Lovi Poe at Benjamin Alves, balik-taping para sa Owe My Love

by PEP Troika
Nov 19, 2020
Tampok sina Lovi Poe at Benjamin Alves sa upcoming romantic-comedy series ng GMA-7 na Owe My Love. Pagkatapos maantala ng ilang buwan, balik-taping na ang dalawa at ang kanilang co-stars.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Sumabak na sina Lovi Poe at Benjamin Alves sa lock-in taping ng Kapuso romantic-comedy series na Owe My Love nitong Nobyembre 18, Miyerkules.

Post ni Lovi sa Instagram account niya, “But first coffee... before the first sequence of the day.”

Instagram hirit ng topless na si Benjamin, “Doc Migs is back! Clothes to follow...”

Doc Migs Alcancia ang karakter dito ni Benjamin, samantalang Sensen Guipit si Lovi.

Nakapag-taping na sila before kaya nasabi ni Benjamin nagbabalik ang kanyang karakter.


Continue reading below ↓

Kasama sa cast ng Owe My Love sina Ai-Ai delas Alas, Winwyn Marquez, Leo Martinez, Nova Villa, Jackie Lou Blanco, Ruby Rodriguez, Mike “Pekto” Nacua, Ryan Eigenmann, Buboy Villar, Kiray Celis, Jelai Andres, Jon Gutierrez, Jason Francisco, Divine Tetay, Donita Nose, at Mahal.

Samantala, babalik na ang teledramang Bilangin ang Bituin sa Langit sa Disyembre sa GMA Afternoon Prime.

Sumabak sa 23-day lock-in taping sa San Mateo, Rizal ang cast ng Bilangin ang Bituin sa Langit na pinangungunahan nina Mylene Dizon, Kyline Alcantara, at Nora Aunor.

Kasama nila sina Zoren Legaspi, Ina Feleo, Gabby Eigenmann, Isabel Rivas, Yasser Marta, Candy Pangilinan, at Divina Valencia.


Continue reading below ↓

Bilangin Ang Bituin Sa Langi co-stars (from left) Nora Aunor, Mylene Dizon, Kyline Alcantara, Candy Pangilinan, and Zoren Legaspi

Facebook post ni Yasser recently, “Sa lahat ng bumubuo ng Bilangin ang Bituin sa Langit from the cast, production, crew, utility mahal na mahal ko kayo. Especially direk Laurice Guillen thank you for bringing out the best in me.

“That was one hell of an emotional experience. I will surely miss you all! Congratulations sa atin lahat.”


Continue reading below ↓

Yasser Marta (right) with his co-stars and director Laurice Guillen on the set of Bilangin Ang Bituin Sa Langit

NOEL FERRER

Still sa Kapuso network, may bagong teleserye na nagpunta na sa set nila.

Ito ay ang Babawiin Ko Ang Lahat, directed by Jules Katanyag starring John Estrada, Manolo Pedrosa, Kristoffer Martin, and Dave Bornea.

Naka-lock in taping sila sa Blue Coral Beach Club ng 28 days.

Back-to-work din si Ma’am Charo Santos-Concio sa kanyang Maalaala Mo Kaya anthology at excited siya uling nagte-taping in the new normal.

Sana lang, talaga mag-iingat ang lahat na walang magkakasakit!

GORGY RULA

Halos lahat ng artista at direktor na nakausap namin ay gusto ang ganitong set-up dahil sinusunod ang 12 working hours. May sapat na panahon silang makapagpahinga.

Medyo mahirap lang daw sa set dahil yung hassle na naka-face mask, face shield, at talagang binabantayan ng health officer. Pero mas gusto raw nila ito kesa ito sa nakaraang apektado sila kapag may artistang naglalagare.

Continue reading below ↓

Basta masunod lang ang ipinapatupad na safety protocols and guidelines, maayos naman.

Pero bakit may ilang complains na pala na nakakarating sa FDCP na hindi nasusunod ang mga protocols? Meron pa rin palang lumalagpas ng 12 to 14 hours.

At meron palang shooting na hindi nabibigyan ng proteksiyon ang ibang involved, lalo na ang mga stuntmen at bitplayers.

Dapat ayusin pa rin ito ng mga taong may responsibilidad sa ganitong patakaran.

MORE PEP TROIKA STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tampok sina Lovi Poe at Benjamin Alves sa upcoming romantic-comedy series ng GMA-7 na Owe My Love. Pagkatapos maantala ng ilang buwan, balik-taping na ang dalawa at ang kanilang co-stars.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results