno at Max Collins at Archie Alemania. Pero sina Nadia at Ynna talaga ang hard hit.

JERRY OLEA

Napakasaya ni Ynna sa media launch ng romantic drama series na Ang Daigdig Ko’y Ikaw noong Nobyembre 10, Martes, sa Iglesia Ni Cristo Museum sa Quezon City.

Continue reading below ↓

Aniya, labing-apat (14) na taon na siya sa showbiz, at ito ang unang pagkakataong nabigyan siya ng lead role.

Nobyembre 12, Huwebes ng madaling-araw, humagupit ang bagyong Ulysses.

At isa sa mga nasalanta nang husto ang pamilya ni Nadia.

Matinding dagok at pagsubok ito sa kanilang pamilya, ngunit nanatiling matibay ang pananalig nila sa Panginoon.

Dinamayan sina Nadia ng mga tunay na kaibigan, lalo pa’t napakaraming tinulungan ni Nadia all these years.

Siyanga pala, mag-uumpisa ang Ang Daigdig Ko’y Ikaw sa Nobyembre 28, Sabado ng 8:00 p.m., sa Net25.

Labintatlong (13) episodes ito, at nagtatampok din kina Geoff Eigenmann, Elizabeth Oropesa, Richard Quan, at AJ Muhlach.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ynna Asistio (left) says she and her mom Nadia Montenegro are looking for a new house after their traumatic Typhoon Ulysses experience in Antipolo, Rizal.
PHOTO/S: Ynna Asistio / Nadia Montenegro Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results